Matindi ang naging banat ng kilalang tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Krizette Laureta Chu, na mas kilala rin bilang Kiffy Chu, laban sa adult content creator na si Salome Salvi. Naging usap-usapan ito matapos ang isang isyu kaugnay ng umano’y komento ni Salome tungkol sa pahayag ni Kitty Duterte sa social media, kung saan sinasabing tinawag ng anak ng dating pangulo ang sarili bilang “self-made.”
Hindi pinalagpas ni Kiffy ang naturang komento at naglabas siya ng isang open letter na diretsahang tumutuligsa kay Salome. Una niyang pinaalalahanan si Salome na siguraduhin muna kung tunay ang account at mismong pahayag ni Kitty bago magbigay ng anumang reaksyon o opinyon. Aniya, dapat laging nagbabase sa totoong impormasyon bago bumatikos.
Ngunit hindi doon nagtapos ang kanyang banat. Buong tapang na pinuntirya ni Kiffy ang mismong trabaho ni Salome bilang isang porn star. Aniya, hindi umano dapat magpanggap na “woke” o malaya kung ang mismong hanapbuhay ay nakaugat pa rin sa konsepto ng patriyarkiya kung saan ang kababaihan ay nagiging objeto ng konsumo.
Sa kanyang mga salita: “Please wag kang naloloko ng fake accounts, gaya ng di kami naloloko ng fake ungol at fake orgasm at fake advocacies and fake wokeness about how pornography is about claiming true liberation, when it’s still conditional freedom because you are still defined by your value — monetary and otherwise — by how men desire you."
“Let’s not pretend to be woke when our very jobs perpetuate patriarchy’s core logic — women being objects of consumption.”
Dagdag pa ni Kiffy, hindi raw dapat magpanggap si Salome na kakatawan sa feminism at sa mga adbokasiyang progresibo sa bansa kung hindi naman nito kayang magsalita laban sa mga isyu ng kasalukuyang pamahalaan.
Aniya: “Stop pretending also, pwede ba, that you will carry the banner of feminism and wokeness in this country, when you can’t even call out those who are CURRENTLY handling OUR budget and are alleged to be the most corrupt of all."
“Namimili ng niche, teh? Biglang naging political teh? Anti Duterte teh? Tatawag ka na kay Risa Hontiveros and Leila de Lima next teh? Yan ba ang messaging at imaging mo teh?"
“Patunayan mo muna yung allegations mo about PRRD before you throw your hat in the ring kasi iba ang performance level dito compared sa porn.Asan yung rage mo about the funds flood control projects na ninanakaw ng current crop of politicians? Yung Philhealth? Yung insertions sa GAA? Yung pagka wala ng mga vaccine? Yung pati savings may 20 percent tax? Yung inubos yung gold natin tapos di natin alam saan napunta ang pera?"
Binira rin ni Kiffy ang pagiging umano’y selective ni Salome sa kanyang mga batikos. Pinuna niya ang tila biglaang pag-angkla ni Salome sa mga personalidad at pulitikong kritiko ni Duterte, ngunit nananatiling tahimik naman sa mas mabibigat na isyu ng kasalukuyang administrasyon.
Aniya pa: “Quiet ka lang all throughout right? So anti Duterte lang? Si Sara yung may ginawa na same lang ni ginawa ng Tatay nya? lol. Samantalang TRILLIONS ang in question sa government nato. Pati ba naman politics akala mo pwedeng fake ungol lang?”
Bukod dito, diretsahang hinamon ni Kiffy si Salome na patunayan muna ang mga paratang niya laban kay dating Pangulong Duterte bago ito magsimulang magpaka-aktibo sa usaping pulitikal.
Samantala, hindi lamang si Kiffy ang bumira kay Salome. Ilang mga DDS o Diehard Duterte Supporters ang agad ring nagtanggol sa pamilya Duterte at sabay-sabay na umatake kay Salome sa social media.
Sa kasalukuyan, habang sinusulat ang balitang ito, wala pang tugon o opisyal na pahayag si Salome Salvi hinggil sa mga matitinding banat na ipinukol sa kanya ni Kiffy at ng mga iba pang tagasuporta ni dating Pangulong Duterte.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!