Isiniwalat ng kilalang showbiz insider na si Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update vlog, kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh, na pinigilang makapasok sa isang pribadong subdivision si Gerald Anderson, kung saan nakatira ang kanyang dating kasintahan na si Julia Barretto. Ayon kay Ogie, ito ay nangyayari noong sinusubukan pa raw ni Gerald na muling makuha ang loob ni Julia matapos ang kanilang hiwalayan.
Kwento ni Ogie, “Pumupunta pa rin si Gerald sa subdivision kung saan nandoon si Julia pero hindi siya pinapapasok ng guard dahil may advice na hindi siya papasukin du’n.”
Dahil dito, umusbong ang mga usap-usapan tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan. Lumabas rin ang pangalan ni Vanie Gandler, isang sikat na volleyball player, na diumano’y madalas makita sa gym ni Gerald at sumusuporta pa sa mga laro nito.
May mga haka-haka na may namamagitan kina Gerald at Vanie, ngunit nilinaw ni Ogie na wala siyang nakikitang malisya sa nasabing ugnayan. Aniya, maaaring tagahanga lamang si Gerald ng volleyball, o kaya naman ay may proyekto o kolaborasyon lang sila ng mga atleta.
“Sa akin, walang malisya ‘yun… kung doon naman ang girls ng volleyball ay nagti-training, kailangan din nilang magbuhat at mag-stretching. Baka iniisponsoran din sila ni Gerald,” paliwanag pa ni Ogie.
Habang si Gerald ay napapabalitang may koneksyon kay Vanie, si Julia naman ay nai-uugnay ngayon kay Lucas Lorenzo. Si Lucas ay nakababatang kapatid ni Basti Lorenzo, na asawa ni Claudia Barretto, kapatid ni Julia.
Ayon sa impormasyon mula sa source ni Ogie, matagal nang magkaibigan sina Julia at Lucas. Sa katunayan, minsan na raw sinabi ni Lucas kay Julia ang mga salitang, “Pag nasaktan ka, nandito lang ako,” na tila nagpapahiwatig ng pagmamalasakit at posibleng interes.
Ipinaliwanag ni Ogie na wala raw sabayang relasyon na nangyari. Ayon sa kanyang source, tinapos muna ni Julia ang kanyang relasyon kay Gerald bago pa man ito nagkaroon ng malapit na koneksyon kay Lucas.
Sa ngayon, wala pang kumpirmasyon mula sa panig nina Gerald, Julia, Vanie, o Lucas tungkol sa mga usap-usapang ito. Gayunpaman, patuloy pa rin ang paglabas ng iba't ibang espekulasyon sa social media at showbiz circles.
Sa mga ganitong pangyayari, paalala ni Ogie sa publiko na maging maingat sa pagbibigay ng konklusyon. “Hindi natin alam ang buong kwento sa likod ng mga pangyayaring ito. Hindi rin natin alam kung anong pinagdadaanan ng bawat isa sa kanila. Mas mabuti nang hintayin ang pahayag mula sa kanila mismo bago tayo humusga.”
Sa gitna ng mga balitang ito, nananatiling abala si Gerald sa kanyang mga negosyo at fitness-related activities. Si Julia naman ay patuloy sa kanyang mga endorsement at mga proyektong pang-telebisyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!