Kakaibang trip at natural na kakulitan ang muling pinamalas ni Josh Cullen, isa sa mga miyembro ng sikat na P-pop group na SB19, sa kanyang bagong post sa TikTok na mabilis namang naging viral sa social media.
Sa nasabing video, makikita si Josh habang todo hataw sa kasiyahan sa isang beach sa Honolulu, Hawaii. Game na game siyang gumawa ng backflip sa mabuhanging dalampasigan, na talaga namang impressive sa unang tingin. Ngunit pagdating sa landing… boom! — hindi naging kasing linis ng kanyang pagtalon ang kanyang pagbaba, dahil diretsong bumagsak ang kanyang mukha sa buhangin, iniwan pa ang halatang-halatang marka ng kanyang faceplant!
Sa halip na mahiya o magalit, natawa na lamang si Josh sa sarili niya, sabay post ng video sa kanyang TikTok account na may caption na, “My life right now.” Tunay ngang chill at good vibes lang ang trip ng singer-rapper, kahit pa may konting sablay sa kanyang beach stunt.
Sa video, makikita ang kanyang buhos ng energy at confidence habang naghahanda sa kanyang backflip. Pero sa dulo, ang ending ay literal na halik sa lupa. Ngunit imbes na sakit o reklamo, tawa lang ang isinukli ni Josh, na lalo pang kinatuwa ng kanyang mga tagasubaybay.
Hindi rin nagpahuli ang kapwa SB19 member na si Ken Suson, na isa rin sa mga kilalang game sa mga kalokohan ng grupo. Nang makita ang TikTok video ni Josh, napatawa na lang din siya at tila aliw na aliw sa pangyayari. Ganoon na rin ang naging reaksyon ng maraming A’TIN (SB19 fans) na todo suporta at pagmamahal kay Josh, kahit pa sa mga blooper moments ng kanilang idol.
Umani ng napakaraming komento ang video, na karamihan ay halo ng tawa at concern. Ilan sa mga mababasa sa comment section ay:
“Sana okay lang ‘yung buhangin 😂”
“AT DUN NAGSIMULA ANG WAKAS 😔
“Natawa ako pero at the same time worried din”
“Ang alam ko ssob, foot prints dapat meron dyan, bat head print iniwan mo?”
Marami ring netizen ang nagbiro na baka raw gumawa na ng bagong landmark sa Hawaii si Josh, dahil sa naiwan niyang bakas sa buhangin. Isa namang fan ang nagsabing, “Kung yan ang sign ng presensya ni Josh sa beach, sana lahat ng beach may headprint!”
Sa kabila ng kanyang status bilang international P-pop idol, pinatunayan ni Josh na hindi siya natatakot ipakita ang kanyang kakulitan at pagiging totoo, kahit pa sa mga sablay na moments. Hindi niya ikinahiya ang nangyari, bagkus ay ginawa pa itong pagkakataon upang magbigay ng ngiti at tawanan sa kanyang fans.
Ang simpleng video na ito ay patunay kung bakit patuloy siyang minamahal ng kanyang mga tagahanga—hindi lang dahil sa kanyang talento, kundi sa kanyang pagiging real at relatable.
Sa gitna ng mga glamorous na concerts, recording sessions, at fan meet-ups, nakakatuwang makita ang mga miyembro ng SB19 na tulad ni Josh Cullen na marunong pa ring magsaya sa simpleng paraan. Minsan, isang backflip lang na sablay, sapat na para mapuno ng tawanan ang social media—at magpakita ng mas makulit at mas genuine na side ng ating mga iniidolo.
Kaya naman, kahit pa nagka-faceplant sa buhangin, panalo pa rin si Josh sa puso ng mga fans. Kahit nasubsob, taas-noo pa rin — kasi ganyan magmahal ang A’TIN: sabay tawa, sabay alala, sabay suporta, sa lahat ng pagkakataon.
@joshcullenn My life right now 💀
♬ Jet2 Advert - ✈️A7-BBH | MAN 🇬🇧
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!