Liza Soberano, Isiniwalat Hindi Na Nagkakasundo Ni Enrique Gil Dahil Mas Matanda Ito Sa Kanya; May Mensahe Sa Mga Fans

Martes, Agosto 19, 2025

/ by Lovely

 Parang isang biglang “realization” ang nangyari kay Liza Soberano hinggil sa naging relasyon nila ng Kapamilya actor na si Enrique Gil, na kalaunan ay nauwi rin sa hiwalayan matapos ang halos walong taon nilang pagmamahalan.


Ayon sa aktres, nagsimula siyang matauhan nang paulit-ulit silang tanungin ng media kung kailan sila magpapakasal. Doon daw niya napagtanto na marami pa siyang gustong marating at makamit para sa sarili bago pumasok sa panibagong yugto ng buhay gaya ng pag-aasawa.


Ang mga rebelasyong ito ay lumabas sa isang 12-minute video interview para sa programang Fast Talk with Boy Abunda. Bagama’t isinagawa pa ito noong 2023, ngayon lamang ipinalabas ng naturang show matapos hilingin ni Liza noon na huwag munang iere. Ayon sa kanya, hindi pa handa si Enrique noong panahong iyon na isapubliko ang kanilang sitwasyon.


Sa panayam, diretsahan siyang tinanong ni Tito Boy kung si Enrique ba ay bahagi pa ng kanyang buhay at kung totoo bang naghiwalay na sila. Dito na inamin ni Liza:

Quen and I have decided to separate ways and that is because our values and the way we see life doesn’t just align anymore.”


Dagdag pa niya, “It was hard for us to be there and support each other the same way we used to. So we decided that it was just easier to separate ways and kinda find ourselves first, kinda explore before we take it to the next level.” 




Matagal nang intrigang kinakaharap ang LizQuen tungkol sa posibilidad ng kasal. Halos isang dekada rin silang tinutulak ng fans at media bilang ideal couple, kaya’t natural lamang daw na palagi silang tanungin tungkol dito. Subalit ayon kay Liza, dumating siya sa puntong hindi na siya sigurado kung iyon pa ba talaga ang gusto niya.


“I came to the point where I didn’t know if that’s what I wanted anymore honestly ’cause there’s so much more that I wanted to achieve and he’s older than me. He’s in his 30s, of course he is thinking about settling down, starting a family and so it just doesn’t line up anymore,”  pahayag ng aktres.


Matapos nilang magdesisyon na maghiwalay, inamin ni Liza na muling sinubukan ni Enrique na manligaw sa kanya. Gayunpaman, buo na raw ang kanyang pasya. 


"There’s still a lot of love and care for each other. But at the moment, we need to grow first.” aniya.


Isa rin daw sa pinakamahirap para kay Liza ang harapin ang publiko upang aminin ang kanilang breakup. 


“My whole world revolved around him, it was scary to come forward because it was such a big change in our lives,” paglalahad ng aktres.


Gayunpaman, puno pa rin ng pasasalamat ang mensahe niya para kay Enrique. “I want to thank him because he was very understanding of the situation. Hanggang ngayon, sinusuportahan niya pa rin ang lahat ng ginagawa ko. He was always a good friend, a good boyfriend. Lahat ng tagumpay ko, siya ang kasama kong nag-share noon,” emosyonal na pahayag ni Liza.


Hindi rin niya nakalimutang magbigay ng mensahe para sa kanilang mga tagahanga, lalo na sa mga loyal LizQuen fans. “Sorry if they were disappointed… but thank you for understanding and supporting me throughout the years. None of my success would have happened without them.”


Sa kabila ng hiwalayan, naniniwala si Liza na ito ay isang hakbang tungo sa kanyang personal na paglago at katuparan ng kanyang sariling mga pangarap.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo