Ipinapakita ang mga post na may etiketa na parenting. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na parenting. Ipakita ang lahat ng mga post

Sunshine Cruz ,Cesar Montano Magkasama Sa Graduation Ng Anak Na Si Chesca Montano

Walang komento

Miyerkules, Mayo 15, 2024


 Masayang ibinahagi ng batikang aktres na si Sunshine Cruz ang ilan sa mga highlights sa graduation ng kanilang bunsong anak ni Cesar Montano na si Cheska Montano.


Bakas sa mukha nina Sunshine Cruz at Cesar Montano ang kanilang kasiyahan nang umakyat na sa stage ang kanilang anak upang tanggapin ang diploma nito.


Ang ikinatuwa ng maraming mga netizens ay naroon din sa nasabing graduation ang kinakasama ngayon ni Cesar Montano. Kaagad namang umani ng papuri mula sa mga netizens ang blended family nina Sunshine Cruz at Cesar Montano.


"Nakakatuwa ung partner ni Cesar hindi madamot na ipahiram si Cesar para sa special milestone ng anak nya."


"his is the way it should be.. even if the mom and dad are already divorced, they should still be friends and get along as co- parents to their children.. it has a great impact on the well- being of the kids… congrats Sunshine and Cesar for making it through,and raising successful children!"


"Model ang pamilyang ito ng napakagandang values at yung meaning ng blended family napaka husay. Mababait na tao pati ang mga anak ganun din. Mabuting mga magulang"


Samantala sa latest post ni Sunshine Cruz, nagbigay siya ng mensahe para sa kanyang bunsong anak.


"College is just around the corner @chesca.montano. While it’s a bit unexpected for you to be living in a condo on your own, we know this is part of your exciting journey. The whole family is incredibly proud of you, Chesca! Remember, no matter what, we will always be here to support and guide you. Chase after your dreams, and know that we’ve always got your back. We love you bunso."


Heart Evangelista Nawalan Na Naman ng Panibagong Anak

Walang komento

Lunes, Mayo 13, 2024


 Ibinunyag ng Kapuso actress at Fashion icon na si Heart Evangelista na nawalan siya ng baby boy noong Mother's Day.


Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Heart Evangelista kung paano nawala ang kanilang baby boy ni Senator Chiz Escudero.


"A few days ago our baby boy's heart stopped beating 🕊️ this will be our 4th angel," pagbabahagi ni Heart Evangelista.


Ayon kay Heart Evangelista, ang pagkawala ng kanilang pang-apat na anak ni Chiz Escudero ay isa sa kanyang pinakamalaking heartbreaks. Inilahad din niya sa kanyang post ang pasasalamat sa kanyang mga unborn angels dahil sa pagsusumikap umano ng mga ito na makasama sila.


Kahit pa hindi naman naisilang ang kanilang anak ay pinangalan na ito ni Heart Evangelista na 'Francisko'. Ipinahayag niya na kahit pa hindi pa niya ito nahahawakan ay mahal na mahal na niya ito kaya naman hiling niya na sana ay darating rin ang pagkakataon na mapagbigyan siya na magkaroon ng sariling anak.


"and although this could be one of my biggest heartbreaks … thank YOU for still for trying to be with me and for making me feel so much love already . Love and hope that this world could never give … i love you “francisKo” i shall keep my heart intact while you find your way back to us .To all the mothers , fur moms, mothers to friends , thank you for your heart and all the women like me … going through same struggle … Happy Mothers Day"


Sumulat din si Heart Evangelista ng letter para sa kanyang anak na si Francisko.


"My son Francisko,


I was sure to meet you soon. I had prepared a few things that you may like but for some reason your beating heart lost its way to us. I don't blame you for being scared- it is a scary world but I would like to let you know that I was prepared for you. Even if I am heartbroken, I will keep my heart intact while you find your way back to us. Your beating heart has healed me in so many ways. I love you anak, I'll be waiting for you.


Mama Heart."


Marami naman ang nakisimpatya kay Heart Evangelista lalo na ang mga kababaihan na humihiling na mabigyan rin ng anak kagaya kay Heart, darating din umano ang panahon para ang panalangin naman nila ang dinggin at mapagbigyan.


KC Concepcion Nag-Reach Out Sa Inang Si Sharon Cuneta Matapos Isiwalat Ang Kanilang Hindi Pagkakaunawaan

Walang komento


 Nakatanggap ng Mother’s Day greeting ang Megastar na si Sharon Cuneta mula sa kanyang panganay na anak na si KC Concepcion, ilang araw lamang matapos niyang ihayag ang isyu nila sa kanyang anak.


Matatandaang nilinaw na ni Sharon Cuneta ang mga isyu sa pagitan nila ni KC Concepcion, na malapit na umanong umabot sa puntong susumuko na siya sa pagtatangkang makipag-ugnayang muli sa kanyang anak.


Inilarawan ni Sharon Cuneta ang status nila ngayon ni KC Concepcion bilang “estranged,” ibig sabihin ay nagdesisyon silang hindi na magpakialaman pa.


“Ano man din ang problema ng panganay ko, because at this point we are estranged I’m very very hurt, pero there are things na ‘tama na ‘yon’ there are things na amin nalang,” pag-amin ni Sharon Cuneta.


Sa kabila naman nito, inilahad ni Sharon Cuneta na mahal na mahal pa rin niya ang kanyang anak na si KC Concepcion. Napapagod na lamang umano siyang ipagsisikan ang kanyang sarili.


Hindi naman nagbigay ng dahilan si Sharon Cuneta sa kung ano ang totoong pinag-ugatan ng kanilang tampuhan ni KC Concepcion, sinabi lamang niyang napapagod na siyang ipagsisikan pa ang kanyang sarili.


Samantala, nagbigay naman ng mensahe si KC Concepcion para sa kanyang ina nitong Mother's Day Celebration, na labis na ikinamanghan ng kanyang mga tagasuporta. Ipinahayag ni KC Concepcion ang kanyang gratitude para sa kanyang inang iniluwal siya at ang kanyang pagmamahal para rito.


"To my beautiful mama, it’s your day I pray for us to enjoy life’s pleasures and adventures together soon. You’re the first person I ever met, and ever loved, it’s because of you that I’m here today. Trust in the way you raised me- I will always strive to make you proud and feel that having me was worth it  I love you. I wish I could give you the world so you wouldn’t have to worry about anything for another second. Happy Mother’s Day mama!" mensahe ni KC Concepcion sa kanyang ina.


Marami naman sa mga netizens ang nagpapayo ngayon kay KC Concepcion na kausapin ang kanyang ina upang maayos na nila ang kung ano mang hindi napagkakasunduan.

Importanteng Gamit Na Nawala Ang Bagong Dahilan Ng Isyu Ni Sharon Cuneta at Kc Concepcion!

Walang komento

Miyerkules, Mayo 8, 2024


 Laman ng mga usap-usapan ngayon ang dahil ng hindi pagkakaintindihan ng mag-inang sina Sharon Cuneta at KC Concepcion.


Ayon sa mga kumakalat na mga haka-haka may isang mahalagang gamit si Sharon Cuneta na naiwala ni KC Concepcion dahilan ng hindi nila pagkakaunawaan.


Sa kamakailang episode ng Showbiz Now Na nina Cristy Fermin, napag-usapan nila ang nasagap nilang impormasyon patungkol sa relasyon ng mag-inang sina KC Concepcion at Sharon Cuneta.


Ayon umano sa source nina Cristy Fermin, mayroon isang napakahalagang gamit si Sharon Cuneta na ipinagkatiwala kay KC Concepcion subalit bigla na lamang itong naglaho.


Hinanap umano ito ni Sharon Cuneta subalit wala nang maibigay si KC Concepcion dahil naisanla umano ito ng aktres. Hindi naman umano alam nina Cristy Fermin kung sinadya nga ba itong isanla ni KC o kaya naman ay nagipit lamang ito.


Ipinunto pa ni Cristy Fermin na kaya galit na gali umano si Sharon Cuneta sa pagkawala ng kanyang gamit dahil talagang napakamaalaga ni Sharon sa kanyang mga kagamitaan na ni libro ay iniingatan talaga nito. Lalo na iyong mga gamit na may mga sentimental value para sa Megastar.


Sa kabilang banda, hindi pa naman sinabi ni Cristy Fermin kung ano ang 'napakahalagang gamit' ni Sharon Cuneta ang naiwala ni KC Concepcion.


Subalit, hinala ng maraming mga netizens na isa itong jewelry dahil maaring maisanla ng aktres.


Sa ngayon ay hindi pa naman naglalabas ng pahayag sina KC Concepcion at Sharon Cuneta patungkol sa sinasabing hindi pagkakaunawaan nilang dalawa.


Matatandaan na unang napansin ng maraming mga netizens na tila may hindi maganda na nangyayari sa pagitan ng mag-ina dahil sa hindi pagbati ni Sharon Cuneta sa kaarawan ni KC.


Hindi rin nagbigay ng mensahe si KC Concepcion para sa kanyang ina at step father na si Kiko Pangilinan nang ipagdiwang ng mga ito ang kanilang anniversary.




Camille Prats Niregaluhan Ng Purity Ring Ang Kanyang Panganay Na Anak!

Walang komento

Miyerkules, Mayo 1, 2024


 Ibinahagi ni Camille Prats-Yambao ang kanyang karanasan sa dinaluhan nilang ‘purity ball’ noong Sabado kasama ang kanyang anak na si Nathan Prats.


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Camille ang pangako ni Nathan na mananatiling ‘pure’ bago magpakasal upang sundin ang mga itinuturong aral ng kanilang Simbahan.


Bilang bahagi ng kanyang mga panata, sinuot ni Nathan ang isang 'purity ring' bilang simbolo ng kanyang pangako na umiwas sa pisikal at mental na pakikipagtalik.


Pagbabahagi ni Camille Prats, “Grateful for tonight’s meaningful event! We made a vow together as mom and son to stay pure until he finds the one whom he wants to bring to God to spend the rest of his life with.” 



“Nate, i pray that God will impress it upon your heart the importance of staying pure in obedience to Him for as we say, obedience brings… blessings. May your heart be blessed and be aligned to God’s will for your life.

Love you forever boys,” dagdag pa niya.


Ang post ni Camille ay umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizens at nagbunsod ng talakayan kung dapat pa bang isagawa ang abstinence practice ngayon.


Narito ang ilang komento ng mga netizens sa post ni Camille Prats.


"I thought these ceremonies are just for girls, so glad na even sa boys ay meron dapat. Praise God!"


"Proverbs 22:6 KJV: Train up a child in the way he should go: and when he is old, he will not depart from it."


"Didn't know there are these ceremonies. Church? As Christian parents we really want to raise our kids in this light."


“Hopefully gusto talaga ng anak nya yan kasi baka dumating ang araw na pag awayan nila yan tapos pinublic pa internet is forever pa naman.”



“This is mind-conditioning. Before age of 18, fine. But not when the son is of legal age and can decide what he does for his body, then there will be shame when public sees the ring missing.” 


May mga nagsasabi rin na hindi naman nasasamahan ni Camille Prats ang kanyang anak 24/7 kaya hindi niya malalaman kung tinutupad nga ba nito ang kanyang panata.


Yasmien Kurdi, Isinilang Na Ang Kanilang Pangalawang Anak ni Rey Soldevilla

Walang komento

Martes, Abril 30, 2024


 Isinilang na ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang kanilang ikalawang anak ni Rey Soldevilla sa pamamagitan ng caesarian section.


Ibinahagi ni Yasmien Kurdi sa kanyang Instagram account ang ilang mga larawan sa isinagawang procedure sa kanyang panganganak.


Isiniwalat din ni Yasmien Kurdi na nais sana niyang manganak ng normal subalit hindi raw naaayon sa kanyang mga plano ang nangyari.


Ayon kay Yasmien Kurdi, matapos ang maraming tests na isinagawa sa kanya napag-alaman na manipis pa rin pala ang kanyang CR scar matapos ang mahigit na 11 years. Hindi umano ito magandang indikasyon para ipagpatuloy nila ang kanyang plano na normal delivery.



Mas pinili na umano nila ang CS procedure sa mismong araw ng pagsisimula ng kanyang labor.


Napag-alaman din umano nila during the procedure na ang kanilang ikalawang anak ay mayroong cord coil. Kaya naamn mas nakabuti na rin ang pagpapa-CS.


"After series of tests nalaman namin na manipis pa din pala ang CS scar ko even after 11 years - not a good indication. 'Di na namin itinuloy because of many high-risk possible scenarios and we opted for CS the day I labored," pagbabahagi ni Yasmien Kurdi.


Dagdag pa niya, "We also found out during the procedure that the baby had a cord coil. It actually was a good call that we opted CS because if we tried VBAC [vaginal birth after cesarean section] we would have ended up doing CS still."


Ang cord coil ay ang pagpulupot ng pusod ng baby sa leeg nito habang nasa loob ng tiyan ng ina, na maaaring magdulot ng komplikasyon sa panganganak sa bata via normal delivery.


Labis rin nagpapasalamat si Yasmien Kurdi sa mga doktor na tumutulong sa kanya para mailabas ang kanyang ikalawang anak ng ligtas.


Kris Aquino Ibinunyag Ang Pag-Uwi Ni Bimby Sa Pinas Dahil May Importanteng Aayusin

Walang komento

Martes, Abril 23, 2024


Tila hindi na muna matutuloy ang napipintong pagsabak ni Bimby Aquino sa showbiz sa bansa dahil inaasikaso nito ngayon ang kanyang student VISA para sa Amerika ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral habang patuloy na nagpapagaling ang kanyang ina roon mula sa samu't-saring autoimmune diseases nito.


Sa kabila ng pahayag ni Kris Aquino sa mensahe nito para sa kanyang anak sa mismong ika-17 na kaarawan nito noong April 19, 2024 patungkol sa kanyang takot na baka ay hindi na niya maabutan ang 18th birthday ni Bimby Aquino sa susunod na taon, ay naging positibo naman ang kanyang mga tagahanga dahil tila maaliwalas umano ang pagmumukha ngayon ni Kris Aquino.


Samantala, tila hindi na muna matutuloy ang pagpasok sana ni Bimby Aquino sa showbiz dahil hindi nito maiwan ang kanyang ina ng matagal sa Amerika. Kailangan umano ngayon ni Kris Aquino ang kanyang dalawang anak mayroon siyang mapanghuhugutan ng lakas sa kabila ng panghihina dahil sa kanyang mga pinagdadaanan.


Isiniwalat naman ni Kris Aquino sa comment section ng kanyang post na nakatakdang umuwi sa Pilipinas ni Bimby para ayusin nito ang kanyang US student VISA.


Hiling naman ng maraming mga nagmamahal kay Kris Aquino na maging mabisa ang gamot na itinuturok ngayon kay Kris Aquino upang tuluyan na itong gumaling at makasama pa ng mas matagal ang kanyang mga mahal sa buhay. 



Kris Aquino Bumalik Na Ang Dating Glow at Ganda! Alamin Ang Latest Sa Kanyang Health Sa Birthday ni Bimby

Walang komento

Biyernes, Abril 19, 2024



 Ikinatuwa ng maraming mga netizens ang nakita nilang recent photo ng Queen of All Media na si Kris Aquino kung saan yakap-yakap nito ang kanyang 17 years old na anak na si Bimby Aquino.


Ipinagdiriwang ngayon ni Bimby Aquino ang kanyang ika-17 na kaarawan, isang letter naman ang ibinahagi ni Kris Aquino, binalikan ng Queen Of All Media ang kanyang pananganganak kay Bimby Aquino noong 2007.


Sa nasabing letter, kinilala ni Kris Aquino ang pagiging isang guardian angel ni Bimby sa kanya. 


"April 19, 2007 i gave birth to my living guardian angel… in the past month with kuya josh back in the 🇵🇭, and because of several vaccines i needed to be given- bimb kept me company while i quarantined… ayokong sirain ang dapat good vibes sa 17th birthday ni bimb BUT i also know for all those praying for us i owe you the TRUTH."


Nagbahagi rin si Kris Aquino ng isang open letter para sa kanyang anak na si Bimby kung saan inamin niya ang kanyang kahinaan at takot para sa kanyang kalusugan.


"To bimb, “i’m keeping the promise i made to you- September 28, 2018 when we first knew there was something scary about my sudden weight loss and my complete blood test result. i’m sorry for showing weakness yesterday when i cried nonstop because of my fear that i may not be around to be with you on your 18th birthday."


"it’s my bad for not being grateful that against all odds, with 5 autoimmune conditions, 3 of them that are life threatening i failed to see the glass as being half full BECAUSE you’ve matured so much and you’re always ready to help my nurses, and though i know you’re also freaked, you still show CALM & absolute FAITH in God when my BP and heart rate reach scary high numbers. 


"No matter how much physical pain i endure daily- my heart overflows with love because of your caring, selfless, unconditional LOVE.” 


"My one wish is for your character to remain STRONG, your values and integrity stay ADMIRABLE, your respectful and polite manner UNCHANGED, and your passion for learning will continue to inspire you to make the most of your education. 


"I LOVE YOU not only during my lifetime or yours BUT definitely for eternity. You’re my greatest achievement because of your capacity to love- this early you’ve embraced your responsibility to take care of your kuya, and since you were 11 years old, you’ve been so protective of me. Love doesn’t die my 🍯, please remember that. HAPPY BIRTHDAY to the love of my life"


Napansin naman ng mga netizens na sa kabila ng katangkaran ni Bimby kumpara sa kanyang ina ay makikita naman sa mukha nito ang gentleness at pagmamahal para kay Kris Aquino.


Ayon sa komento ng mga netizens na sana ay gumaling na ng tuluyan si Kris Aquino upang makasama pa niya ng matagal ang kanyang mga anak.



Carmina Villaroel, Hindi Mag-Aadjust Kung Hindi Bet Ang Jowa Ng Anak

Walang komento

Miyerkules, Abril 17, 2024


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Carmina Villaroel patungkol sa pakikipagrelasyon ng kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi.


Binalikan ng maraming mga netizens ang pagiging overprotective ni Carmina Villaroel sa kanyang mga anak. Hanggang ngayon marami pa rin an naghihinala na ang totoong dahilan ng paghihiwalay nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi ay dahil sa pangingialam ni Carmina Villaroel.


Matatandaan na noong pumutok ang balitang hiwalayan nina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara ay nagbahagi ng isang cryptic post si Carmina Villaroel, upang ipagtanggol ang kanyang anak laban sa mga pambabatikos lalo na sa pagkalat ng mga video kung saan kasama nito ang kapwa host sa Tahanang Pinakamasaya na si Dasuri Choi.


Kahit hindi naman inamin nina Cassy Legaspi at Darren Espanto ang kanilang relasyon, makikita naman ito sa paraan ng kanilang paglalambingan sa social media. Subalit, ngayong tila nawalan na sila ng amor sa isa't-isa may mga netizens na naghinala na may kinalaman rin dito si Carmina Villaroel.


Muling naging laman ng mga usap-usapan ang aktres na si Carmina Villaroel at anak nitong si Cassy Legaspi matapos ang halos sabay nilang pagbabahagi ng mga cryptic post sa social media, matapos ang pagsisiwalat ni Darren Espanto na walang namamagitan sa kanila ni Cssy dahil matalik na magkaibigan lamang silang dalawa.


Hinamon pa ng maraming mga netizens ang mag-ina na pangalanan ang taong tinutukoy nilang pareho sa kani-kanilang mga social media posts.


Sa kabilang banda, muling lumutang ang mga video clips na kuha sa isang podcast ni Janice De Belen kung saan napag-usapan nila ang kanilang magiging reaksyon sakaling magdala ng babae o lalaki ang kanilang mga anak sa bahay, subalit hindi nila bet ang dinala ng anak.


Unang nagbahagi si Carmina Villaroel kung saan iginiit niya na kinikilala niya ang lahat ng kaibigan o jowa ng kanyang mga anak, kahit ang kanilang kapitbahay, dahil very open naman umano sila sa isa't-isa.


Pinaprangka rin umano niya ang kanyang mga anak kung hindi niya type ang mga taong dinala nito at hindi na ito makakaulit pa sa kanilang bahay.


Ipinunto pa ni Carmina Villaroel na hindi siya mag-aadjust sa mga jowa ng kanyang mga anak dahil siya ang ina.


@celebrity_clips8 #throwbackmonday👌🏻 #fouryou #foryoupageofficiall #fyp #foreyoupage #trending #videonotminecredittotherightfulowner ♬ original sound - D

Pokwang, Hihingi Pa Rin Ng Sustento Mula Kay Lee: 'Karapatan ng Anak ko yan'

Walang komento

Biyernes, Abril 12, 2024


 Ibinahagi ng komedyante-TV host na si Pokwang ang kanyang reaksyon sa pagkakadeport ng kanyang dating partner na si Lee O’Brian.


Noong April 11, ipina-deport si Lee O'Brian ng Bureau of Immigration (BI) matapos tanggihan ang kanyang motion for reconsideration sa reklamong inihain ni Pokwang.


Matatandaan na noong nakaraang taon, hiniling ni Pokwang sa gobyerno na i-deport si Lee O'Brian dahil ito ay nagtatrabaho sa bansa nang walang kaukulang dokumento.


Sa panayam ng 24 Oras, nagpahayag ng kaginhawaan si Pokwang matapos tuluyang umalis ng Pilipinas si Lee – na diumano’y nakikipag-date sa ibang babae.


“Meron tayong batas na sinusunod, syempre nagkaroon tayo ng paglabag sa batas so kailangan nating sundin kung ano yung mga parusa. Kasi tayo nga sa ibang bansa ‘yung mga OFW natin sumunod,” pahayag ni Pokwang.


Naninindigan din si Pokwang at sinabing sa kabila ng utos ng deportation, hihilingin pa rin niya kay Lee O'Brian na bigyan ng sustento ang kanilang anak na si Malia.


Iginiit din ni Pokwang na karapatan ng kanyang anak ang kanyang ipinaglalaban dito dahil obligasyon naman ng isang magulang sa suportahan ang kanyang anak.


“Kailangan ‘yon, bilang magulang kailangan nating suportahan… Hindi naman ginusto ng bata na isilang siya, so may responsibilidad po tayo sa mga anak natin lalo na sa ganyang edad. Bilang ama, responsibilidad niya rin ‘yon. Karapatan ng bata ‘yon,” pagdidiin ni Pokwang.


Nilinaw naman ni Pokwang na pumapayag pa rin siyang makita ni Lee O'Brian si Malia kung tatanungin siya ng kanyang anak, sa kabila ng pagbabawal sa American actor na bumisita sa Pilipinas dahil sa pagkakasama nito sa immigration blacklist.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Lee O'Brian patungkol sa pagkakadeport sa kanya.



Marc Pingris Pinakitang Family Man Sa Gitna Ng Isyu Nila ni Kim Rodriguez

Walang komento

Lunes, Abril 1, 2024


 Sa gitna ng isyung kinaharap ni Marc Pingris sa cheating issue niya kasama si Kim Rodriquez, pinatunayan ng basketball player sa publiko na isa siyang family man at wala talagang basehan ang mga kumakalat na isyu.


Ibinahagi ni Marc Pingris sa kanyang mga post sa social media ang ilang larawang kuha sa kanilang family outing sa Pangasinan.


Makikita sa kanyang post ang kanyang asawa na si Danica Sotto-Pingris, at ang kanilang mga anak, sina Jean Michel, Anielle Micaela, at Jean-Luc, ay nandoon sa outing.


Naroon din ang ilang mga kamag-anak nila sa kanilang bakasyon.


Matatandaang nahaharap si Marc sa isa sa pinakamalaking isyu matapos siyang ma-link sa aktres na si Kim Rodriguez.



Nagsimula ang tsismis nang mapansin ng ilang netizens na nakita sina Marc at Kim sa parehong lugar na ilang beses na nilang binisita nang magkahiwalay.


Naglabas din ng pahayag si Marc Pingris kung saan iginiit niyang walang katotohanan ang isyung may relasyon sila ni Kim Rodriguez. Iginiit din niya na nagkasama lamang sila ng maging muse ito sa kanilang team.


“Walang katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa amin ni Ms. Kim Rodriguez. Walang namamagitan sa aming dalawa gaya ng sinasabi ng ibang tao. Nakasama ko po si Ms. Kim sa isang basketball event at sa isa pang event noong naging muse siya ng team namin,” pahayag ni Marc.


“Salamat din sa nag pa abot ng concern. Ok kami ng pamilya ko. Wag na po tayo magpakalat ng mga balita na hindi totoo. Humihingi po kami ng respeto para hindi madamay ang mga anak namin ni Danica. Salamat po at God bless po,” dagdag pa niya.


Naglabas na rin naman ng pahayag si Kim Rodriguez kung saan pinabulaanan niya ang isyu. Maging ang asawa ni Marc Pingris na si Danica Sotto ay dinididma lamang ang isyu.



Bimby Aquino May Pangako Sa Ina Na Si Kris Aquino

Walang komento

Huwebes, Marso 28, 2024


 Nag-umpisa ang pagiging stress at anxiety ni Kris Aquino noong 2017 na naging dahilan kung bakit bumagsak ang kanyang katawan.


Nag-ugat ito sa isyung kinasasangkutan ng isang katrabaho niya na may kinalaman sa pera. Dahil dito, nagsilabasan na ang mga medical conditions ni Kris Aquino na kalaunan ay napag-alamang mga autoimmune diseases.


Taong 2022, nagpasya si Kris Aquino na pumunta sa Amerika upang doon ipagpatuloy ang kanyang pagpapagamot, anim na buwan lamang sana ang itatagal roon nina Kris Aquino dahil inakala niyang magiging maayos na ang kanyang kalusugan.


Subalit, hanggang ngayon, makalipas ang dalawang taon ay patuloy pa ring nagpapagamot roon si Kris Aquino dahil hindi pa bumubuti ang kanyang kalagayan sa katunayan, marami pang mga health conditions ang natuklasan ng mga doktor roon kay Kris Aquino.


Samantala, noong 2018 ay naiulat ang naging pahayag ni Bimby Aquino na sa kabila ng kamusmusan nito ay ipinahayag niyang handa siyang ibigay ang kanyang mga organs kung sakaling mangangailangan ang kanyang ina.


Hindi naman nagbago ang pagmamahal ni Bimby Aquino para sa kanyang ina na si Kris Aquino dahil mas pinili ngayon ni Bimby na samahan ang kanyang ina sa mahirap nitong kalagayan kaysa ang umuwi sa Pilipinas para simulan ang kanyang showbiz career.


Matatandaan na mismong si Kris Aquino ang nagsiwalat noon na kailangan nang magtrabaho ni Bimby dahil sa lumalaki niyang medical bills at iba pang pangangailangan nila sa Amerika.


Subalit, tila hindi nakayanan ni Bimby na iwan ngayon ang kanyang ina habang kinakaharap nito ang crucial six months kung saan sasailalim ito ng matinding treatment na maaring magtapos sa buhay ng batikang aktres.


Pinapatunayan lamang umano ni Bimby na priority niya ang kanyang ina kaysa sa ibang mga bagay o trabaho na siyang ikinatuwa naman ng marami.


Sa ngayon ay patuloy pa ring lumalaban si Kris Aquino sa kanyang mga karamdaman kahit pa aminado ang aktres na nahihirapan na siya.


Patuloy naman humihiling ang mga nagmamahal kay Kris Aquino na bigyan pa siya ng mas mahabang panahon para makasama ang kanyang mga mahal sa buhay.


Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo