Cristy Fermin Nag - Alala Ngayon Sa Kalagayan Ni Kris Aquino

Walang komento

Lunes, Abril 1, 2024


 Inilahad ng beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang kanyang pagkakabahala ngayon sa kasalukuyang kalagayan ng Queen of All Media na si Kris Aquino dahil sa loob ng pananatili nito sa Amerika ay hindi naman umayos ang kalusugan nito.


Hanggang ngayon ay laman pa rin ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa totoong kalagayan ni Kris Aquino.


Matatandaan na huling nagpakita sa publiko si Kris Aquino noong February 14, 2024 sa mismong kaarawan niya, sa isang live interview ni Boy Abunda kung saan inilahad niya ang nakakalungkot na balita patungkol sa kanyang totoong kalagayan.


Ayon sa pagsisiwalat noon ni Kris Aquino, may nakita na namang panibagong autoimmune diseas sa kanya, ito ay ang Lupus. Isiniwalat rin ni Kris Aquino na nagkaroon na ng tama ang kanyang lungs at heart kaya naman labis na ang kanyang pag-iingat.


Dahil hindi na maganda ang heart condition ni Kris Aquino ay maari umanong bigla na lamang siyang ma-cardiac arrest anumang oras kahit pa sa kanyang pagtulog.


Samantala sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na, natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez ang patungkol sa kasalukuyang kalagayan ni Kris Aquino.


Ayon kay Wendell Alvarez, may posibilidad umano na magpapatingin ng panibagong doktor si Kris Aquino dahil tila wala namang nangyayari sa kanyang gamutan sa kasalukuyan niyang mga doktor ngayon at lalo pang nadadagdagan ang kanyang mga karamdaman.


Kung sakali mang magpapalit ng doktor si Kris Aquino tila babalik na naman sila sa umpisa dahil titingnan pa ang medikal history ng aktres.


Samantala, ikibahala ni Cristy Fermin na sa loob ng maraming taon ay hindi man lamang umano naglalabas ng positibong balita patungkol sa kalagayan ni Kris Aquino. Palagi na lamang isinisiwalat nito na nadagdagan pa ang kanyang mga karamdaman at lalong lumala ang kanya mga allergy.


Hiling naman nina Cristy Fermin, na sana ay tuluyan nang gumaling si Kris Aquino at matukoy na kung saan nanggaling ang kanyang mga karamdaman at mga allergies.



Ogie Diaz Isiniwalat Ang Gustong Aminin Ni Kim Chiu at Paulo Avelino Tungkol Sa Kanilang Relasyon!

Walang komento


 Isiniwalat ng talent manager at showbiz insider na si Ogie Diaz sa kamakailang episode ng kanyang showbiz oriented vlog na tila may gustong aminin sina Paulo Avelino at Kim Chiu patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.


Tila hindi na napigilan ni Ogie Diaz na magsiwalat ng impormasyon patungkol sa kasalukuyang estado ng relasyon nina Kim Chiu at Paulo Avelino na gusto umanong aminin sa kanya ng dalawa.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, na ilang buwan na ring lamang ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang isyu ng pagkakamabutihan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Samantala, sa kamakailang episode ng Ogie Diaz Showbiz Update, kabilang sa kanilang mga napag-usapan ang totoong relasyon nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Marami na rin kasi ang nakapansin sa body language ngayon ng dalawa maging si Ogie Diaz ay may napansin rin umanong kakaiba kina Kim Chiu at Paulo Avelino lalo na't aminado siyang tagahanga rin siya ng dalawa.


Hindi rin naman maitatanggi na napakalakas talaga ng chemistry ng tambalang Paulo Avelino at Kim Chiu kaya naman hindi na umano kataka-taka na magkaroon sila ng sunod-sunod na proyekto na pagbibidahan.


Samantala, hindi na rin naman umano kataka-taka kung sakaling magkahulugan ang loob ng dalawa dahil sa madalas nilang pagsasama at pagkikita. Wala rin namang masama kung sakaling mayroon nang relasyon ang dalawa dahil parehas naman silang single.


Kaya naman, hindi na umano kataka-taka kung isang araw ay aamin sina Paulo Avelino at Kim Chiu sa kanilang relasyon.


Ayon kay Ogie Diaz, hindi na umano siya magtataka kung sakaling darating ang araw na tuluyan nang ipapaalam nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa publiko ang kanilang relasyon. 


Lalo na ngayong tila may sinasabi na umano ang kanilang mga body language. Kahit hindi umano nila amini sa publiko ay halata nang nagkakamabutihan ang dalawa.


Dagdag pa ni Ogie Diaz na tila gusto nang umamin ni Kim Chiu subalit nagpipigil lamang ito dahil masyado pa umanong maaga kung isasapubliko na nila ito ngayon.


Subalit, ayon kay Ogie Diaz kahit hindi aminin nina Kim Chiu at Paulo Avelino ay marunong naman umanong makiramdam ang kanilang mga fans sa kung ano na ang estado ng kanilang relasyon lalo na't makikita naman sa kanilang mga ikinikilos.



Mga Fans Ni Daniel Padilla Nagrereklamo at Kinukwestyon Ang Sexy Image at Birthday Party Ni Kathryn Bernardo

Walang komento


 Nag-iingay ngayon sa ilang mga social media platforms ang ilang mga bitter fans ng aktor na si Daniel Padilla na dating mga KathNiel fans dahil sa naganap na birthday celebration ni Kathryn Bernardo sa El Nido, PalawaN kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan na karamihan ay mga kalalakihan.


Trending at laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms lalong lalo na sa Twitter ang aktres na si Kathryn Bernardo dahil sa naganap niyang 28th birthday party.


Nagdedebatehan ngayon ang ilang mga tagahanga nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil marami sa mga fans ng huli ang hindi nagustuhan ang ginawa ni Kathryn sa kanyang birthday party.


May mga fans kasi ni Daniel Padilla ang pumuna at pinapatamaan ang aktres na si Kathryn Bernardo sa naganap na birthday celebration nito sa isang private yacht kasama ang kanyang mga malalapit na kaibigan.


Ayon sa isang fan ni Daniel Padilla, na hindi magandang tingnan ang pagsama-sama ni Kathryn Bernardo sa mga lalaki matapos ang hiwalayan nila ni Daniel. May mga nakapansin rin kasi na kadalasan sa mga nakakasama ngayon ng aktres ay mga lalaki na kamakailan lamang umano niya nakilala.


May mga fans din ni Daniel Padilla na kumukutya sa birthday party ni Kathryn Bernardo at tinatawag ito ng iba't-ibang pangalan kagaya na laman ng pabuhat birthday party at 12 years ere party.


May mga nagulat rin dahil sa biglaang pagdami ng kaibigan ngayon ni Kathryn Bernardo na kadalasan pa at mga kalalakihan sa loob ng industriya ng showbiz.


Kaagad namang dumipensa ang mga fan ni Kathryn Bernardo, kung saan iginiit nila na ang nakaraang birthday celebration ni Kathryn Bernardo ay para sa kanyang peace of mind at happiness matapos ang ilang taong betrayal ni Daniel Padilla at iba pa nilang malalapit na kaibigan.


Ipinahayag naman ng ilang mga fans ni Kathryn Bernardo ang kanilang pagiging proud kay Kathryn Bernardo dahil nakayanan niyang i-let go ang 11 years toxic relationship kay Daniel Padilla. Tama lang rin umano ang ginagawa ngayon ng aktres na ipamukha kay Daniel Padilla na kaya niyang maging masaya sa kabila ng kanilang paghihiwalay.


Samantala, naging makahulugan din ang appreciation post ni Kathryn Bernardo na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account kung saan pinasalamatan niya ang mga naging bahagi sa kanyang happiest birthday to date.


Tila sinasabi na rin umano ng aktres na mas naging masaya siya ngayong nagdiriwang siya sa kanyang kaarawan nang hiwalay na kay Daniel Padilla.


Sarah Lahbati Spotted Na May Ka-Date Na Foreigner, Ito Na Ba Ang Pinalit Kay Richard Gutierrez?

Walang komento


 Actress-model na si Sarah Lahbati, namataan sa Hongkong na may kasamang lalaki, nakikipagdate na matapos ang ilang buwan nang mapabalitang naghiwalay na sila ng mister na si Richard Gutierrez.


Viral at usap-usapan ngayon sa social media at ilang mga entertainment news sites ang kumakalat na larawan kung saan makikita ang aktres na si Sarah Lahbati na may kasamang lalaki sa isang restaurant sa Hongkong.


Hinala ng maraming mga netizens na ito na ang ipinalit ni Sarah Lahbati sa kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez.


Samantala, sa isang episode ng Showbiz oriented vlog ni Ogie Diaz, nakarating sa kanya mula sa kanyang mga sources na hindi kasama ni Sarah Lahbati ang kanyang dalawang anak sa mga oras na iyon at sila lamang dalawa ng lalaki ang nagbabakasyon sa Hongkong.


Sa ngayon ay hindi pa kumpirmado kung ang lalaking kasama ngayon ni Sarah Lahbati ay nanliligaw pa lamang o kasintahan na niya.


Marami rin ang nakapansin na tila naging sweet si Sarah Lahbati sa lalaki dahil may isang larawan kung saan makikitang pinupunasang nito ang damit ng lalaki.


May mga nagsasabi naman na wala na ring masama kung magkaroon ng panibagong karelasyon si Sarah Lahbati dahil hiwalay na rin naman sila ng kanyang mister na si Richard Gutierrez. Ilang beses na rin naman din umanong nakitang lumalabas kasama ang ibang mga babae si Richard Gutierrez.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan noon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news ang video kung saan makikitang magkasama sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial na magkasama sa isang bar sa Alabang.


Makikita rin sa mga naglabasang mga video ang pagkakalapit ng dalawa na pinagmulan ng mga hinalang may namumuong relasyon sa pagitan ng dalawa.


Bukod kay Barbie Imperial nalink rin kay Sarah Lahbati ang Kapuso actress na si na si Kazel Kinouchi nang mamataan naman silang magkasama noong Undas.


Naisiwalat rin nina Ogie Diaz at Mama Loi na pinoproseso na ngayon nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang annulment.


Sa kabilang banda, iginiit ni Ogie Diaz na hindi muna maaring ipagpalagay na nobyo na ni Sarah Lahbati ang lalaking nakasama niya sa Hongkong dahil lamang sa mga kumakalat na litrato ngayon. 


Gayundin umano sa mga kumalat na video nina Barbie Imperial at Richard Gutierrez sa Alabang.


Sa ngayon ay pareho pa tin namang nananahimik ang magkabilang panig patungkol sa mga nasabing isyu.


Ipinunto naman ni Ogie Diaz na ang mas mahalaga sa ngayon na maayos ang co-parenting set-up nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa kanilang dalawang anak.




Just in: Kim Chui, Nililigawan Ngayon Ni Paulo Avelino

Walang komento

Biyernes, Marso 29, 2024


 Tila naging hulog ng langit si Paulo Avelino sa buhay ng actress-host na si Kim Chiu dahil nakilala niya ang aktor sa lowest point ng kanyang buhay.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na dumaan sa matinding dagok si Kim Chiu kamakailan lamang nang maghiwalay sila ng kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim.


Marami naman ang naghihinala na sa tulong ni Paulo Avelino ay madaling nakapag-move on si Kim Chiu kay Xian Lim.


Samantala, marami naman ang naghinalang papunta na rin sa isang relasyon sina Paulo Avelino Kim Chiu dahil sa ipinapakita nilang sweetness sa likod at harap ng kamera.


Ayon naman sa ilang mga malapit kina Paulo Avelino at Kim Chiu sa set ng What's Wrong with Secretary Kim, na todo alaga umano itong si Paulo Avelino sa kanyang leading lady at dinadalhan ito ng pagkain.


Sa kabilang banda, marami naman ang naghinala na magkasama ngayong nagbabakasyon sina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Dahil dito, naghinala ang maraming mga netizens na totoong nagliligawan na ang dalawa at kinikilala na ang bawat isa.


Samantala, hinala ng maraming mga netizens na kaya napalapit si Kim Chiu kay Paulo Avelino dahil ito ang kasama ng aktres noong nagkakalabuan na sila ni Xian Lim.


Naging karamay umano ng aktres si Paulo at napagsasabihan niya sa kanyang problema sa pag-ibig lalo na noong mga panahong dinidedma na ni Xian Lim ang mga tawag ni Kim Chiu.


Samantala, labis namang nagpapasalamat si Kim Chiu sa mga sumsusubaybay sa kanila Paulo Avelino dahil hindi umano niya inakalang papatok ang kanilang tambalan na nag-umpisa sa Linlang.


Sa kabilang banda, may mga naglabasang mga haka-haka na approve na sa pamilya ni Kim Chiu si Paulo Avelino dahil mabait umano ito at marespeto sa kanila.




Paulo Avelino Todo Payong Kay Kim Chiu, KimPau Inabutan Ng Malakas Na Ulan Sa Taping

Walang komento


 Kahit natapos na ang taping nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa local adaptation ng What's Wrong With Secretary Kim, marami pa rin ang kinilig na mga tagahanga ng dalawa sa tuwing may mga naglalabasang mga video kung saan makikita ang mga behind the scenes ng kanilang serye.


Kamakailan lamang ay kumakalat ang behind the scenes nina Kim Chiu at Paulo Avelino kung saan makikitang nagtatakbo ang dalawa dahil naabutan sila ng ulan.


May mga behind the scene pa kung saan makikitang pinapayungan ni Paulo Avelino si Kim Chiu habang papunta sila sa kanilang pagso-shootingan.


Marami naman sa mga fans ng dalawa ang lalong kinilig dahil kapansin-pansin umano na kahit walang nakatutok na kamera kina Kim Chiu at Paulo Avelino ay sweet pa rin sila sa isa't-isa.


May mga nagsasabi rin na talagang palagay na ang loob ngayon ni Kim Chiu kay Paulo Avelino hindi katulad noon.


Patuloy namang humihiling ang nakararami sa kanilang mga tagahanga na sana ay maging totohanan na ang kanilang relasyon.


Subalit may ilan pa rin naman na naniniwalang hindi dapat madaliin ang dalawa para makilala muna nila ang isa't-isa bago maging seryusahan na ang kanilang relasyon.


Sa kabilang banda, lumalabas naman ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung ikinasal na ang dating boyfriend ni Kim Chiu na si Xian Lim sa panibagong nobya nito na si Iris Lee.


Hinala ng maraming mga tagahanga ni Kim Chiu na noon pa mang sila pa ni Kim Chiu ay mayroon nang lihim na relasyon sina Iris Lee at Xian Lim.


Ngayong tuluyan nang naging malaya ang aktor ay nagsilabasan na ang kanilang mga larawan at nagpapakita na rin sila sa pubiko na magkasama.



Vice Ganda Tutol Sa Pakikipagbalikan Ni Xian Lim Kay Kim Chiu! Xian Confirm Na Ikinasal Na Kay Iris?

Walang komento


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung nagpakasal na pala sina Xian Lim at rumored girlfriend nito na si Iris Lee sa New York.


Marami ang napapatanong kung totoong nagpakasal na si Xian Lim sa kanyang bagong babae ay bakit nagpapahiwatig ng pakikipagbalikan kay Kim Chiu. Hinala tuloy ng ilang mga netzens na tila ginagamit lamang ni Xian Lim ang pagmamahal sa kanya ni Kim Chiu para pabanguhin ang kanyang pangalan.


Dahil dito, nagpahayag na ang ilang mga It's Showtime hosts ng pagtutol sa nasabing isyu, pinapayuhan na rin umano nila ngayon si Kim Chiu na huwag nang makipagbalikan pa kay Xian Lim kahit mahal pa ito ng aktres.


Hindi na nagugustuhan ng malalapit na kaibigan ng actress-host na si Kim Chiu lalong lalo na ng It's Showtime  family ang naging pahayag ni Xian Lim na nais niyang balikan ang aktres sa pagdating ng panahon matapos itong iwanan dahil sa ibang babae.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, pinapayuhan ng ilang mga It's Showtime host si Kim Chiu lalo na ni Vice Ganda na huwag nang balikan si Xian Lim kahit mahal pa niya ito dahil siya lamang ang masasaktan lalo na't kumakalat ngayon ang isyung nagpakasal na ito sa ibang babae.


Maging ang ilang mga fans ni Kim Chiu ay nagpapayo rin dito na huwag na munang pumasok sa isang relasyon at magpukos na lamang muna ngayon si Kim Chiu sa kanyang showbiz career.


Matatandaan na mismong ang mga mapagkakatiwalaang sources ni Ogie Diaz nagsabi sa kilalang showbiz insider sa balitang nagpakasal na umano sina Xian Lim at Iris Lee sa ibang bansa.


Pinili umano nina Xian Lim at Iris Lee na sa ibang bansa magpakasal para makaiwas sa mga pambabatikos at kontroberiya dahil ilang buwan pa lamang ang nakakalipas nang aminin nila ni Kim Chiu ang kanilang paghihiwalay.


Tila nakaplano na umano ang lahat bago paman nagpasyang hiwalayan ni Xian Lim si Kim Chiu.



Muling Pagbandera Ni Kyline Alcantara Sa Video Nila Ni Mavy Legaspi, Inulan ng Batikos

Walang komento


 Pinagpipyestahan ngayon ng mga netizens sa ilang mga social media platforms ang ibinahaging video ng aktres na si Kyline Alcantara sa kanyang Instagram stories.


Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ni Kyline Alcantara ang video kung saan kasama niya ang celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali, kasama rin sa video ang kanyang dating boyfriend na si Mavy Legaspi.


Ayon sa ilang mga netizens na tila napilitan umano si Kyline Alcantara na ipost sa kanyang social media account ang video na pinagsamahan nila ng kanyang ex-boyfriend dahil sa pareho silang endorser ng Royal.


Naniniwala ang marami na kuha ang nasabing video noong maayos pa ang relasyon ng dalawa dahil kitang-kita sa video na masaya sila at very sweet. Wala pa umanong awkwardness sa pagpasan ni Mavy kay Kyline Alcantara.


Samantala, marami rin ang nakapansin na ibinahagi rin ni Mavy Legaspi sa kanyang social media account ang nasabing video. Kaya naman marami sa mga netizens ang nagsasabi na napaka-awkward na umano nito.


Matatandaan na naging laman ng mga usap-usapan ang hiwalayan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara kung saan itinuturong third party ang isa pang Kapuso artist na si Dasuri Choi.


Subalit, ayon sa inilabas na pahayag ni Dasuri ay walang katotohanan ang isyung ibinato sa kanya dahil wala naman umanong namamagitan sa kanila ni Mavy Legaspi bukod sa pagiging magkaibigan at kasama sa trabaho.


Nilinaw din niya ang ipinakalat na video ni Kyline Alcantara kung saan makikitang tila may double date na nagaganap sa pagitan nila ni Mavy at sa rumored couple na sina Cassy at Michael.


Ayon kay Dasuri Choi, walang double date na naganap sa pagitan nila dahil ang totoong dahilan kung bakit nasa restaurant sila ay para sa team dinner ng Tahanang Pinakamasaya. Nauna lamang umano silang dumating sa venue na naging dahilan kung bakit nakuhanan sila ng video na tila nagdo-double date.


Samantala, may mga nagsasabi naman na sumubra lamang umano ang pagiging selosa ni Kyline Alcantara na naging  dahilan kung bakit nagwakas ang relasyon nila ni Mavy Legaspi. Hindi rin umano ito nagustuhan ng ina ni Mavy na si Carmina Villaroel dahil sinisiraan nito ang kanyang mga anak.



Kim Chiu Umamin Ginusto Nang Pakasalan Si Xian Lim Noon!

Walang komento


 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang pagiging emosyunal ng actress-host na si Kim Chiu nang muling mapag-usapan ang hiwalayan nila ng aktor na si Xian Lim.


Isiniwalat ni Kim Chiu ang kanyang mga natutunan sa pinagdaanang mga break ups sa kanyang mga longtime boyfriends.


Naitanong rin kay Kim Chiu kung ginusto ba niyang magpakasal kay Xian Lim sa loob ng mahigit dekada nilang pagiging magkasintahan.


Ayon kay Kim Chiu, hindi umano niya tinanong si Xian Lim kung pakakasalan ba siya nito subalit iniisip na umano niya ito dahil matagal na rin naman sila bilang boyfriend-girlfriend.


Gayunpaman, iginiit ni Kim Chiu na isa lamang ito sa mga dahilan kung bakit sila nagkalabuan ni Xian Lim at maliit lamang ito kung ikukumpara sa totoong dahilan ng kanilang hiwalayan.


Ayon sa naging pahayag ni Kim Chiu, "Wala naman, baka magalit siya. It's ano lang talaga, common understanding naman namin na.. mutual decision to end things and move on with our lives."


Aminado naman si Kim Chiu na very personal ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Xian Lim kaya naman hindi niya basta-basta na maisisiwalat sa lahat lalo na't pareho silang nasa showbiz industry. Mas mabuti na lamang umano na tanggapin na hindi lahat ng mga gusto mo ay matutupad.


"It's very personal, medyo mahirap siya so you have to accept siguro yung mga bagay na wala ka nang control, and you cannot push yourseld sa isang bagay na.. not naman in the same wavelength."


Sa ngayon ay mas pipiliin na lamang ni Kim Chiu na iienjoy ang anumang plano ng panginoon sa kanya dahil naniniwala siyang ang lahat ng bagay ay nakaplano nang lahat ng panginoon.


Samantala, dahil sa naging hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim may mga netizens naman na patuloy na ini-lilink ngayon ang aktres sa kanyang leading man sa mga teleserye na si Paulo Avelino.



Kim Chiu Nagulat Sa Paninira Ni Xian Lim

Walang komento


 Ikinagulat ng maraming mga marites online ang ipinahayag ni Xian Gaza patungkol sa nangyari sa relasyon nina Xian Lim at Kim Chiu, at ang kinalaman ni Iris Lee sa paghihiwalay ng dalawa.


Sa isang Facebook post, isiniwalat ng Self-proclaimed pambansang marites na si Xian Gaza na bago pa man maghiwalay sina Xian Lim at Kim Chiu ay nagli-live in na sina Iris Lee at Xian Lim.


Ayon pa kay Xian Gaza na maging siya ay nagulat rin sa kanyang nasagap na isyu dahil wala naman umanong kapali-palit kay Kim Chiu.


Samantala, napagtagpi-tagpi naman ng ilang mga netizens ang usaping ito sa mga naisiwalat naman ng showbiz insider na si Ogie Diaz patungkol sa taon kung saan naging malapit sina Xian Lim at Iris Lee sa isa't-isa.


Ayon sa naging pagsisiwalat noon ni Ogie Diaz na habang ginagawa nina Xian Lim ang Hello Universe ay nakasama na niya si Iris Lee at doon na umano nagsimula ang pagkakalapit nila sa isa't-isa.


Makalipas ang mga araw ay tuluyan na umanong nahulog ang loob ni Xian Lim kay Iris Lee dahil naging madalang na rin ang pagkikita nila ni Kim Chiu dahil naging abala na rin ito sa mga showbiz engagements.


Sa kabilang banda, tila kinumpirma naman umano itong lahat ni Xian Lim sa naging pagsisiwalat niya patungkol sa pagkawala ng kanyang pagmamahal para kay Kim Chiu.


Marami sa mga netizens ang naniniwala na kaya naglaho ang pagmamahal ni Xian Lim para sa aktres ay dahil may nakita na itong bagong babae na mamahalin sa katauhan ni Iris Lee.


Ang hindi lamang nagustuhan ng maraming mga netizens ay kung bakit niloko pa ni Xian Lim si Kim Chiu sa pakikipaglive in kay Iris Lee habang hindi pa sila opisyal na naghiwalay.




Ashley Ortega, Kuntento Na Nga Ba Sa Pagiging Single?

Walang komento


 Sa panibagong episode ng podcast Nielson Canlas, inilahad ng aktres na si Ashley Ortega na hanggang ngayon ay nanatili pa ring siyang single.


Ayon sa aktres na si Ashley Ortega, ini-enjoy pa umano niya ang kanyang single era at wala pa umano siyang balak na pumasok sa isang relationship.


Matatandaan na noong nakaraang March 2023, inamin ng aktres na si Ashley Ortega na hindi na kabahagi ng kanyang buhay si Lucena City Mayor Mark Alcala.


Ayon sa pagbabahagi ng aktres noon, nag-umpisang lumabo ang kanilang relasyon ng parehong naging abala sila sa kani-kanilang mga trabaho.


Sa ngayon ay masaya naman umano si Ashley Ortega at ini-enjoy niya ang kanyang single era sa pamamagitan ng pagtravel. Sa ngayon ay hindi pa umano niya kailangan ng lalaki sa kanyang buhay.


Ang mahalaga ay masaya at kontento umano siya sa nasa kanya ngayon.


Inamin pa ni Ashley Ortega na hindi rin naging madali para sa kanya ang nangyari nitong mga nakaraang taon.


Pag-amin ni Ashley, "It was a tough year for me. Maraming iyak-iyak. Pangit din kasi na parang magpi-pretend ako na ayaw ko 'tong maramdaman. I will allow myself to feel para ma-released ko ito."


Nang matanong naman si Ashley Ortega kung handa na ba siyang pumasok sa relasyon ngayon ipinahayag ni Ashley na wala siyang balak na pumasok sa isang relasyon dahil masaya naman siya sa pagiging single at magiging abala na rin siya sa kanyang mga showbiz engagements.


Kabilang sa mga nakalinyang proyekto ni Ashley Ortega ay ang Pulang Araw na pagbibidahan nina Barbie Forteza at David Licauco.


Gayunpaman, inilahad ni Ashley Ortega na hindi naman niya lubusang sinasara ang kanyang puso sa panibagong pag-ibig. Handa naman umano siyang pumasok sa isang relasyon kapag may taong darating na karapat dapat sa kanyang pagmamahal.


Sa katunayan ay nakikipaghang out naman umano siya kasama ang ilang mga boys subalit nililinaw naman umano niya sa mga ito na casual hang-outs lamang ang kanilang ginagawa.



Former Eat Bulaga Host, Makakasama Sa It's Showtime Host!

Walang komento


 Mismong si Vice Fanda ang nagsabi sa press peole patungkol sa naganap na contract signing sa pagitan ng GMA at ABS-CBN para sa paglipat ng It's Showtime sa main channel ng Kapuso network.


Inamin ng Unkabogable Star na excited na siya sa pag-ere nila sa GMA Network at sa mga makakasama niyang Kapuso artists sa kanilang show.


Naitanong rin kay Vice Ganda kung welcome bang maging guests sa It's Showtime ang mga dating hosts ng napasarang Tahanang Pinakamasaya.


Ayon naman kay Vice Ganda, nagkita na sila ni Isko Moreno at napa heart warming umano ng pagkikita nilang dalawa.


Matatandaan na kabilang sa mga pumalit na host ng iniwang show ng TVJ si Isko Moreno na Eat Bulaga na kalaunan ay nagpalit ng pangalan at naging Tahanang Pinakamasaya.


Nagkita umano sila sa isang event at masaya naman silang nagyakapan at nagkumustahan. Binati rin umano sila ni Isko Moreno sa pagkakalipat ng kanilang show sa main channel ng Kapuso network.


Samantala, ipinahayag ni Vice Ganda na hindi niya naiisip ang kompetisyon sa panahon ngayon.


Sa kabilang banda ayon sa aming nakalap na impormasyon, may mga nagaganap na pag-uusap ngayon sa pagitang nga executives ng dalawang malalaking networks patungkol sa pagpasok ni Isko Moreno para maging regular host ng It's Showtime.


Samantala, nauna nang nagbigay ng pahayag ang actor at dating host ng Tahanang Pinakamasaya na si Paolo Contis na umanoy bukas siya sa posibilidad na makapasok sa It's Showtime ngayong nasa GMA Network na rin ito.


Subalit, hanggang ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag sina Vice Ganda sa kung sino-sino ang Kapuso artists na makakasama nila sa kanilang show.



Moira Dela Torre Pinangaralan Si Shaira Moro Kaugnay Sa Copyright Issue Nito Sa Kanta Niyang Selos!

Walang komento


 Hindi napigilang magreact ng kilalang singer na si Moira Dela Torre sa copyright isyu na kinakaharap ngayon ni Shaira Mora.


Kamakailan lamang ay tuluyan nang binura sa lahat ng mga music streaming sites ang kanta ni Shaira Moro na pinamagatang 'Selos'.


Matapos magtrending ang kantang 'Selos' sa ilang mga social media platforms, marami na rin ang nakapansin sa pagkakapareho nito ng melody sa kanta ng Australian singer na si Lenka sa kanta nitong 'Trouble is a Friend'.


Bukod sa kantang 'Selos' tinanggal na rin sa mga music streaming platforms ang iba pang mga kanta ni Shaira na may pagkakatulad ng mga melody sa kanta ng ibang mga singers sa loob at labas ng bansa.


Sa gitna ng usaping ito, nagbigay ng pangaral ang kilalang singer na si Moira Dela Torre patungkol sa usapin ng copyright. Bagama't hindi pinangalanan ni Moria Dela Torre ang kanyang tinutuoy, hinala ng marami na ito'y walang iba kundi si Moira Dela Torre.


Ayon kay Moira Dela Torre, dapat ay palaging magbigay ng credits kapag manggamit ng ibang mga melody dahil pinaghirapan din umano ito ng ibang tao.


Buong pahayag ni Moira Dela Torre, "I think my advice to people who want to be in this industry is to just be willing to listen and willing to learn. And to always give credit. Marami kasing hindi educated sa issue, and sana may willing matuto and ma-educate sa copyright."


"Pati ako, kahit nag-music production ako in college and nandito ako sa industriya, ang dami  ko pa rin natututunan. How much more sa mga nagsisimula pa lang."


Dagdag pa ni Moira, "Well, I always believed that we all come from some kind of influence and my music came from that. But I believe in ginving credit when it's due."


"I also believe that you give honor to the people that deserve it. It's just what's right. We just have to do what's right and to credit the people that need to be credited, as long as we're all willing to learn, it's a good path to take when you make mistakes."


Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa naging statement ni Moira Dela Torre patungkol sa copyright issue ni Shaira Moro. Ok lang sana umano kung pang personal use lamang ni Shaira ang ginawa niyang kanta na may katulad na melody ng mga existing songs.


Subalit, nasa music streaming platforms na umano ang mga ito ibig sabihin ay pinagkikitaan na niya ang mga ito.


Iginiit din ng marami na may legal procedures naman ang paggamit ng melody ng ibang kanta dahil hindi lang naman umano si Shaira ang gumagawa nito. Kailangan munang humingi ng pahintulot mula sa original artist at kailangan rin niyang magbayad ng royalty.


 


Xian Lim Isiniwalat Ang Iba Pang Dahilan Kung Bakit Mas Piniling Hiwalayan Si Kim Chiu!

Walang komento


 Isiniwalat ng Kapuso actor-director na si Xian Lim ang iba pang dahilan ng pagkikipaghiwalay niya kay Kim Chiu.


Sa kamakailang episode ng programa ng kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin natalakay niya ang iba pang mga dahilan kung bakit nagdesisyon si Xian Lim na wakasan ang mahigit isang dekada nilang relasyon ni Kim Chiu.


Sa talakayan nina Cristy Fermin at Wendell Alvarez napag-usapan nila ang pamilya ni Kim Chiu at ang pakikitungo ng mga ito kay Xian Lim.


Hindi umano naging welcome sa pamilya ni Kim Chiu si Xian Lim sa kabila ng matagal nilang romantic relationship.


Ayon kay Cristy Fermin na sa tuwing umuuwi si Kim Chiu sa Cebu kasama si Xian Lim ay hindi dumideretso si Xian sa bahay ng aktres. Nag-iistay umano ito sa hotel dahil hindi siya welcome sa pamilya ng aktres.


Samantala, ayon naman kay Cristy Fermin na sana ay nagtyaga umano si Xian Lim na makuha ang loob ng mga magulang ni Kim Chiu.


Kung hindi man umano siya tanggap ng pamilya ng aktres ay sana gumawa naman siya ng paraan para matanggap ng mga ito.


Inilapit sana niya ang kanyang sarili sa pamilya ng aktres, gumawa sana umano si Xian Lim ng paraan para makuha ang loob ng mga kapatid ni Kim Chiu, kung gusto niya talagang matanggap siya ng pamilya nito.


Naniniwala rin si Cristy Fermin na kasalanan ni Xian Lim kung bakit hindi siya nagustuhan ng pamilya ni Kim Chiu dahil hindi naman umano siya gumawa ng paraan.


Ayon pa kay Cristy Fermin, kapag totoong nagmamahal mamahalin rin dapat ang mga taong minamahal ng taong mahal mo. Kapag totoong mahal mo kahit harangan pa ng sibat ay walang makakapigil sa iyo.


Subalit, dahil hindi naman umano nag-effort si Xian Lim, maaring noong una pa lamang umano ay hindi na talaga siya sigurado kay Kim Chiu kaya naman hindi na siya gumawa pa ng paraan para matanggap ng pamilya ng aktres.


Maaari rin umanong ginamit lang talaga ni Xian Lim ang kasikatan noon ni Kim Chiu para maiangat rin ang kanyang pangalan sa mundo ng showbiz. Paraan na rin umano ito ng aktor para kapag kaya na niyang hindi maidikit sa pangaan ni Kim Chiu ay mdali lamang siyang makakabitaw sa kanilang relasyon.


Gayunpaman, maari rin umanong nagsawa na lamang si Xian Lim sa hindi pagtanggap ng pamilya ni Kim Chiu sa kanya kaya isinuko na rin niya ang pagmamahal para sa aktres at humanap na lamang ng ibang babae na hindi huhusgahan ang kanyang pagkatao.



Bimby Aquino May Pangako Sa Ina Na Si Kris Aquino

Walang komento

Huwebes, Marso 28, 2024


 Nag-umpisa ang pagiging stress at anxiety ni Kris Aquino noong 2017 na naging dahilan kung bakit bumagsak ang kanyang katawan.


Nag-ugat ito sa isyung kinasasangkutan ng isang katrabaho niya na may kinalaman sa pera. Dahil dito, nagsilabasan na ang mga medical conditions ni Kris Aquino na kalaunan ay napag-alamang mga autoimmune diseases.


Taong 2022, nagpasya si Kris Aquino na pumunta sa Amerika upang doon ipagpatuloy ang kanyang pagpapagamot, anim na buwan lamang sana ang itatagal roon nina Kris Aquino dahil inakala niyang magiging maayos na ang kanyang kalusugan.


Subalit, hanggang ngayon, makalipas ang dalawang taon ay patuloy pa ring nagpapagamot roon si Kris Aquino dahil hindi pa bumubuti ang kanyang kalagayan sa katunayan, marami pang mga health conditions ang natuklasan ng mga doktor roon kay Kris Aquino.


Samantala, noong 2018 ay naiulat ang naging pahayag ni Bimby Aquino na sa kabila ng kamusmusan nito ay ipinahayag niyang handa siyang ibigay ang kanyang mga organs kung sakaling mangangailangan ang kanyang ina.


Hindi naman nagbago ang pagmamahal ni Bimby Aquino para sa kanyang ina na si Kris Aquino dahil mas pinili ngayon ni Bimby na samahan ang kanyang ina sa mahirap nitong kalagayan kaysa ang umuwi sa Pilipinas para simulan ang kanyang showbiz career.


Matatandaan na mismong si Kris Aquino ang nagsiwalat noon na kailangan nang magtrabaho ni Bimby dahil sa lumalaki niyang medical bills at iba pang pangangailangan nila sa Amerika.


Subalit, tila hindi nakayanan ni Bimby na iwan ngayon ang kanyang ina habang kinakaharap nito ang crucial six months kung saan sasailalim ito ng matinding treatment na maaring magtapos sa buhay ng batikang aktres.


Pinapatunayan lamang umano ni Bimby na priority niya ang kanyang ina kaysa sa ibang mga bagay o trabaho na siyang ikinatuwa naman ng marami.


Sa ngayon ay patuloy pa ring lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga karamdaman kahit pa aminado ang aktres na nahihirapan na siya.


Patuloy naman humihiling ang mga nagmamahal kay Kris Aquino na bigyan pa siya ng mas mahabang panahon para makasama ang kanyang mga mahal sa buhay.


Its Showtime V. Eat Bulaga, Alin Ang Mas Panonoorin

Walang komento


 Sa napipintong paglipat ng It's Showtime sa main channel ng GMA Network, muli na naman silang magkakatapat ng Eat Bulaga sa mga television channels na naaccess ng karamihan sa mga manonood.


Inaasahan ngayon ng maraming mga televiewers ang pagpapataasan ng ratings ng dalawang mga noontime shows na noon pa man ay magkatapat na, sa kung anong shows ang mas papanoorin at tatangkilin ng mga manonood sa lahat ng sulok ng bansa.


Samantala, nitong sabado, usap-usapan ang isyung nakakuha umano ng mas mataas na ratings ang It's Showtime kaysa sa Eat Bulaga kahit pa hindi pa ito lumipat sa main channel ng GMA Network, habang nasa GTV pa lamang ito.


Sa kabilang banda, sa isang episode ng programa ng kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin, naniniwala siyang wala nang dapat pang patunayan ang TVJ na main host ng noontime show na Eat Bulaga dahil hawak na nila ang titulo bilang longest running noontime show ng bansa.


Hindi naman umano ito tatagal ng mahigit apat na dekada kung hindi ito sinusubaybayan ng maraming mga manonood.


Iginiit pa ni Cristy Fermin na hindi na umano uso ngayon ang bardagulan at pasaringan ng maaanghang na salita sa mga noontime shows.


Ayon pa kay Cristy Fermin sa Eat Bulaga, iyong hindi masatsat 'yun ang wala na silang iniiisip at wala na kasing dapat pang patunayan, iyon yung mga tahimik lang.


Pagpapayo pa ni Cristy Fermin para sa mga noontime shows, na ang mas mahalaga ay babantayan nila ang kanilang programa, paghuhusayan pa nila lalo para sa ikakatuwa ng mga manonood.


Dagdag pa ni Cristy Fermin, "Hindi iyong kung ano-anong sasabihin, bardagulan dito, personalan jan. Hindi na po uso yun ngayon."


Matatandaan na matapos ang permahan ng kontrata sa pagitan ng GMA Network at GMA7 noong nakaraang myerkules March 20, 2024 ay naglabas ng joint statement ang nasabing mga networks kung saan inilahad nila ang opisyal na petsa kung kailan magsisimula ang pag-ere ng It's Showtime sa GMA7.




Alden Richard Ang Sweet Kay Kathryn Bernardo, Nanliligaw Na

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang ginawa ni Alden Richards sa aktres na si Kathryn Bernardo sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan sa El Nido, Palawan noong March 26, 2024.


Kabilang sa mga invited guest ng Asia's Superstar na si Kathryn Bernardo sa kanyang yacht cruise birthday celebration noong March 26, 2024 ang dating leading man na si Alden Richards.


Matapos ang kanilang masayang celebration, kumakalat ngayon sa ilang pahayagan ang isyung dumadamoves na umano itong si Alden Richards para sungkitin ang puso ng dalaga.


Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang ibinahaging post ni Lovely Abella kung saan marami ang umiintriga kina Kathryn Bernardo at Alden Richards.


Bagama't kasama naman sa larawan sina Lovely Abella, Kakai Bautista at Maymay Entrata hindi pa rin naiwasang kiligin ng marami sa napakalakas na chemistry nina Alden Richards at Kathryn Bernardo.


Tila naging mini-reunion rin ng pelikulang Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan noon nina Kathryn Bernardo at Alden Richards dahil karamihan sa naging bisita ni Kathryn sa kanyang 28th birthday ay kasamahan nila sa nasabing pelikula.


Samantala, may isang netizens naman ang iniintriga sina Kathryn Bernardo at Alden Richards. Ayon sa komento nito, tila dumadamoves na umano itong si Alden Richards kay Kathryn Bernardo ngayong hiwalay na ang aktres sa kanyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla.


Matatandaan na noon pamang nagkatambal sa Hello, Love, Goodbye sina Alden Richards at Kathryn Bernardo ay marami nang nagshi-ship sa dalawa at humihiling na sana ay magkaroon ng part 2 ang kanilang pelikula.


Subalit, hindi ito nagtuloy-tuloy dahil sa relasyon noon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na tila ipinagadamt noon ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo dahil hindi pumapayag ang aktor na maipareha sa iba si Kathryn matapos ang matagumpay nitong pelikula kasama si Alden Richards.


Pinagbabawalan din nito ang aktres na magsuot ng mga revealing na damit at pinipigilan rin niya ito sa paglalasing lalo na kapag nasa public places silang dalawa.


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo