Chie Felomino Isiniwalat Ang Pagkakatagpo Ng New Connection Matapos Ang Hiwalayan Nila ni Jake Cuenca

Martes, Oktubre 28, 2025

/ by Lovely


 Diretsahang sinagot ni Chie Filomeno ang mga kumakalat na tsismis tungkol sa kanyang pinagkakakitaan at personal na buhay. Mariin niyang ipinahayag na siya ay nagtatrabaho nang marangal, walang inaagrabyado, at walang tinatapakang ibang tao para lamang umangat sa industriya.


Sa gitna ng mga maling paratang, naglabas ng mahabang pahayag ang Kapamilya actress sa kanyang Instagram, kung saan inilahad niya ang kanyang pinanggalingan at kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya bago marating ang tagumpay na tinatamasa ngayon. Ayon kay Chie, simula pa lamang ng kanyang career ay batid na niyang bahagi ng pagiging artista ang husgahan ng publiko.


“Since I started in the entertainment industry, I’ve always known that being in the public eye means being open to judgment—both online and offline. Pero gaya ng lagi kong sinasabi: I am a public figure, but I am not public property. I want to repeat that, kasi lately, my name and reputation have been questioned again because of recent issues. Right now, my only goal is to set things straight,” aniya sa kanyang post.


Dagdag pa ng aktres, muli na naman daw tinanong ng ilan ang kanyang kredibilidad at pagkatao dahil sa mga isyung lumalabas kamakailan. Kaya raw minabuti niyang linawin ang lahat para tuldukan na ang mga maling haka-haka.


“This will be the last time na magsasalita ako about this issue, and I’m choosing to respond with calm, care, and clarity. So, let me clear the air, again. My story began in our humble home in Kamuning. I started cosplaying and doing commercial modeling at the age of 11 to earn my own allowance, and eventually found my way into acting, performing, and becoming a social media influencer. By the time I was 15, I had officially become the sole provider for my family. These careers allowed me to express my creativity while supporting the people I love.”


Ibinahagi rin ni Chie ang kanyang pinagmulan at kabataan, na ayon sa kanya ay nagsimula sa isang simpleng tahanan sa Kamuning, Quezon City. Bata pa lang daw siya ay sanay na siyang magsumikap. Sa edad na 11 taong gulang, nagsimula siya sa cosplay at commercial modeling upang magkaroon ng sariling allowance. Mula roon ay unti-unti siyang nakapasok sa mundo ng pag-arte, pagpe-perform, at social media influencing.


Pagsapit ng edad na 15, siya na mismo ang nagpapakain at sumusuporta sa kanyang pamilya.  


“I’ve been our family’s breadwinner ever since—and that’s something I’ve always taken to heart. Kaya masakit para sa akin at sa pamilya ko kapag may mga kwentong walang basehan na pinapalabas na kung anu-ano," pahayag ni Chie. 


Kaya naman, aniya, sobrang sakit marinig ang mga kwentong walang basehan na tila gusto lamang siyang sirain. “It’s unfair for me to be judged like this—especially as someone who has worked hard just to make her loved ones proud. Anyone who has carried that kind of responsibility will understand how heavy it can be.”


Nagpasalamat din ang aktres sa lahat ng mga brand, designer, at supporter na patuloy na nagtitiwala sa kanya. Para kay Chie, bawat proyekto at oportunidad na natatanggap niya ay patunay na mas mahalaga ang sipag, respeto, at integridad kaysa sa mga ingay at intriga sa paligid. 


“Every collaboration and opportunity reminds me that hard work and integrity will always matter more than noise. These are values I’ll always hold on to,” dagdag pa niya.


Sa huli, binanggit din ni Chie ang tungkol sa kanyang dating relasyon, na naging pampubliko noong mga nakaraang taon. Ayon sa kanya, nagpapasalamat siya sa karanasang iyon ngunit mas pinipili na ngayon ang katahimikan at pribadong buhay. “But now, I’ve found new connections and safe spaces that I want to protect from unnecessary attention. This time, I’m choosing peace and privacy," pahayag niya.


Tinapos ni Chie ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng mga salitang puno ng dignidad: “For now, this is what I can share -my truth, my story, my peace I hope I won’t have to explain myself again.”

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo