Hindi na napigilan ni Klea Pineda ang kanyang emosyon matapos ang sunod-sunod na pambabastos, pang-aalipusta, at negatibong komento na natatanggap niya sa social media. Sa halip na manahimik kagaya ng dati, pinili na ngayon ng Kapuso actress na ipaglaban ang sarili at magsalita laban sa mga taong walang ibang alam kundi manira at humusga.
Sa isang video post sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Klea ang kanyang saloobin bilang isang taong matagal nang tinitiis ang matitinding salita ng mga bashers. Ayon sa kanya, hindi niya madalas ginagawa ang ganitong bagay, ngunit napuno na raw siya kaya’t oras na para ipahayag ang katotohanan tungkol sa epekto ng online bashing.
“I don’t know why but I just really feel like speaking up about ‘online bashing.’ I think this might actually be the first time I’m ever doing this,” bungad ni Klea. “First of all, I’m one of those people who still experiences heavy bashing online about my physical appearance, how I dress, the way I create my content, how I carry myself, even my skin color.”
Dagdag pa ng aktres, marami rin umanong nag-aakusa sa kanya ng mga bagay na hindi totoo—mga taong wala namang alam sa totoong nangyayari sa kanyang buhay.
“And then there are all the things people accuse me of without even knowing the real story or what’s actually happening in my personal life,” sabi niya.
Inamin din ni Klea na tao lang siya, nasasaktan, at naaapektuhan ng masasakit na salita. Lalo raw siyang nadudurog kapag pati pamilya niya ay nadadamay sa mga maling paratang.
“Let me tell you this, it’s not easy. It’s not easy waking up in the morning, checking your phone, and the first thing you see are hurtful words from strangers who don’t even know you. I’ve promised myself so many times that I’d stop reading the comments just to protect my mental health,” aniya.
Marami na raw beses na sinubukan niyang huwag basahin ang mga komento sa social media upang maprotektahan ang kanyang mental health, pero aminado siya na mahirap talagang iwasan.
“It sounds simple, right? But it’s hard. There are still moments when I can’t help but look, especially when I post something on TikTok or Facebook that I genuinely like, when I feel good about myself, confident, and happy with what I’m sharing,” dagdag pa ni Klea.
Sinabi rin ng aktres na hindi alam ng karamihan kung gaano kasakit ang mga salitang binibitawan ng iba online.
“But then… wow. Some of the comments just hit differently. You have no idea how damaging words can be, how they can break someone emotionally and mentally, how they can destroy a person’s confidence to even show up in public,” paliwanag niya.
Sa huli, nag-iwan ng makabuluhang paalala si Klea sa lahat ng netizens, lalo na sa mga sanay manghusga. “Sana maging mas maingat tayo sa mga salitang binibitawan natin online. Hindi mo alam kung gaano kalalim ang sugat na kaya nitong iwan sa isang tao. Maging mabait tayo. Walang sinuman ang may karapatang humusga sa iba. Piliin nating maging dahilan ng pag-asa, hindi ng pag-iyak ng kapwa natin.”
Ayon sa ilang komento ng netizens, isa sa mga dahilan daw ng mga negatibong puna laban sa aktres ay ang umano’y relasyon nito kay Janella Salvador, bagay na hindi pa opisyal na kinukumpirma o itinatanggi ng dalawa.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!