Isang mainit na usapin ang muling umuugong sa mundo ng showbiz—may problema nga raw sa pagitan nina Julia Barretto at Gerald Anderson. Sa pinakabagong vlog ni Ogie Diaz sa YouTube, ibinahagi niya ang natanggap na impormasyon mula sa isang taong malapit sa dalawa.
Ayon kay Ogie, hindi pa raw opisyal na naghiwalay ang dalawa, pero tila si Julia na mismo ang gustong kumalas sa relasyon. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Ogie, “Hindi sa wala na sila, ang sinabi sa akin ay ayaw na ni Julia. Kung baga ayaw na ni Julia sa relasyon pero kay Gerald meron pa, si Julia ayaw na/.”
Dagdag pa ni Ogie, kapansin-pansin daw ang pagbabago sa galaw ng dalawa. Matagal-tagal na rin umanong hindi sila nakikitang magkasama sa publiko, at tila malayo na ang loob ni Julia sa aktor. “Kung mapapansin mo, hindi na sila masyadong nakikitang magkasama. Ayon pa sa source ko, Gerald is trying to pursue Julia. Pumupunta raw si Gerald… doon sa bahay ni Julia, pero parang ayaw nang makita ni Julia si Gerald,” kuwento pa niya.
Sa parehong vlog, tinanong naman ng kanyang co-host na si Ate Mrena kung may posibilidad bang may third party na sangkot sa napapabalitang problema. Dito, tahasang sinabi ni Ogie na si Gerald mismo ang dapat sumagot sa usaping ito, lalo na’t may mga tsismis na kumakalat na may kaugnayan siya umano sa volleyball player na si Vanie Gandler.
“’Di ba lagi kong sinasabi rito na si Gerald ang dapat magsabi niyan kung hanggang ngayon ay totoo ‘yung Vanie Gandler o hindi talaga,” dagdag pa niya.
Hindi rin naman ikinaila ni Ogie na ang kanyang ibinahaging impormasyon ay galing lamang sa source at hindi pa kumpirmado mula mismo sa kampo nina Julia at Gerald. Gayunpaman, dahil sa mga obserbasyon ng publiko at sa tila malamig na interaksyon ng dalawa sa social media, lalong lumalalim ang hinala ng mga fans na may pinagdaraanan nga ang magkasintahan.
Habang wala pang kumpirmasyon mula kina Julia o Gerald, patuloy ang spekulasyon ng publiko. May ilan na umaasang maaayos pa ang relasyon, habang ang iba naman ay nagsasabing baka ito na nga ang hudyat ng pagtatapos ng kanilang love story.
Sa ngayon, nananatiling tahimik ang kampo nina Julia at Gerald, at wala pang opisyal na pahayag mula sa dalawa ukol sa isyung ito. Subalit kung pagbabasehan ang mga galaw nila sa social media at ang mga sightings—or lack thereof—tila may katotohanan nga sa balitang lumalabas.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!