Ai Ai Delas Alas Pinatulan Ang GenZ na Sinabihan Siyang Gaya-Gaya Kay Lady Gaga

Huwebes, Agosto 7, 2025

/ by Lovely


 Hindi pinalampas ni Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas ang mga patutsada ng ilang Gen Z netizens tungkol sa kanyang outfit sa GMA Gala kamakailan. Tinawag ng ilan ang kanyang dating gimik na “OA” at umano’y ginagaya pa raw nito ang istilo ng international pop icon na si Lady Gaga. Ngunit sa halip na manahimik, buong tapang na sinagot ni Ai Ai ang mga ito, sabay flex ng kanyang makulay na career history.


Matatandaang naging usap-usapan sa social media ang kanyang entrance sa GMA Gala dahil sa suot niyang napakalaking kapa na tila may pasabog na eksena. Bago pa man ma-reveal ang kanyang identity, pinatindi pa ito ng pagtatakip ng mukha. Ngunit bago pa man siya makalakad nang todo, na-spoil agad ang kanyang identity nang lumitaw ang pangalan niya sa screen, na ayon sa marami ay maaaring pagkakamali sa technical cue.


Sa kabila ng effort niya sa kanyang outfit, umani ito ng batikos mula sa ilang kabataang netizens. May nagsabing tila pilit daw ang gimik, at tila ginagaya pa umano ni Ai Ai ang istilo ni Lady Gaga, na kilala sa kanyang kakaibang fashion at shocking performances.


Pero hindi nagpahuli si Ai Ai at agad niyang sinagot ang mga ito sa pamamagitan ng isang mahabang post sa social media. Sa kanyang post, ibinahagi niya ang mga throwback photos noong siya ay nagtatrabaho pa sa comedy bars noong late 80s. Ayon sa aktres, matagal na niyang ginagawa ang pagsusuot ng kakaibang kasuotan—panahon pa ng mga comedy bar tulad ng Music Box at Studio Bar sa Malate, Maynila.


"HELLO mga Gen Z 's.. mga baby girls, baby boys, little baklets and little tibambolbees, inform lang kayo ng MAMA AI AI nyo .. itong mga pictures nato mga 1987-1989 nag work ako as sing along master sa Music Box sa QC kung saan kasama ko si Arnel Ignacio .. tapos hindi ka naman mabubuhay sa isang sing along lang kinuha ako sa malate (STUDIO BAR ) .. ito ngang mga pictures ko naka costume ako parate natural ko yan gabi gabi iba iba outfit ko ..." aniya.


Ipinahayag niyang noong taong 1987 hanggang 1989 pa lang ay nakabalandra na ang kanyang ‘pasabog outfits’ habang nagtatrabaho bilang sing-along master sa mga kilalang comedy bar. Ani niya, halos gabi-gabi ay iba’t ibang costume ang kanyang suot at naging natural na ito sa kanya. Hindi raw ito gimik kundi bahagi ng kanyang pagkatao.


"Bakit kamo ?kasi yung may ari ng building 7 babae ang anak .. tapos si KAYO (rip).. sya yung nag manage ng building sabi nya halika bibihisan kita yung kakaiba ka.. kaya everyday ayan na nga ... lukalukahan ako and nasanay ako kahit nag ka club ako ganyan ako..." dagdag pa niya.


Ikinuwento rin ni Ai Ai ang kanyang mga karanasan sa Malate noong kasikatan ng Subway Disco—na sikat sa mga designer at celebrities noong panahong iyon. Ayon sa kanya, kahit hindi siya kilala ng karamihan, palakpakan pa rin ang mga tao sa kanyang pagpasok dahil sa kanyang kakaibang porma.


"nag lalakad ako sa malate bilang walking distance ang studio bar to SUBWAY DISCO ( na napakasikat noon na lahat ng designers na sikat pumupunta dun at pag pumapasok ako nag papalakpakan hahaha) na HINDI NAMAN NILA AKO KILALA KUNG SINO AKO .. kaya mga bakla tuwang tuwa saken akala nila laruan ako ( minsan akala nila nag a adik ako ) hehe parate akong couture in my own version nakita nyo naman may sigarilyo pako sa buhok haha minsan may kopita na may tubig kung ano maisip ko ginagawa ko at sinusuot ko .. kaya mga mga bagets baka wala pa mga nanay at tatay nyo sa mundo ganito nako .." paliwanag niya.


Sa huli, pabirong banat ni Ai Ai, "WALA akong ginagaya at hindi ako nag papansin natural ko na yan .. nag level up lang ako kasi may pera nakong pambili ng kung ano ano minsan nga pag nakikita ko Lady Gaga kilala kaya nya ko ginagaya kaya nya ko ??? Hahaha # feelingera .. ok bye."


Para sa Comedy Concert Queen, hindi niya kailanman ginawa ang kanyang mga pasabog para lang mapansin. Aniya, likas na siyang malikhain at “extra” sa kanyang sarili, kahit pa wala pa siyang budget noon. Ngayon lang daw siya nag-level up dahil may pambili na siya ng mga accessories at props.


Ang kanyang mahabang mensahe ay umani ng papuri mula sa kanyang mga loyal fans, habang ang ilan naman sa mga Gen Z ay tila natahimik at napaisip—dahil malinaw pa sa araw na bago pa man sumikat ang mga international icons tulad ni Lady Gaga, matagal nang “trendsetter” si Ai Ai delas Alas sa sarili niyang paraan.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo