Hindi nakaligtas sa maiinit na mata ng publiko ang mag-asawang sina Heart Evangelista at Senate President Chiz Escudero nang dumalo sila sa prestihiyosong GMA Gala 2025 na ginanap kamakailan. Sa halip na puro papuri, umani ng samu’t saring puna ang kanilang paglalakad sa blue carpet, lalo na mula sa mga netizens na mas naging pokus ang isyu sa pulitika kaysa sa kanilang presensya bilang couple sa isang showbiz event.
Sa isang post sa Facebook kung saan makikita ang ilang larawan ng mag-asawa habang rumarampa sa red carpet, tila hindi natuwa ang ilan sa mga netizen at ginamit ang pagkakataon upang muling ikonekta si Senador Chiz sa mga kontrobersiyang bumabalot sa kanyang pangalan—partikular na ang tungkol sa usapin ng "budget insertions" at ang paulit-ulit na pagbansag sa kanya bilang “Mr. Forthwith,” isang salitang umalingawngaw sa ilang panayam at naging running joke online.
Narito ang ilan sa mga matitinding komentong binitiwan ng ilang netizens:
“Mr. Forthwith and Mr. Budget Insertion. Tandem ng taon.”
“Mas bagay kay Mr. Forthwith ang maging artista, pang-leading man ng First Lady.”
“Si Mr. Ham & Chiz, unbothered pa rin sa kabila ng mga isyu sa budget insertion.”
“Kapalmuks. Mag-model ka na lang, Mr. Forthwith. Mas bagay sa blue carpet kaysa sa senado.”
Ang mga komento ay tila paglalabas ng inis at panggigigil ng ilang mamamayan na tila hindi pa rin nalilimutan ang mga isyung kinakaharap ng senador. Sa kabila ng pagiging isang socialite at fashion icon ni Heart, tila nadadamay rin siya sa negatibong opinyon ng publiko tungkol sa kanyang asawa.
Gayunpaman, sa kabila ng batikos, makikita pa rin sa mga larawan ang kumpiyansa at elegance ng mag-asawa. Suot ni Heart ang isang intricately-designed gown na lalong nagpatingkad sa kanyang pagiging isa sa mga reyna ng moda sa bansa. Habang si Chiz naman ay naka-classic black suit na bumagay naman sa temang elegante ng gabi.
Sa panig naman ng ilang tagahanga ng mag-asawa, marami pa ring nagpahayag ng suporta kay Heart, sinasabing hindi dapat isama sa isyu ang personal na buhay at imahe ng aktres. May ilan ding nagsabing hindi naman ito ang tamang pagkakataon upang ibuhos ang galit sa isang showbiz-oriented na event.
“Si Heart ay nandito bilang fashion icon, hindi bilang asawa ng isang politiko. Hindi dapat siya gawing target,” saad ng isang supporter sa comment section.
Sa kabilang banda, nanatili namang tahimik ang kampo nina Heart at Chiz sa gitna ng patuloy na pag-ikot ng mga kontrobersyal na pahayag. Wala ring inilabas na tugon ang dalawa ukol sa mga komentong lumabas online matapos ang event.
Sa kabila ng lahat, nananatiling matatag ang presensya nina Heart at Chiz sa kani-kanilang mga mundo—si Heart sa fashion at art, at si Chiz sa mundo ng pulitika. Ngunit sa isang bansang masigasig sa usaping pulitikal, hindi maiiwasan na magtagpo ang mga mundong ito, lalo na sa panahon ng social media kung saan bawat kilos ay may kaakibat na reaksyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!