Nagiging laman na naman ng usapan sa social media ang pangalan ni River Joseph, dating kalahok sa “Pinoy Big Brother Celebrity Collab,” matapos masangkot sa isyu ang kanyang kasintahan na si Gela Alonte. Marami sa mga netizens ang nagpahayag ng kanilang hindi pagkakasiya sa ugali ni Gela, at sa halip na si Gela lang ang puntiryahin, maging si River ay nadadamay na rin ngayon sa batikos.
Ayon sa mga komento ng ilang netizens, tila mas mainam kung mismong si River ang umapela o umayos ng asal ng kanyang nobya. May ilan pa ngang diretsahang nagsabi na dapat siyang magpayo kay Gela para hindi na lumala ang negatibong impresyon ng tao sa kanya.
Sa isang panayam kay River kamakailan, direkta siyang tinanong kung ano ang kanyang nararamdaman tuwing nagiging biktima ng pambubully o pangungutya si Gela sa online world. Aminado ang binata na hindi niya ito basta-basta natatanggap.
“Dun medyo ako nagagalit kasi kung sa akin I can take it, but then when it’s other people, especially the ones that I love, are being affected, yun medyo di ko masyado—I don’t take it lightly.”
Ipinaliwanag pa niya na palagi niyang pinapayuhan ang kasintahan na huwag na lang intindihin ang mga masasakit na komento mula sa netizens. Giit ni River, hindi raw alam ng mga taong ito ang buong kuwento o ang mga tunay na nangyayari sa likod ng mga isyu.
“I just keep telling her na do not mind those bullying, those negative comments. They don’t know the true story or what’s really happening.”
Gayunpaman, tila hindi kumbinsido ang maraming nakabasa ng kanyang pahayag. Sa halip na makuha ang simpatiya, mas lalo pang nadagdagan ang mga bumabatikos sa kanya. Ayon sa ilan, dapat na mas maging malinaw at prangka si River tungkol sa sitwasyon kaysa magbigay lamang ng mga pahayag na tila iwas-talakay.
Isang netizen ang nagsabi: “River, baka naman puwede mo nang ikuwento ang buong chismis, yung totoo. Para alam namin kung ano talaga ang nangyayari. Kasi kung palagi mong pinoprotektahan, baka pati ikaw madamay.”
May isa pang nagkomento na marahil ay mismong si River ang hindi nakakaalam ng tunay na kuwento, o kaya nama’y pinipili na lang niyang pumikit dahil sa labis na pagmamahal kay Gela.
“Maybe he’s the one not knowing the true story. Or simply looking the other way, or blinded by his affection over Gela,” saad ng komento ng isang netizen.
Dagdag pa ng isa, hindi raw matatawag na tunay na pagmamahal kung ang isang tao ay pinipili ang mali. Anila, kapag pinagtatakpan ang maling asal ng minamahal, nagiging “enabler” lamang siya at hindi talaga nakakatulong.
“When you chose to side with what is wrong, that’s not love. Nagiging enabler ka,” pahayag ng isa.
Sa kabila ng lahat ng ito, naninindigan pa rin si River sa kanyang paniniwala na mas mabuti nang huwag intindihin ang mga negatibong komento kaysa palakihin pa ang gulo. Para sa kanya, mahalaga ang kapayapaan ng isip ng mga taong malapit sa kanya, lalo na si Gela. Ngunit sa panig ng netizens, hindi nila maiwasang ikuwestiyon kung hanggang saan ang kaya niyang tiisin alang-alang sa kanyang kasintahan at kung ito ba ay pagmamahal o pagkabulag sa katotohanan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!