Janus Del Prado Binanatan Si Awra Briguela Maging Ang Mga Kasamang Enabler

Lunes, Hulyo 21, 2025

/ by Lovely


 Hindi na napigilan ng aktor na si Janus del Prado na maglabas ng kanyang saloobin kaugnay ng mainit na isyu sa pagitan ng dating child star na si Awra Briguela at social media content creator na si Sir Jack Argota. Sa isang mahabang post sa kanyang Facebook account, tahasang pinuna ni Janus ang naging kilos at pahayag ni Awra, na aniya’y nakaaapekto na hindi lamang sa kanyang sarili kundi maging sa buong LGBTQIA+ community.


Nagsimula ang bangayan sa social media matapos punahin ni Sir Jack ang paggamit ng feminine pronoun na “her” para kay Awra. Hindi ito ikinatuwa ng aktres at agad niyang ni-repost ang mga mensahe na nagsusulong ng karapatang pumili ng pronoun base sa sariling gender identity. Ipinaglaban ni Awra ang kahalagahan ng respeto sa personal na pagkakakilanlan, lalo na sa konteksto ng pagiging trans at non-binary.


Ngunit para kay Janus, hindi na tama ang tila labis na paggiit ni Awra sa kanyang paninindigan. Ayon sa aktor, nagmumukha nang makasarili at nakasasama sa imahe ng buong gay community ang ginagawa ni Awra. 


Aniya, “Awra. You are doing too much to the point that you are hurting the gay community. People are starting to turn against the entire gay community because of this kind of entitlement."


“Nadadamay sila sa bashing. Not to mention overshadowing the identity and attention from biological women, their struggles and their place in society,” giit ni Janus sa pinakawalang mahabang post sa kanyang Facebook account.


Dagdag pa ni Janus, tila natatabunan na raw ang tinig at mga tunay na karanasan ng mga kababaihang ipinanganak bilang babae dahil sa labis na pagpapasikat ng mga isyung may kinalaman sa gender pronouns. Para sa kanya, mahalaga ang respeto, ngunit hindi ito nangangahulugan ng pagpilit sa lahat na sumang-ayon sa isang pananaw. 


“If you want to call yourself a ‘She’ or a ‘Her’ then go, live and enjoy your life the way you want to. No one’s stopping you. Just don’t expect and force everyone else to play along. Because just like you, we all have our own beliefs, values, principles and free will."


“There is nothing wrong with using proper grammar to address other people. Stop the gaslighting. Nakakapagod na makitungo at makisama sa inyo. Nagkakaroon na ng Trans fatigue ang mga Pilipino,” saad pa ni Janus.


Pinaliwanag rin niya na ang gender discourse ay tila kinopya lamang ng ilang Pilipino mula sa mga banyagang kultura na ngayon ay unti-unti na ring tinatanggihan sa kanilang sariling mga bansa. Ginamit niyang halimbawa ang Hollywood, sports at education system ng Estados Unidos na umano’y naapektuhan ng labis na liberal na pananaw ukol sa gender identity.


“Stop acting like you are being oppressed because you are not. Nakigaya lang naman tayo sa pauso ng US and other western countries about the gender alphabet and neo pronouns. And now, ano nangyayari sa kanila? They are suffering the consequences and starting to reject the whole ideology. It even destroyed Hollywood, Sports and their Education System. Balik na sila sa two gender policy,” giit pa niya.


Hindi rin nakalimutang banggitin ni Janus ang ilang nakatatandang personalidad sa LGBTQ+ community, gaya ni Ricky Reyes, na aniya’y dapat ding pakinggan ng mga kabataan. “Makinig kayo sa mga nauna sa atin. Mas malawak ang karanasan nila. Mas alam nila kung paano mapapanatili ang respeto at dignidad ng ating komunidad,” payo niya.


Sa dulo ng kanyang post, nanawagan si Janus sa buong gay community na huwag hayaang manaig ang maling asal ng iilan. 


"Don’t be an enabler just because they are a part of your group. It will only hurt the gay community and what you stand for. Thank you,” aniya.


Isinara niya ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng paalala na ang tunay na pagkakapantay-pantay ay may kasamang paggalang hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa paniniwala at limitasyon ng iba. Sa kasalukuyan, hindi pa nagbibigay ng tugon si Awra sa mga sinabi ni Janus, ngunit patuloy ang diskusyon ng mga netizen online, hati man ang opinyon ng publiko sa isyu.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo