Barbie Forteza, si David Licauco Pa Rin Ang Piniling Pakasalan

Huwebes, Agosto 7, 2025

/ by Lovely


 Masayang balita para sa mga tagahanga ng tambalang Barbie Forteza at David Licauco, o mas kilala bilang BarDa, dahil tila may bagong pasabog na naman mula sa aktres na ikinakilig ng marami! Matapos kumalat ang mga video kung saan nakita si Barbie na magkahawak-kamay umano kay Jameson Blake habang naglalakad, maraming BarDa fans ang nadismaya. May ilan pa ngang nagsabing tila nawalan na sila ng pag-asa sa tambalan nina Barbie at David.


Ngunit isang panibagong panayam ang muling bumuhay sa pag-asa ng kanilang mga tagahanga. Sa isang interview kung saan pinapili si Barbie kung sino sa kaniyang mga nakatrabahong aktor ang pipiliin niya sa larong Kiss, Marry, Kill, naging very interesting ang naging sagot ng aktres.


Unang binanggit ni Barbie si JC Alcantara, na nakasama niya sa proyektong ‘P77’. Ayon sa kanya, kahit na napaka-bait at professional ni JC sa totoong buhay, ang karakter nito sa nasabing serye ang dahilan kung bakit siya ang napiling “kill.”


Ani Barbie, “Si JC, puwede nating i-kill—pero ‘wag kayong magalit, ha! Kasi sa ‘P77’ medyo masama ang role niya sa akin. Pero in real life, napakaayos niyang katrabaho. Maaga dumating sa set, very warm and friendly. Pero kung basehan ang karakter niya, siya talaga ang i-kill ko.”


Pagdating naman sa "kiss," ang pinili ni Barbie ay si Sam Concepcion. Nakasama niya ito sa seryeng ‘Beauty Empire,’ kung saan una silang nagkaroon ng pagkakataong magtrabaho nang magkasama.


“Kiss si Sam. Kasi unang beses ko siyang nakatrabaho sa ‘Beauty Empire’, and I’d like to believe na naging close rin talaga kami. Nagkasama kami kagabi sa cast party ng ‘Beauty Empire’, kasi tapos na kaming mag-taping. He’s such a fun guy, to be around with. Napaka-warm din niya. Sana maka-work din kami ulit,” dagdag pa ni Barbie.


At syempre, para sa tanong kung sino ang gusto niyang pakasalan o "marry," walang pag-aalinlangan na si David Licauco ang kanyang pinili. Hindi na ito ikinagulat ng maraming fans dahil matagal na silang nagtatrabaho bilang on-screen partners at kitang-kita ang chemistry nilang dalawa.


“Marry natin si David, kasi out of everyone siya talaga `yung matagal ko nang kilala, matagal kong kasama, matagal kong katrabaho. Di ba, when you marry someone, kailangan kilalang-kilala mo, and you accept all the perfection and imperfection of the person,” pahayag ni Barbie.


Matapos lumabas ang interview, bumuhos agad ang mga komento ng mga kilig na netizens sa social media. Marami ang natuwa at umaasang may laman ang sinabi ni Barbie tungkol kay David, na tila isang pahiwatig ng real-life romance.


“Parang confession na ‘yan, Barbs! Kinilig ako sobra,” komento ng isang fan.


“Diyos ko, sana hindi na ito acting lang. Baka naman totohanin mo na, Barbie!” ani pa ng isa.


“Ang tagal naming naghintay ng ganitong moment, please sana totoo na talaga,” sambit pa ng isa pang fan.


Mayroon pa ngang mga pabirong komento na humihimok kay David na magpahayag rin ng damdamin: “Go na, David! Barbie na mismo ang pumili sayo para pakasalan. Ano pang hinihintay mo?”


Sa kabila ng mga espekulasyon at kontrobersiya, hindi maikakailang malakas pa rin ang suporta ng publiko sa tambalang Barbie at David. At kung pagbabasehan ang mga sagot ni Barbie, tila may espesyal talagang koneksyon sa pagitan nila—na kahit hindi pa opisyal na kinukumpirma, sapat na upang patuloy na umasa at kiligin ang kanilang mga fans.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo