Muling nag-trending online si Andi Eigenmann matapos niyang ibahagi ang isang masayang video sa kanyang Instagram account kung saan makikita siyang naghahanda ng isang simpleng lutong-bahay na paborito nila ng kanyang fiancé na si Philmar Alipayo.
Noong Martes, Setyembre 9, ibinahagi ng dating aktres at ngayo’y kilala na bilang "island momma" ang paggawa niya ng kanilang go-to Pinoy salad — ang Salted Egg Salad. Sa caption ng kanyang post, inilahad ni Andi na isa ito sa mga kadalasang pagkaing inihahain sa kanilang tahanan. "Salted Egg Salad using pechay and kalamunggay with a honeymansi dressing. Our faveee Pinoy vibes salad to have at home. Can have as is or as a side with our usual fish sod-an," ani Andi.
Ngunit hindi lang simpleng recipe ang nakapaloob sa kanyang post, dahil sinamahan din ito ng mga kapaki-pakinabang na kaalaman tungkol sa mga sangkap. Isa sa mga tips na ibinahagi ni Andi ay ang posibilidad ng pagkain ng pechay nang hilaw.
"Yes, pechay can be enjoyed raw. A great way to get in that Vit C boost! Cause that goes away when you cook it. Also some fiber, and it adds great texture too. Just don't forget to washhh your produce!" dagdag pa niya.
Marami sa mga netizens ang natuwa sa pagiging natural ni Andi, hindi lamang sa pagbabahagi ng kaalaman tungkol sa pagkain, kundi pati na rin sa pagpapakita ng kanilang makulit at sweet na samahan ni Philmar. Sa video, makikita si Philmar na tila sabik matikman ang salad na hawak ni Andi. Una, inalok siya ng aktres, pero bilang birong pa-cute, bigla niya ring inatras ang pinggan. Nagdulot ito ng nakakatuwang titig mula kay Philmar — na para bang nagsasabing, “Seryoso ako diyan!”
Hindi na nagpaawat si Philmar at hinawakan na mismo ang kamay ni Andi para makakuha ng isang malaki at sabik na subo ng salad. Sa eksenang ito, hindi napigilan ni Andi ang matawa nang malakas. Ang simpleng sandaling ito ay agad kinagiliwan ng mga followers nila, at maraming netizens ang nagkomento ng mga heart emojis at "sana all" reactions.
Marami ring sumuporta sa healthy lifestyle ng magkasintahan, at pinuri si Andi sa kanyang effort na isama ang malusog na pagkain sa kanilang pang-araw-araw na buhay, kahit nasa isla sila. Ayon sa ilang comments, nakakatuwa raw makita ang isang dating aktres na tahimik na namumuhay nang simple at masaya sa piling ng pamilya.
Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang pagbabahagi ni Andi ng mga glimpses sa kanilang buhay sa isla — mula sa simpleng pagluluto, bonding moments with kids, hanggang sa pakikipagkulitan kay Philmar. Patunay ito na hindi kailangang maging magarbo ang lahat para makuha ang kiliti ng publiko — minsan, sapat na ang tapat, totoo, at makulit na pagmamahalan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!