Usap-usapan ngayon sa mga kapitbahayan ng showbiz at maging sa social media ang naging komento ni Diego Loyzaga sa pinakabagong Instagram post ni Marco Gallo.
Ibinahagi kasi ni Marco ang kanyang fitness journey kung saan inamin niyang dumaan siya sa punto na medyo tumaba. Hindi na lingid sa kaalaman ng publiko na minsan siyang napansin ng mga netizens dahil sa pagkakaroon ng “dad bod”. Noon pa man, may mga nakapansin na rin dito lalo na nang madalas siyang makitang kasama ang kanyang dating nobya na si Heaven Peralejo. Ayon pa sa mga marites, tila nabawasan ang pagiging “yummy” ng aktor sa mata ng iba nang medyo lumaki ang kanyang katawan.
Kasama ng kanyang post ay isang makahulugang caption kung saan ipinahayag ni Marco ang mga bagay na natutunan niya mula sa pagbubuhat at fitness training. Aniya: “The weights taught me more than I expected. How to be patient, how to stay consistent, how to find joy in the process, and how to surround myself with people chasing the same light. I used to wear a Spider-Man suit as a kid and today, I think I finally get it. Strength isn’t about the goal, it’s about showing up. That’s the real superpower.”
Makikita sa pahayag ni Marco na mas malalim ang naging epekto sa kanya ng kanyang fitness journey—hindi lamang pisikal kundi pati na rin sa aspeto ng disiplina at pananaw sa buhay. Ngunit tila hindi dito natapos ang usapan dahil biglang sumabat si Diego Loyzaga sa comment section.
Ayon kay Diego, may mga tao raw na nagmamalasakit o nagkakaroon ng interes lamang kapag nandoon ang pamatay na abs. Ngunit kapag nawala ito, tila nawawala rin ang atensyon at pagmamahal. Ang diretsahang komento ni Diego: “Nope. It 100% meant she only cared when the abs were there and cared about 10 other guys when they weren’t trust.”
Dahil sa pahayag na ito, mabilis kumalat ang espekulasyon na tila may pinatatamaan si Diego, at ayon sa ilang netizens, mukhang ang tinutukoy nito ay walang iba kundi ang ex-girlfriend ni Marco na si Heaven Peralejo.
Agad ding umani ng samu’t saring reaksyon ang komento ni Diego. May ilan na nagsabing:
“Ay, patama kay H.”
“I don’t think abs lang ang habol ni Heaven kay Marco.”
“Naghahanap ba ng kakampi si Diego?”
“I find it shallow. Just because tumaba ka, nawawala na ang love.”
“So sex appeal lang pala ang habol ng MarVen. Kapag wala na, bye-bye na agad. Ang babaw naman.”
Nagkaroon tuloy ng mainit na diskusyon sa social media. Para sa iba, natural lamang kay Marco ang maging mas open tungkol sa kanyang pagbabago sa katawan at self-growth. Ngunit para naman sa ilan, tila nagbigay ng kontrobersyal na kulay ang pagsawsaw ni Diego na nagdulot ng karagdagang intriga.
Sa ngayon, bukas pa rin ang panig nina Diego Loyzaga at Heaven Peralejo upang linawin kung totoo ngang may patutsada o kung simpleng obserbasyon lamang ang nais iparating ni Diego. Gayunpaman, malinaw na muli na namang napag-usapan ang love life ng mga personalidad na ito, na hanggang ngayon ay patuloy na sinusubaybayan ng madlang pipol.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!