Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Brexi. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Brexi. Ipakita ang lahat ng mga post

Danica Sotto Napipikon Na! Muling Nagsalita Tungkol Sa Pambababae Ni Marc Pingris

Walang komento

Biyernes, Mayo 31, 2024


 Muling nagbigay ng pahayag si Danica Sotto sa mga nang-iintriga sa kanilang relasyon ng kanyang asawa na si Marc Pingris matapos itong iugnay sa aktres na si Kim Rodriguez.


Inamin ni Danica Sotto na hindi niya naiiwasang makaramdam ng pagkapikon sa kumalat na intriga patungkol sa pambababae umano ng kanyang asawa na si Marc Pingris.


Sa kamakailang panayam kay Danica Sotto sa podcast na Updated with Nelson Canlas, ipinahayag ni Danica Sotto na nakapag-move on na sila ni si Marc Pingris sa isyu pero mayroon siyang nais na linawin sa pinagdaanang isyu.


Matatandaan na noong kainitan ng isyu patungkol sa pambababae ni Marc Pingris, nagbahagi ng isang quote patungkol sa betrayal at loyalty si Danica Sotto sa kanyang Instagram stories.


Kaya naman sa nasabing panayam kay Danica Sotto, nilinaw niya kung sino ang pinatutungkulan sa kanyang post.


Ayon kay Danica Sotto, minsan ay nagbabahagi talaga siya ng mga cryptic posts sa kanyang social media accounts kahit wala naman siyang pinapatungkulan subalit sa pagkakataon na iyon ay inamin niyang mayroong pinatutungkulan sa kanyang post subalit ibang tao ito na may kauganayan sa kanilang negosyo. Pinagkakatiwalaan umano nila ito ng labis kaya naman labis silang nadismaya sa ginawa nito.


“I post because I like the quote or sometimes, noong time na iyon, aaminin ko, it was a feeling that I was feeling about someone else, na parang napipikon ako sa isang tao. And that is a person na nangloko sa amin sa negosyo. A person we truly trusted,” pagpapaliwanag ni Danica Sotto.


Inamin rin niya na hanggang ngayon ay pinagdadaanan pa rin nila ang sinasabing pagsubok sa negosyo.


“This tabloid, ang ginawa, kinuha ‘yung quote ko na ‘yun. Sinabi na I'm confirming daw the issue kasi pinapatamaan ko daw si Marc. Pero hindi na ako nagsalita,” sabi pa ni Danica.


Dahil sa naglabasang mga isyu, sinabi ni Danica Sotto na nag-usap sila ni Marc at nagkasundo na hindi na mag-post ng tungkol sa mga quote na maaaring maging iba ang pagkakaunawa ng mga netizens at gawan na naman ng isyu.


“So, parang doon pumasok 'yung communication namin na usap. Tapos ako naman sa side ko, pinagsabihan ko lang siya na, ingat sa mga nakakasama, ingat sa mga pinupuntahan. Minsan kasi, sa'yo wala lang ‘yun, you're too friendly or—hindi friendly, accommodating. Diba? ‘Yung parang, oh, ito chika-chika. Ganoon naman mga basketball player e,” pahayag ni Danica Sotto.


Sa kabila ng nararamdaman niyang pagkapikon inamin rin niya na minsan ay natatawa na lamang siya dahil sa galing ng ibang tao na gumawa ng kwento laban sa kanya at sa kanyang pamilya.




Martin Del Rosario, Hindi Alam Na Namamatay Ang Star Fish Kung Inaalis Sa Tubig!

Walang komento

Martes, Mayo 2, 2023


 Ipinahayag ng aktor na si Martin Del Rosario na hindi umano niya alam na namamatay ang mga Star Fish kung inaalis sa tubig dagat.


Gayunpaman, inamin naman niyang nagkamali nga siya sa ginawang starfish photoshoot sa kanyang dibdib.


Sa katunayan nang malaman umano niyang mali ang kanyang ginawa ay kaagad niyang binura ang mga nasabing photos sa kanyang social media acccounts.


Samantala, sa naging guesting niya sa programa ni Boy Abunda, inamin niyang nakatanggap siya ng mga pambabatikos mula sa mga netizens matapos niyang ibahagi ang mga nasabing photos.


Matatandaan na noong March 2, ibinahagi ng aktor ang kanyang Starfish pictorial sa kanyang Facebook at Instagram account.


“Hindi ko talaga alam na pag tinanggal ‘yung starfish sa water, mamamatay sila,” simulang pagbabahagi ni Martin.


Ibinahagi pa ng aktor kung bakit niya naisipang magpicture habang nasa kanyang dibdib ang mga Starfish.


Ayon kay Martin, nag-eenjoy siya sa beach that time nang may nakitang mga turista na pinalalaruan ang mga starfish. Nang iwan na umano ng mga ito ang sea creature, nilapitan niya ang mga ito at doon na naisipang kumuha ng picture.


“Nakita ko ‘yung starfish, nagandahan ako, nilagay ko sa katawan ko," pagbabahagi ni Martin.


“Nag-picture ako, kasama ang mga starfish sa katawan ko, for around two minutes.


“Hindi ko talaga alam na mali yung ginawa ko. And gusto ko magpasalamat sa mga nag-inform sa akin at nag-educate sa akin.”


Ipinahayag din niyang hindi siya pumapatol sa mga bashers, gayung napakalapitin niya ng batikos.



Sachzna Laparan Humagulgol Sa Naging Hiwalayan Nila Ni Jerome Ponce!

Walang komento

Biyernes, Abril 7, 2023

 


Vlogger at actress na si Sachzna Laparan nagsalita na tungkol sa naging hiwalayan nila ng kanyang longtime boyfriend na si Jerome Ponce.


Mainit ngang pinagusapan sa social media nitong April 5, 2023 ang naging viral video ni Sachzna Laparan habang ito ay umiiyak dahil sa kanyang pinagdaraanan ngayon.


Sa mismong video ay makikita na nakaupo sa sofa si Sachz na at tila siya ay ini-interview.


Dito nga nag simulang i rewind kung anu-ano ang pinaggagawa niya sa buong linggo.


Kabilang na nga dito ang pagdalo niya sa Team Payaman Fiest.


Ayon kay Sachzna, "actually yung week na ipinakita ko sa inyo, parang nasa 20 or 30 percent pa lang yan."


"Ang dami kung ginawa while in pain ang struggle, na realize ko nitong week na ito na hindi lahat ng tao na nandiyan ngayon sayo ay mananatiling nandiyan sayo, kaya kailangan mong maging ready sa lahat.Ako inaamin ko na hindi ako ready sa lahat."


Sa mga sumusunod na clip nga nito ay dito na niya isiningit ang maikling video nito habang umiiyak sa isang madilim na kwarto at tinatanong ng ina nito na kung bakit ngaba nagkakaganito si Sachzna.



Role Ni Zendaya Sa Spider-Man, Dapat Kay Liza Soberano Rin?!

Walang komento

Miyerkules, Marso 8, 2023


Mainit na usap-usapan ngayon sa social media ang pahayag na binitiwan ng CEO ng Careless na si Jeffrey Oh.


Ayon kay Jeffrey, nakatanggap umano ng invitation ang aktres na mag-audition sa charcter ni Mary Jane sa pelikulang Spiderman ng Marvel.


Subalit, hindi nakapunta ang aktres dahil nakatali pa ito sa ABS-CBN at may ginagawang teleserye noong panahong iyon.


“They reached out to her to audition (for the role of) Mary Jane, one of the most iconic characters. And she was not allowed because she had to do the same thing she was always doing,” pahayag ni Jeffrey Oh sa  2nd Philippine Creative Industries Summit.


“Imagine a Filipina actress was (the star in) one of the biggest Marvel movies in history. Imagine she was Mary Jane, what that would do for Philippine entertainment.”


“She could’ve been representing our country all over the world. There are other stars in the same situation,” dagdag pa niya.


Tila pinapalabas nito na kaya hindi nakapag-audition si Liza sa papel ni MJ ay dahil pinipigilan ito ng ABS-CBN dahil base sa naging pagsisiwalat ni Liza ay hindi man lamang umano siya pinapakinggan ng dating network at management.


Kalaunan nakuha ni Zendaya isang American actress-singer  ang role sa nasabing movie.


Subalit napansin ng ilang netizens ang pagkakamali ni Jeffrey Oh dahil wala naman umanong 'Mary Jane' sa Spiderman movie na ito ng Marvel dahil 'Michelle Jones' ang papel na ginampanan ni Zendaya.

Jema Galanza Di Sadyang Napasilip Ang Abs!

Walang komento

Linggo, Nobyembre 13, 2022


Si Jema Galanza ay isa sa mga sikat at hinahangaang volleyball player sa panahong ito. Kaya naman laging may nakatutok sa kanyang mga galaw sa loob at sa labas ng volleyball court.

Kaya naman maging ang kanyang paghuhubad sa kanyang warm up shirt ay nakunan pa sa kamera. Sa paghubad ni Jema sa kanyang warm up shirt hindi sinasayang maging ang kanyang volleyball jersey ay nasama pataas.

Agad naman itong binaba ni Jema ngunit tila huli na ang lahat dahil nasiplatan na ito sa mga mapanuring mga mata ng mga marites.

Agad na nagviral ang nasabing clip at umaani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Puring-puri nga mga fans ang magandang katawan nito.

Matatandaang si Jema Galanza ang itinuturing photogenic ng vollyball court.



Cristy Fermin Sinabing Walang Epekto Ang Pa-effect Ni Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero!

Walang komento

Biyernes, Nobyembre 11, 2022


Muling napag-usapan nina Cristy Fermin at Rommel Chika ang isyu sa pagitan ng mag-asawang Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Nagbigay sila ng kanilang opinyon hinggil sa umano'y pananahimik ng Sen. sa kabila ng mga naglalabasan balita at maging sa mga cryptic posts ng kanyang asawa na si Heart.

"Talagang dinededma niya talaga. Kahit anong patutsada ng mga balita, wala tayong maririnig kay Sen. Chiz Escudero na binali niya ang ating mga sinasabi, ng ibang mga tao, netizens, marites, bashers. Hindi siya nakisawsaw kaya sabi nga, baka drama lang ito lahat-lahat ni Heart Evangelista," pahayag ni Rommel.

Ayon naman kay Cristy Fermin, wala umanong nagtatangkang magtanong kay Sen. Chiz sa senado dahil alam na umano ng mga ito na tanging ngiti lamang ang isasagot ng senador. Ipinunto rin ni Manay na mas mahalaga umano kay Sen. Chiz ang kalagayan ng bayan kaysa sa mga paandar ni Heart.

“Mas mahalaga sa kanya ang mga isyung pinoproblema ng bayan, hindi 'yung ganyan na kaeklatan, diba? Sorry pero nakatagpo si Heart ng isang tao na talaga namang hindi papatulan ang kanyang mga pa-effect,” saad ni Manay Cristy.

Dagdag pa ng kolumnista, "Ano kaya ang nakaplanong gawin ni Heart Evangelista, ano? Ano kaya ang naglalaro sa kanyang utak? Ano kaya ang susunod na programa ng kanyang buhay?”

Gregg Homan Nabigla Sa Biglaang Pagbati Ni Angelica Panganiban!

Walang komento


Muling sinurpresa ni Angelica Panganiban ang kanyang fiancee na si Gregg Homan.

Sa Instagram stories ni Angelica makikita ang video nila ni Gregg na tila may hinihintay. Bigla na lamang itong binati ni Angelica ng Happy mothsary na ikinabigla nito.

“Happy Monthsary,” natatawang pahayag ni Angelica.

“Oh my God, akala ko kung ano,” sagot naman ni Gregg.

Makikitang sa nasabing video na hindi inaasahan ni Gregg na iyon ang sasabihin ni Angelica. Gayunpaman, hindi naman binanggit ni Greg kung ano ang inakala niyang sasabihin ni Angelica sa kanya.

Matatandaang ilang linggo pa lamang ang nakakalipas ng isinilang ng aktres ang kanilang unang baby na pinangalanan nilang Amila Sabine.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo