Nanay ni Sarah Geronimo may mga kundisyon sa usaping pera bago nakipagbati kay Sarah at Mateo

Walang komento

Linggo, Marso 17, 2024

 


Mommy Divine Geronimo, naglagay ng ilang kundisyon bago nagkasundo muli kay Sarah Geronimo. Ating tuklasin ang buong detalye. Sa kasalukuyan, mainit na pinag-uusapan sa iba't ibang social media ang muling pagkakasundo ng mag-inang Sarah at Divine Geronimo.


Marami ang nagtatanong kung sa wakas ba ay naayos na ang relasyon ng popstar royalty na si Sarah Geronimo at ng kanyang inang si Mommy Divine, matapos ang ilang taong pagkakalayo ng loob dahil sa pagpapakasal ni Sarah kay Matteo Guidicelli na labag sa kagustuhan ng kanyang ina.


Gayunpaman, sa isang kamakailang interview kay Sarah Geronimo at sa pagkakatanggap niya ng Global Force Award, lumilitaw na mukhang nagkaayos na nga ang mag-ina. Ipinahayag ni Sarah ang kanyang taos-pusong pasasalamat at pagmamahal kay Mommy Divine, na kanyang itinuturing na bayani, at pinasalamatan din niya ang mga sakripisyo nito para sa kanilang pamilya.


Sa kanyang talumpati, binigyang-diin din ni Sarah ang pag-unawa niya sa mga hamon at pagsubok na hinaharap ng mga babaeng may asawa, pati na rin ang kahalagahan at ganda ng pagkakaroon ng isang kapareha sa buhay.


Nabanggit din sa isang episode ng Marites University ang muling pagkakaayos ni Sarah at ng kanyang inang si Mommy Divine, na nagdulot ng kasiyahan sa marami dahil sa matagal na panahong hindi magandang relasyon ng mag-ina. Nabanggit din na sa kabila ng hindi pagkakasundo, patuloy ang pagsisikap ni Sarah na makipag-ugnayan sa kanyang ina sa pamamagitan ng sulat, na hindi umano pinapansin ni Mommy Divine.


Sa kabila ng mga hamong ito, ipinakita ni Sarah Geronimo na tama ang kanyang desisyon sa pagpili ng kanyang makakasama sa buhay, na si Matteo Guidicelli, at ang kanilang relasyon ay nanatiling matatag. Natutuwa ang marami sa balita ng pagkakasundo nila Sarah at Mommy Divine. Subalit, may mga bulung-bulungan na may ilang kundisyon daw si Mommy Divine bago sila nagkasundo, na hinihinalang may kinalaman sa mga isyung pinansyal na matagal nang pinag-uusapan sa loob ng kanilang pamilya. Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kay Sarah Geronimo at sa pamilya ni Divine Geronimo tungkol sa mga sinasabing kundisyong ito.


@kapamilyaonlineworld2 Popstar Royalty Sarah Geronimo salutes Mommy Divine, her mother and Hero. 🥹🥹🥹 “Shout out to my mother. Mommy Divine Geronimo. You are the best. You are my hero. I love you very much.” SARAH G BILLBOARD HONOREE #BBWomenInMusic  #GlobalForceSarahG #sarahgerinimo #popstarroyalty #foryou #fyp #trending #viral #abscbn #starmagic #kapamilyaforever #kapamilyachannel #philippines #primetimebida #primetime #fypシ゚viral #tfc #thefilipinochannel #artist #actor #universe #action ♬ original sound - Kapamilya Online World

Gerald Anderson May Nasabi Tungkol Kay Kim Chiu! | Paulo Avelino May Reaksyon Ba?

Walang komento

 


"Yung bagong show nila na yun. Nakakatuwa kasi parang ibang Kim ang nakikita nila. Pero, I'm happy for her because talagang yun yung perfect word daw, hardwork daw, sobrang inspire."


Sa isang pagtitipon ng media, di inaasahang nabanggit ni Gerald Anderson ang tungkol sa kanyang ex na si Kim Chiu. Nagpahayag siya ng paghanga sa aktres at sa kanyang dedikasyon sa kanyang trabaho. Ayon kay Gerald, "I'm so happy for her because talagang hardworking talaga siya." 


Sa kanyang opinyon, si Kim Chiu ay isang tao na totoong nagpupursige sa kanyang mga gawain at pangarap. Sinabi pa niya na si Kim ay lubos na masipag, na siyang isa sa mga nangungunang aktres sa industriya.


"She deserves the success of her new show.", sinabi pa ni Gerald Anderson bilang pagpapakita ng kanyang suporta sa tagumpay ng seryeng "Linlang" at sa iba pang mga proyekto ng kanyang dating kasintahan. Ang mga komentong ito ay nagbibigay liwanag sa positibong pananaw ni Gerald Anderson tungkol kay Kim Chiu.


Ito ay isang patotoo sa kanilang mabuting samahan, kahit pa sila ay hindi na magkapareha. Binigyang-diin din ni Gerald Anderson ang kanyang pagkilala sa tagumpay at pagsisikap ni Kim Chiu sa kanyang karera sa industriya ng showbiz.


@abscbnpr Pinuri ni #GeraldAnderson si #KimChiu sa pagiging hardworker nito at pamamayagpag ng kanyang series na #Linlang #SolidKapamilyaGerald #SolidKapamilya2023 #ABSCBN #ABSCBNPR #Kapamilya #foryou #fyp ♬ original sound - ABS-CBN PR

Kim Chiu Nakakabighani Ang Ganda Suot Ang Festival Gown! Paulo Na-mesmerized!

Walang komento

 


Sa isang hindi malilimutang pagtatanghal, pinarangalan ni Kim Chiu ang titulo bilang Festival Queen ng Cebu, isang performance na naghatid ng diwa ng kasaysayan at mainit na damdamin sa mga Cebuano. Ang kanyang kaakit-akit na gown ay nakatanggap ng labis na paghanga mula sa mga audience, na hindi lamang nagpapatunay sa husay ng disenyo kundi pati na rin sa kanyang kakayahan sa pagdadala ng nasabing kasuotan.


Ang elegante at detalyadong gown na isinuot ni Kim Chiu ay nagpapakita ng kanyang kakayahan sa pag-enkwentro ng mga tradisyonal na kasuotan na pinagsama sa kontemporaryong istilo. Higit pa sa isang ordinaryong production number, ito ay isang natatanging pagtatanghal na sumasalamin sa yaman ng kasaysayan, kultura, at estetika ng Cebu.


Sa pagliliwanag ni Kim Chiu sa entablado, hindi lamang siya ang kuminang kundi pati na rin ang buong Cebu. Ito ay isang pagpupugay sa kanyang talino, kagandahan, at pagpapahalaga sa kanyang pinagmulan.


@dwallflower89 #KimChiu #Sinulog2024 #FestivalQueen #abscbn #kimpau ♬ original sound - DWallflower89

Paulo Avelino Napuyat Umano Sa Pagsundo Kay Kim Chiu Galing Sa Singapore Concert Ni Taylor Swift?

Walang komento

 


Laman ngayon ng mga pag-uusap ang mga ulat na si Paulo Avelino daw ay personal na sumalubong kay Kim Chiu sa paliparan nang siya ay bumalik mula sa Singapore pagkatapos manood ng concert ni Taylor Swift. 


Nagdulot ito ng matinding kilig sa kanilang mga tagahanga, at kahit walang opisyal na pagkumpirma sa balitang ito, hindi maikakaila ang tuwa ng mga sumusuporta sa tambalang KimPau dahil sa patuloy nilang pagpapalitan ng kasiyahan at pagiging malapit sa isa't isa araw-araw.


Dagdag pa rito, hindi tumitigil ang mga haka-haka at pagtataya ng kanilang mga fans tungkol sa aktwal na estado ng relasyon ng kanilang mga idolo. Higit pa sa mga usap-usapang pagsundo ni Paulo Avelino kay Kim Chiu, marami pang ibang mga pangyayari ang nagbibigay kilig sa mga tagasuporta ng dalawa.


Kapansin-pansin para sa marami ang mga larawan at gawain nila Kim at Paulo na magkasama sa kanilang mga social media na nagbibigay indikasyon ng isang mas malalim na koneksyon sa pagitan nila. Ang mga simpleng pagngiti at paglalambingan nila sa isa't isa ay lalo pang nagpapatindi ng kilig sa kanilang mga fans, na patuloy ang pag-asa na maging katotohanan ang mga espekulasyon tungkol sa kanilang relasyon. Subalit, sa kabila ng kanilang pagpapakita ng pagiging malapit sa mata ng publiko, nananatiling isang palaisipan ang eksaktong estado ng kanilang samahan. 


Marami pa ring katanungan ang bumabagabag sa isipan ng kanilang mga tagahanga: Gaano nga ba kalalim ang kanilang pagkakaibigan? May mga lihim bang pag-uusap na nagaganap sa pagitan nila? Ano nga ba ang tunay na lebel ng kanilang relasyon? Sa kabila ng lahat ng ito, hindi mawawala ang pag-asa at excitement ng mga fans na mas lalong makilala at maunawaan ang kanilang mga paboritong artista.


@syrile_2022 KIM TRAVELS TO SINGAPORE💪#concert #taylorswift #kimchiu #popular #famous #exoticnurse #fypviral #fyp #fyptrending #fypspotted #trendingvideo #update ♬ original sound - ♀️𝑬𝑿𝑶𝑻𝑰𝑪𝑵𝑼𝑹𝑺𝑬♏

Paulo Avelino Kinilig Sa Pag Bandera Ni Kim Chiu Ng Parehong Suot Nilang Dalawa!

Walang komento

Sabado, Marso 16, 2024

 


Si Kim ay tila nagulat nang makitang pareho ang t-shirt nila ni Paulo, na parehong naka-"Era's Tour" shirt, ngunit itim ang kay Paulo at puti naman ang kay Kim. Sa video, makikita ang magaan nilang usapan. 


Hinamak ni Paulo si Kim, sabay tanong, "bakit mo ako ginagaya ng t-shirt?" 


Samantalang si Kim naman, nagbiro kay Paulo, "So, saan tayo manonood ng concert?" 


Naglagay din si Kim ng caption sa video na, "Accidentally twinning with the boss today, nagulat ako ah, I therefore conclude you are now a Swiftie. Hi @taylorswift".


Iniisip ng mga tagasubaybay ni Kim na pasalubong niya ang itim na t-shirt na suot ni Paulo, dahil kamakailan lang ay nagpunta si Kim sa Singapore at nanood ng concert ni Taylor Swift. Dahil sa pagkakatwinning nila ng t-shirt, nagdulot ito ng mga haka-haka na mas lalo pang nagpapatunay sa kanilang relasyon. Subalit naniniwala ang mga fan ng KimPau na marami pang kaganapan ang magaganap sa dalawa sa kanilang seryeng "What's wrong with Secretary Kim" na mag-stre-streaming sa Viu simula sa March 18. Libre lang mapapanood ang "What's wrong with Secretary Kim" sa Viu ngunit mayroon ding premium subscription. Siyempre, mapapanood din ito sa iba't-ibang platform ng ABS-CBN.


@ilovekimpau Couple shirt plus Couple Chair 😜 Tumatapang na sila 😜💚 #KimPau #PauloAvelino #KimChiu #PauloAvelinoAndKimChiu #KimChiuAndPauloAvelino ♬ original sound - 🌸 KimPau 🌸

Paulo Avelino at Kim Chiu Inamin Hindi Maiwasan Ang Ma Inlove Sa Isa't Isa Fans Nagdiwang!

Walang komento

 


Sinabi ni Paulo na mahalaga ang pagiging propesyonal sa trabaho at hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng pag-ibig sa taong katrabaho. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, "It is always be professional. I know in some cases you can't help but fall in love with someone in your workplace. But maybe just choose an appropriate setting."


Nabanggit naman ni Kim na maaaring mahirapan siyang mag-focus sa trabaho kung sakaling magkakaroon sila ng relasyon ng kanilang katrabaho. Aniya, "Hindi maiwasan ang ganun lalo na kung magkakilala kayo. Ilang oras, isang araw, siya lang kausap mo. Siguro magsuffer work, baka hindi ka makapagconcentrate sa work. Mas priority yung trabaho."


Matapos ang matagumpay na pagsasama nila sa Linlang, muling magsasama sa "What's Wrong with Secretary Kim" sina KimPau na magsisimula sa March 18, 2024, sa Viu, Philippines.


Panoorin ang trailer ng "What's Wrong with Secretary Kim".




Kapamilya Show Tuluyan Ng Nagpaalam Sa Ere!

Walang komento

Biyernes, Marso 15, 2024


 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung tuluyang nang hindi iere ang isang Kapamilya show na matagal ring namamayagpag sa telebisyon.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung nag graceful exit na ang Magandang Buhay sa Kapamilya channel.


Ayon sa aming nakalap na impomasyon, hindi na umano kayang isustain ng network ang gastos ng show at ang talent fee ng mga hosts na sina Regine Velasquez, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal.


Nauna nang naiulat na hindi na mapapanood sa TV5 ang programang Magandang Buhay dahil hindi nila tinanggap ang proposal ng TV5 na ilipat sila sa ibang timeslot.


Samantala, marami ang nabahala sa naging talakayan nina Regine Velasquez, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal kung saan nagbaliktanaw sila sa mga bagay na nagagawa nila noon subalit hindi na ngayon, katulad na lamang ng pagmo-malling, panonood ng sine ng mag-isa.


Sa kabilang banda hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang pamunuan ng ABS-CBN patungkol sa nangyayari sa Magandang Buhay.


Marami naman sa mga tagasubaybay ng mga show ang hindi nagustuhan ang posbilidad na mawawala na ang Magandang Buhay sa telebisyon dahil ilan taon na rin umano nila itong sinusubaybayan.


Matatandaan na nauna nang inalmahan ng mga manonood ang ginawa ng TV5 kung saan bigla na lamang nilang nililipat ang mga show ng ABS-CBN sa ibang timeslot kung saan hindi na ito convenient para sa mga manonood.



Heart Evangelista Nawalang Ng 'Perfect Egg' Na Magiging Baby Girl Sana Nila ni Chiz Escudero

Walang komento


 Nauna nang inamin ng Kapuso actress at fashion socialite na si Heart Evangelista sa isang panayam noong September 2022 na sumailalim siya sa in-vitro fertilization procedure upang magkaroon sila ng sariling anak ng kanyang asawa na si Sen. Chiz Escudero kapag handa na siya.


Inamin rin noon ni Heart Evangelista na ang kanyang pinagdaanan ay sa mga pinakamahirap, pinakamasakit, at pinakamapaghamon na panahon sa kanyang buhay.


Ayon sa pagkukwento ni Heart Evangelista, tatlong beses siyang tinuturokan sa isang araw sa loob ng dalawang linggo at hindi umano madali ang kanyang pinagdaanan para makuha lamang mula sa kanya ang perfect boy at perfect girl embryos.


Samantala, nitong hwebes March 14, 2024 naging guest sina Chiz Escudero at Heart Evangelista sa Fast Talk with Boy Abunda. Kung saan inamin nila sa kanilang mga fans at sa publiko na katulad ng ibang mga mag-asawa ay hindi rin naging madali ang kanilang relasyon.


Inamin nina Heart Evangelista at Chiz Escudero na  nagkaroon din ng mga pagsubok at rough patches ang kanilang relasyon pero nalutas naman nila ang lahat dahil nangibabaw umano ang kanilang pagmamahalan sa isa't-isa.


Sa part 2 ng kanilang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda na inilabas nitong byernes March 15, 2024, naging emosyunal si Heart Evangelista habang isiniwalat ang nangyari sa kanyang perfect egg na dapat sana magiging anak na babae nila ni Chiz Escudero.


Inamin ng aktres na kahit hindi naman umano siya buntis ay nag-eexpect sila ng babaeng anak ni Chiz Escudero. Inakala umano ni Heart na matutuloy na ang pagkakaroon nila ng anak subalit hindi pa rin talaga ito mangyayari dahil nawala na ang kanyang perfect egg.


Inamin rin ni Heart Evangelista na naghahanda na siya sa pagdating ng kanilang baby girl ni Chiz Escudero. Sa katunayan ay may naiisip na umano siyang pangalan para rito.


Very excited rin umano siya sa magiging anak niya sana kung saan maibabahagi niya ang lahat ng kanya.


Gayunman hindi niya parin kinukwestyun ang panginoon sa mga nangyari sa kanya at umaasa na may darating rin para sa kanya.




Finally! Kontrata Ng Its Showtime Sa GMA7 Network Inaayos Na!

Walang komento


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin humuhupa ang usap-usapan patungkol sa napipintong paglipat ng It's Showtime sa main channel ng GMA Network matapos matigil ang pag-ere ng Tahanang Pinakamasaya ng TAPE Inc.


Mainit na pinag-uusapan ngayona ang posibilidad na mailipat ang ABS-CBN produced show na It's Showtime sa GMA7 dahil na ring sa mga ibinibigay na hint ni Vice Ganda.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Vice Ganda ang representative ng It's Showtime kaya hindi na kataka-taka kung may alam ito sa nagaganap na usapan sa pagitan ng ABS-CBN at GMA7 patungkol sa mga kondisyon sa kanilang paglipat.


Matatandaan na noon July 2023 lumipat sa GTV ang It's Showtime matapos nilang tanggihan ang inalok sa kanilang timeslot ng TV5 matapos lumipat roon ang TVJ na umalis sa TAPE Inc.



Matapos ang ilang buwang pag-ere sa GTV maaring muling mailipat na nanam ang It's Showtime matapos ma-call off ng noontime show na Tahanang Pinakamasaya.


Bagama't marami ang nambabatikos sa Tahanang Pinakamasaya dahil sa mga isyung kinasasangkutan ng kanilang mga host hindi naman maitatanggi na marami pa rin ang nagulat ng isiniwalat ng TAPE Inc. ang pagpapatigil nito.


Marami ang naawa sa mga staff ng show na nawalan ng trabaho dahil sa biglaang disisyon ng TAPE Inc. na tapusin na ang kanilang show.


Matatandaan na matapos ang isang linggo na pagsisiwalat ng TAPE Inc. sa kanilang desisyon ay tuluyan nang nagtapos ang show. Marami tuloy sa mga netizens ang nagtatanong kung nakahanap na ba ng bagong trabaho ang mga ito.



Rr Enriquez Ipinagtanggol Ang Resort Sa Chocolate Hills Sa Bohol

Walang komento


 Nagbigay ng saloobin ang self-proclaimed Sawsawera Queen na si RR Enriquez patungkol sa kontrobersyal resort na ipinatayo sa gitna ng protected area ng Chocolate Hills.


Naniniwala umano si RR Enriquez na wala namang masama sa pagpapatayo ng isang resort sa gitna ng UNESCO Heritage Site katulad na lamang ng Chocolate Hills sa Bohol.


Sa kanyang Instagram post, kinumpara pa ni RR Enriquez ang Chocolate Hills sa ilang mga bundok sa Switzerland na pinapatayuan rin ng mga resort.


Ayon sa naging caption ni RR Enriquez sa kanyang post, wala siyang nakikitang masama sa pagpapatayo ng resort sa gitna ng Chocolate Hills dahil nakakatulong naman umano ito sa tourism ng lugar.


Inaalala pa ni RR ang kayng pagbabakasyon noong 2016 sa Switzerland kung saan may mga hotels at jacuzzi resort na ipinapatayo sa ibabaw ng bundok.


Iginiit din ni RR Enriquez na ang pagkakamali lamang na nakita niya sa lugar ay ang hindi magandang design nito. Naniniwala si RR Enriquez na hindi umano masyadong maganda ang Captain's Peak Garden and Resort para maka-attract ng maraming mga turista.


Pinayuhan pa niya ang management ng nasabing resort na maglaan ng pundo para mas mapaganda ang kanilang resort.


Samantala, tila hindi nakapagresearch si RR Enriquez dahil ang pinuntahan niyang bundok sa Switzerland ay hindi naman kabilang sa UNESCO Heritage Site at hindi rin protected area kagaya ng sa Chocolate Hills.


Dahil sa mga naging pahayag ni RR Enriquez, binabatikos siya ngayon ng ilang mga netizens dahil sa pananawsaw ng hindi nag-reresearch sa history ng lugar.


Pinangaralan din nila si RR Enriquez na alamin ang kahalagahan ng Chocolate Hills sa turismo ng bansa nang mapabilang ito bilang UNESCO Heritage Site.


Iginiit pa ng ilang mga netizens na hindi na kailangan ng resort para ipromote ang turismo ng lugar dahil tourist attraction na itself ang Chocolate Hills.


Sa ngayon ay sarado na ang Captain's Peak Garden and Resort at iniimbistigahan na rin ang mga taong nasa likod na pagpapatayo nito.


Nais malaman ng senado kung sino-sino ang nagbigay ng permit para maipatayo ito gayung lumalabag ito sa Protected Area of the Philippines Act.


Wala Nang Respeto Si Barbie Forteza Kay Jak Roberto Umaalma Kina David Licauco Sumobra Naman

Walang komento


 Muli na namang umani ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens ang ibinahagi video ng GMA7 kung saan tampok ang loveteam nina Barbie Forteza at David Licauco.


Marami ang nagsasabing tila sumusubra na umano ang mga ito at tila hindi naiisip na maaaring makaapekto ito sa relasyon nina Barbie Forteza at Jak Roberto.


Sa kamakailang post ng Kapuso Network at Sparkle Artist Center para sa media conference para sa Sparkle Goes To Canada show na kinabibilangan ng ilang mga Kapuso loveteams na sina Ruru Madrid at Bianca Umali, Rayver Cruz at Julie Anne San Jose, Barbie Forteza at David Licauco.


Kaagad naman umani ng mga negatibong komento ang song number at pagpapakilig nina Barbie Forteza at David Licauco.


Marami ang hindi nagustuhan ang ginawang pagpapakilig ng dalawa dahil umaarte na umano ang mga ito bilang totoong magkarelasyon gayung hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may boyfriend si Barbie Forteza sa katauhan ni Jak Roberto.


Ipinunto rin ng ibang mga netizens na may paraan naman umano na magpapakilig sa kanilang mga fans bilang magkaibigan hindi katulad ng mga ginagawa nila ni David Licauco na nakakabastos na umano para kay Jak Roberto.


Marami rin ang nakapansin na tila totohanan na umano ang nararamdamang kilig ni Barbie Forteza para kay David Licauco at kapansin-pansin rin umano ang malalagkit na titig ni Barbie sa aktor.


Marami rin ang tumatawag na malandi si Barbie Forteza at nagiging OA na rin umano ito sa loveteam nila ni David Licauco.


May mga nagpapayo pa na dapat gayahin ni Barbie Forteza si Mariz Racal sa pagha-handle nito sa loveteam nila ni Anthony Jennings.


Marami ang natutuwa ngayon sa tambalan ni Mariz Racal at Anthony dahil sa kabila ng pagpapakilig nila sa kanilang mga fans, makikita pa ring magkaibigan lamang sila. Ang mga titig umano ni Mariz Racal ay nagpapakita ng professionalism hindi katulad sa mga malalagkit na titig ni Barbie Forteza kay David Licauco.


Samantala sa isang panayam, inamin ng aktres na si Barbie Forteza na talagang naging malalim na ang pagkakaibigan ni David Licauco.


Inilahad ni Barbie Forteza na ngayon umano ay mas kilala na nila ni David Licauco ang isa't-isa. Alam na umano nila ang kanilang mga strenghts at weaknesses.



@pikapikashowbiz Barbie Forteza and David Licauco sing "Maging Sino Ka Man" as patikim of their Canada show #SparkleGoesToCanada #BarDa #JulieVer #RuCa #BarbieForteza #DavidLicauco #JulieAnneSanJose #RayverCruz #RuruMadrid #BiancaUmali #JohnnyManahan #MrM #Sparkle #loveteams #GMA7 #Kapuso #EntertainmentNews #PikapikaPH ♬ original sound - Pikapika PH

Cristy Fermin, Wendell Alvarez, Rommel Chika Hinaharap Ang Kasong Cyber Libel Na Isinampa Ng Ina ni Sarah Lahbati

Walang komento


 Isiniwalat ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin na sila ang idinimanda ni Esther Lahbati, ina ng aktres na si Sarah Lahabti.


Kasamang kinasuhan ni Esther Lahbati ang mga co-host ni Cristy Fermin na sina Rommel Chika at Wendell Alvarez.


Sa kamakailang episode ng kanilang showbiz oriented vlog, isiniwalat ni Cristy na ang dahilan ng pagpunta ni Esther Lahbati sa opisina ng Department of Justice ay ang pagsasampa sa kanila ng reklamo.


Sa kabila ng pagkumpirma ni Cristy Fermin sa kinakaharap nilang kaso na cyber libel ay hindi naman nito idinitalye ni Cristy Fermin dahil ang kanilang abogado umano ang mas nakakaalam sa mga detalye.


Samantala, hindi naman binatikos ni Cristy Fermin ang ina ni Sarah Lahbati sa kabila ng pagsasampa nito ng reklamo sa kanila bagkos ay pinuri pa niya ito dahil sa pagiging considerate nito sa kanilang meeting.


Naganap ang sinasabing meeting ni Cristy Fermin sa piskalya ng Quezon City. Inihayag niya na napakamarespeto  umano nito at ang ganda ng kanilang pagduduop.


Sa kabila ng hindi pagdedetalye ni Cristy Fermin, marami sa mga netizens ang naghinala na may kinalaman sa mga isiniwalat ni Cristy Fermin patungkol sa pamilya ni Sarah Lahbati sa kasagsagan ng isyu ng hiwalan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Marami rin ang naghinala na ang pagsisiwalat ni Cristy Fermin patungkol sa tinatagong relasyon umano ng ama ni Sarah Lahbati sa pinsan ng aktres.


Matatandaan na ilang beses ring naging laman ng mga talakayan nina Cristy Fermin ang pamilya ni Sarah Lahbati noong kasagsagan ng balitang paghihiwalay nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag ang kampo nina Sarah Lahbati patungkol sa isyung ito.



Kim Chiu Nagulat Sa Pagbisita Ni Paulo Avelino Sa It's Showtime Live

Walang komento


 Marami sa mga tagahanga ng tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang kinilig sa ginawang pagbisita ng aktor kay Kim Chiu sa It's Showtime.


Ginulat ni Paulo Avelino ang kanyang leading lady na si Kim Chiu sa kanyang pagpunta sa It's Showtime.


Si Kim Chiu ang unang nakapansin sa pagpasok ni Paulo Avelino na kaagad naman nitong binati. Dahil dito nagsigawan ang mga madlang pipol sa kilig dahil bakas rin sa mukha ni Kim Chiu ang kanyang kasiyahan ng makita si Paulo Avelino.


Kaagad naman nilang tinanong si Paulo Avelino kung sino ang kanyang binibisita, na alam naman na ng lahat na si Kim Chiu.


Dahil sa pagbisita ni Paulo Avelino, marami lumakas ang mga bulong-bulungan na totoong nagkakamabutihan na sila ni Kim Chiu.


Makikita rin umano na tila totohanan na ang kilig na nararamdaman ni Kim Chiu, nakadagdag pa rito ang panunukso ng mga co-hosts ni Kim Chiu.


Sa kabilang banda, nanatili namang tikom ang bibig nina Kim Chiu at Paulo Avelino patungkol sa mga nagtatanong kung ano ang totoong estado nila.


Subalit, marami ang nagkumpirma na nagkamamabutihan na nga ang mga ito mula nang magkasama sa digital series na Linlang.


Ayon naman sa ilang mga netizens na talagang hindi imposible na mahulog ang loob ni Kim Chiu kay Paulo Avelino dahil ito umano ang nakakasama ni Kim Chiu noong hindi na sila nagkakasundo ni Xian Lim.


Naniniwala rin ang ilang mga tagahanga ni Kim Chiu na napagsasabihan noon ni Kim Chiu si Paulo Avelino sa mga pinagdadaanan niya at ito rin ang naging daan para madali niyang makalimutan si Xian Lim.




Sharon Cuneta Inaming Naghiwalay Sila Ni Kiko Pangilinan at Humingi Ng Sorry Sa Kanyang Asawa!

Walang komento


 Muling nagpaunlad ng isang panayam ang Mega Star na si Sharon Cuneta kung saan sinagot niya ang mga katanungan ng press patungkol sa nangyari at mga kontrobersiyang kinasasangkutan niya nitong nakaraang taon.


Matatandaan na dumaan sa matinding pang-iintriga ang aktres na si Sharon Cuneta matapos magbahagi ng sunod-sunod na hugot sa kanyang social media.


Naging controversial din noon ang ibinahaging post ni Sharon Cuneta kung saan makikita ang kanyang buong pamliya subalit tila sinadya ni Sharon Cuneta na putulin ang ulo ni Kiko Pangilinan sa sa nasabing larawan na tila pahiwatig na hindi na ito kasama sa kanilang pamilya.


Samantala sa kamakailang panayam kay Sharon Cuneta, isiniwalat niya ang totoong dahilan kung bakit pugot ang ulo ni Kiko Pangilinan sa ibinahagi niyang family picture nila.


Ayon kay Sharon Cuneta, noong panahon na ibinahagi niya ang larawan ay may tampuhan sila ng kanyang mister na si Kiko Pangilinan.


Kaagad rin namang nilinaw ni Sharon Cuneta na wala namang kinalaman ang ibang tao sa kanilang hindi pagkakaintindihan ni Kiko Pangilinan. Ang nangyaring away nila ay iyong pag-aaway na normal lamang sa isang mag-asawa.


Humingi na rin umano ng paumanhin si Sharon Cuneta kay Kiko Pangilinan sa ginawa niyang pagpopost sa kanilang picture kung saan hindi makikita ang ulo nito.


Inamin rin ni Sharon Cuneta na nagkahiwalay sila noon ni Kiko Pangilinan subalit saglit lamang dahil naayos rin nila ang kanilang hindi pagkakaunawaan.


Iginiit rin ni Sharon Cuneta na wala namang problena ang kanilang mga utak, matatandaan kasi na marami sa mga netizens ang nagsasabing tila nangangailangan ng professional help si Sharon Cuneta sa kanyang mental state dahil hindi na umano naiintindihan ang kanyang mga post sa social media.


Sa ngayon ay maayos at masaya naman umano sila ng kanyang pamilya at normal lamang din umano na minsan ay magkakaroon talaga ng hindi pagkakaintindihan. 



Relasyon Ni Kim Chiu at Paulo Avelino Dito Nagsimula

Walang komento


 Naging laman ng mga talakayan sa Marisol University ang patungkol sa pagkakamabutihan ngayon nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms na higit sa pagkakaibigan na umano ang relasyon nina Paulo Avelino at Kim Chiu.


Ayon sa naging talakayan sa Marisol University, bago  paman nagkasama sa digital series na Linlang sina Paulo Avelino at Kim Chiu ay nagkakalapit na ang mga ito sa ASAP Milan.


Nagatungan na lamang umano ang kanilang relasyon nang magkasama sila sa Linlang. Kung saan napansin na rin ng mga netizens ang kanilang malakas na chemistry.


Dahil sa pagpatok ng kanilang tambalan sa Linlang, muling nagkapartner ang dalawa sa What's Wrong With Secretary Kim?


Samantala, iginiit naman ng isang host na si DJ Jaiho na hindi dapat na madaliin ng mga netizens sina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil maaring nasa getting to know stage pa lamang ang dalawa sa mas malalim na paraan.


Iginiit din nila na kung mamadaliin sina Kim Chiu at Paulo Avelino ay maaring masira tuloy ang binubuo nilang pundasyon ng kanilang relasyon.


Sumang-ayon naman ang mga netizens sa pahayag na ito dahil hindi naman umano lingid sa kaalaman ng lahat na kagagaling lamang sa hiwalayan ni Kim Chiu sa 12 years nilang relasyon ni Xian Lim.


Kung sakaling papasok kaagad si Kim Chiu sa isang relasyon ay lalabas umano na ginagamit lamang niya ang lalaki bilang panakip butas dahil hindi naman basta-basta at madaling kalimutan ang 12 years na relasyon.


Sa kabilang banda, hindi rin umano ito makakatulong image ni Kim Chiu dahil kamakailan lamang ay lumabas ang balita na ang aktres ang dahilan ng hiwalayan nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez na unang na-link sa isa't-isa.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag sina Kim Chiu at Paulo Avelino patungkol sa totoong estado ng kanilang relasyon.



Mga Celebrities Na Itinago at Inilihim Ang Pagbubuntis Nila Sa Publiko

Walang komento


 Sa masalimoot na mundo ng showbiz industry kung saan nakabantay ang mga mata ng mapanghusgang tao sa buhay ng mga artista hindi talaga maiiwasan na ang ilang mga artista ay napipilitang itago ang kanilang pagbubuntis upang maprotektahan ang sarili sa pang-iintriga at kontrobersiya.


Ria Atayde


Kamakailan lamang ay pumutok ang balitang nagdadalang-tao ang aktres dahil sa kapansin-pansin na pagbabago sa kanyang pangangatawan. Ang pagbubuntis rin umano ni Ria Atayde ngayon ang dahilan kung bakit engaged na sila ni Zanjoe Marudo.


Una nang pinabulaanan ni Gela Atayde ang umano'y pagbubuntis ni Ria Atayde subalit, dahil sa mga naglabasang larawan at videos na kuha mula sa bithday celebration ni Art Atayde muling nabuksan ang usaping totoong buntis na si Ria Atayde.



AJ Raval


Mainit na pinag-uusapan noon sa social media ang umano'y pagbubuntis ng sexy actress na si AJ Raval nang bigla na lamang itong namahinga sa showbiz. Marami rin ang nakapansin na habang mainit na pinag-uusapan ang kanyang pagbubuntis ay tanging mga throwback photos lamang ang kanyang ibinabahagi sa social media.


Naiulat rin noon ni Ogie Diaz na namataan ng kanyang source ang panganganak noon ni AJ Raval sa isang lying-in clinic.


Marjorie Barretto


Itinago rin ni Marjorie Barretto ang pagbubuntis niya sa kanyang bunsong anak sa kasagsagan ng isyung pagiging other woman ni Marjorie sa dating Mayor ng  Caloocan City na si Recom Echiverri.


Makalipas ang ilang taon ay inamin rin ni Marjorie Barretto na ang ama ng kanyang bunsong anak na si Erich ay ang dating alkalde.


Janella Salvador


Naibalita rin noon ang pagkakamabutihan nina Janella Salvador at Markus Paterson na mamataan silang magkasamang nagbabakasyon sa Boracay, nakumpirma naman ang kanilang relasyon matapos ang pagbabahagi ni Janella ng sweet photos nilang dalawa.


Una ring tinago ni Janella Salvador ang kanyang pagbubuntis subalit sa isang live stream ay tila nadulas ang aktres at naisiwalat na bawal siyang tumalon dahil sa kanyang pagdadalangtao


Sofia Andres


Palihim na nagdate noong una sina Sofia Andres at Daniel Miranda tinago umano nila ang kanilang relasyon dahil hindi pabor rito ang ama ng aktres.


Una rin nilang tinago ang pagbubuntis ni Sofia, nalaman na lamang ito ng publiko ng isilang na ng aktres ang kanilang panganay sa Australia.


Sarah Lahbati


Hindi rin kaagad na inamin noon nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang kanilang relasyon, nanatiling tikom ang kanilang mga bibig patungkol sa kanilang relasyon kahit palagi na silang namamataang magkasama sa mga events.


Wala pang 20 years old si Sarah Lahbati nang ipinagbubuntis niya ang panganay nila ni Richard na si Zion. Una ring tinago ng dalawa ang pagbubuntis ni Sarah Lahbati. Lumipad pa noon ang aktres sa Switzerland upang doon manganak.


Aubrey Miles


Wala ring nakaalam noon na nagkaroon ng anak si Aubrey Miles sa dating karelasyon na si JP Obligacion. Sa kabila ng mga naglabasang mga haka-haka noon ay hindi pa rin isiniwalay ni Aubrey ang katotohanan.


Nahihirapang umamin ni Aubrey Miles sa publiko dahil sa pagiging sexy star. Pinayuhan rin umano siya ng mga producers na masisira ang kanyang career kapag aminin niyang mayroon na siyang anak.


Julia Montes


Ilang beses na ring naging laman ng mga usap-usapan ang patungkol sa pagdadalang-tao ng aktres na si Julia Montes. Unang naiulat ang pagbubuntis at panganganak noon 2019 ni Julia Montes sa panganay nila ni Coco Martin subalit nanatiling tikom ang bibig ng aktres patungkol sa isyung ito.


Naasundan pa ito ng ilang beses subalit nanatiling tahimik ang aktres patungkol rito at sa relasyon nila ni Coco Martin.



Kampo Ng Viral Chocolate Hills Resort Naglabas Na Ng Opisyal Na Pahayag

Walang komento

Huwebes, Marso 14, 2024


 Nagbigay na ng pahayag ang kampo ng controversial resort na  ipinatayo sa paanan ng Chocolate Hills, kung saan inilahad nilang labis silang nalulungkot sa mga natatanggap na pambabatikos mula sa mga netizens at maging ng ilang malalaking personalidad sa lipunan.


Matatandaan na kamakailan lamang, ay nag-viral ang Captain's Peak Garden and Resort na matatagpuan sa paanan ng Chocolate Hills matapos itong maging content ng isang vlogger.


Kaagad na umani ito ng samu't-saring pambabatikos dahil sinisira umano nito ang natural na kagandahan sa nasabing lugar.


Bukod pa rito ang Chocolate Hills ay isang UNESCO World Heritage Site at isang protektadong lugar sa ilalim ng Proclamation No. 1037, series of 1997 at Republic Act No. 7586 o ang National Integrated Protected Areas System  Act of 1992.


Sa kabila nito, inihayag ng pamunuan ng Captain's Peak Garden and Resort na ang pagpapatayo nila sa nasabing resort ay legal at nakakuha umano sila ng permit mula sa LGU at maging sa Department of Environment and Natural Resources.


Ayon sa opisyal na pahayag ng Captain's Peak Garden and Resort, ang kanilang plano sa pagtatayo ng resort ay sumailalim sa mahigpit na pagsusuri. Nakatanggap rin umano sila ng mga kinakailangang pag-apruba mula sa mga kinauukulang awtoridad, kabilang ang Department of Environment and Natural Resources. 


Bukod pa rito nakasunod din umano sila sa lahat ng mga regulasyon sa kapaligiran at gumawa ng mga hakbang upang mabawasan ang ecological footprint sa buong proseso ng construction.


Iginiit din nila na kinikilala nila ang kahalagahan ng Chocolate Hills bilang isang UNESCO World Heritage Site at alam rin umano nila ang kanilang responsibilidad na pangalagaan ang integrity nito. 


Tinitiyak din umano nila sa publiko na ang mga operasyon ay isinasagawa nang may lubos na pangangalaga at pagsasaalang-alang para sa kapaligiran.


Samantala, nauna nang naglabas ng official statement ang DENR kung saan inilahad nila na noong pang September ng nakaraang taon nila binigyan ng temporary closure order ang nasabing resort at binigyan muli ng Notice of Violation nitong January 22, 2024 dahil sa kanilang pag-ooperate kahit walang ECC.


Pina-iimbestigahan na rin ng Senado kung bakit nakalusot ang resort na ito at kung paano sila nakakuha ng sinasabing permit. Iniimbistigahan na rin kung may nalabag pa ang local governement unit ng Sagbayan Bohol sa pagpayag nila sa contruction ng Captain's Peak Garden and Resort.



Reaksyon Ni Vic Sotto Sa First Time Na Pag-Arte Ni Atasha Muhlach at Miles Ocampo EB Lenten Special

Walang komento


 Napasabak sa matinding aktingan ang mga Eat Bulaga host na sina Atasha Muhlach at Miles Ocampo sa karakter na kanilang ginampanan sa nalalapit na Eat Bulaga Holy Week special.


Muli na namang matutunghayan ang panibagong tradisyon ng Eat Bulaga sa tuwing Holy Week, ang pagpapalabas ng isang natatanging istorya at kwento ng buhay na kapupulutan ng aral.


Samantala, marami sa mga tagasubaybay ng Eat Bulaga ang nag-aabang ngayon sa nasabing Holy week special ng show dahil matutunghayan ang kauna-unahang pag-arte ni Atasha Muhlach.


Si Atasha Muhlach ay isa sa mga anak nina Sharlene Gonzales at Aga Muhlach na nais sundan ang yapak ng kanyang mga magulang sa mundo ng showbiz. Isa rin siya sa mga Eat Bulaga host ngayon.


Aminado naman sina Miles Ocampo at Atasha na kinakabahan sila dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganap sila ng karakter sa Eat Bulaga Holy Week special subalit nasisiyahan rin silang maipakita sa mga Dabarkads ang kanilang talento.


Makakasama rin nina Miles Ocampo at Atasha Muhlach rito sina Vic Sotto, Ryan Agoncillo bukod sa iba pa.


Samantala, nagbahagi naman ng teaser ang Eat Bulaga kung saan ipinakita nila ang video kung saan makikita ang pagsabak nina Atasha Muhlach at Miles Ocampo sa matinding aktingan.


Marami naman sa mga netizens ang napahanga kay Atasha Muhlach dahil hindi umano halata na ito ang kauna-unahan niyang pagsabak sa aktingan dahil napakagaling umano nito.


@atasha.tash EAT BULAGA Lenten Special 2024 PARA ‘Dİ MAKALIMOT with Tash, Miles, Bossing Vic, & Ryan @Atasha Muhlach @Miles Ocampo #atashamuhlach ♬ original sound - Tash🫶🏻

Kilalang Aktres Nagbabalik Kapamilya , Hindi Napansin Sa Kabila

Walang komento


 Maliban kay Bela Padilla, magbabalik na rin sa Kapamilya network ang aktres na si Cristine Reyes.


Balik Kapamilya na ang aktres na si Cristine Reyes kung saan mapapanood ito sa teleseryeng Pamilya Sagrado na pagbibidahan nina Piolo Pascual, Kyle Echarri at Grae Fernandez.


Mapapanood rin sa teleseryeng ito ang iba pang malalaking bituin sa larangan ng pag-arte na kinabibilangan nina Tirso Cruz III, Rossana Roces, Aiko Melendez, Mailyn Dizon, Shaina Magdayao at marami pang iba.


Huling napanood si Cristine Reyes sa isang Kapamilya series noong 2019 sa daytime drama na 'Nang Ngumiti Ang Langit'.


Labis namang nasisiyahan ang aktres na muling makabalik sa Kapamilya at maipakita muli ang kanyang galing bilang isang Kapamilya actress.


Samantala, sa isang panayam inihayag ni Cristine Reyes na hindi niya akalain na magtatagal siya sa larangan ng pag-arte. Kaya naman labis ang kanyang pasasalamat dahil hindi niya akalain marami ang susuporta sa kanya at masisiyahan sa kanyang pag-arte.


Ibinahagi rin ni Cristine Reyes na may malaking factor sa mga ginagawa niyang desisyon sa buhay ngayon ang kanyang anak na si Amara.


Iniimbitahan rin ni Cristine Reyes ang kanyang mga tagahanga at lahat ng mga netizens na abangan at suportahan ang mga proyekto na nakatakda niyang gawin sa pagbabalik bilang isang Kapamilya actress.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo