Nagkaroon ng matinding reaksiyon mula sa mga netizen matapos lumutang sa Facebook ang isang larawan na umanoy kuha ni Patrick Bernardino, ang mister na inirereklamo ng kilalang social media personality na si Meiko Montefalco.
Sa naturang post na nakita sa Facebook account na nakapangalan kay “Patrick Bernardino,” makikita ang isang "mirror selfie" ng isang lalaking pinaniniwalaang si Patrick, habang sa kanyang harapan ay kapansin-pansin ang isang babaeng nakatapis lamang ng tuwalya.
Simpleng “Surprise” ang inilagay na caption sa nasabing post, pero hindi ito naging simpleng isyu sa mga netizen. Agad itong umani ng matinding puna at espekulasyon mula sa publiko.
Hindi rin nagtagal ay ibinahagi rin ito sa Facebook account ni Meiko Montefalco, ang babaeng kinilala ng publiko bilang asawa ng nasabing lalaki. Sa kanyang post, pabirong inilagay ang caption na, “Sagot ko na bagong salamin at lababo,” na tila may patama sa diumano’y bagong babae sa buhay ng kanyang mister.
Matatandaan na naging mainit na usapin si Meiko sa social media noong buwan ng Mayo, matapos niyang ilantad sa publiko ang diumano’y panlilinlang at pagtataksil na ginawa sa kanya ng kanyang mister. Sa mga live video at post niya noon, isiniwalat ni Meiko ang kanyang pagkadismaya sa hindi umano katapat na pakikitungo ni Patrick sa kanilang relasyon.
Isa sa mga naging viral na bahagi ng kanyang kuwento ay ang pag-amin niya na habang siya’y nasa Boracay para sa isang bakasyon, ay sinamantala raw ni Patrick ang pagkakataon upang makipagkita sa ibang babae. Bukod pa rito, lumabas pa ang mga kuha at screenshots ng kanilang personal na usapan, na siyang nagdagdag gasolina sa nagliliyab nang isyu.
Ayon pa sa ilang netizen, tila walang pagsisisi o pagtatago sa panig ni Patrick, lalo pa’t mismong ang larawan na may kasamang babaeng nakatapis ay naipost sa kanyang account — bagay na tila patunay sa mga paratang ni Meiko laban sa kanya.
Nag-viral din ang komento ni Meiko sa larawan, kung saan marami ang nagpahayag ng suporta sa kanya. Marami sa kanyang followers ang nagpahayag ng pagkadismaya sa diumano’y pag-uugali ni Patrick, at hinihikayat siyang huwag nang balikan pa ang lalaki.
“Deserve mong mahalin nang totoo, hindi ‘yung habang nagpapahinga ka sa Boracay, siya naman may ibang sinasalo sa bahay,” ani ng isang commenter.
“Napakalinaw ng ebidensiya. Hindi na kailangan ng paliwanag. Buti nalang strong ka, Meiko,” dagdag pa ng isa.
Sa kabila ng eskandalo, nananatiling tikom ang bibig ni Patrick sa isyu. Walang anumang opisyal na pahayag ang lumalabas mula sa kanya ukol sa kontrobersiyang ito. Gayunpaman, tila hindi pa rin humuhupa ang interes ng publiko, lalo pa’t araw-araw ay may mga bagong komento, memes, at reaksyon na lumalabas online.
Sa ngayon, patuloy na sinusubaybayan ng mga netizen ang bawat kilos nina Meiko at Patrick. Ang ilang tagasuporta ni Meiko ay umaasa na magpatuloy siya sa pagsasalita, hindi lang upang maibahagi ang kanyang karanasan, kundi upang maging inspirasyon sa iba pang kababaihang dumaranas ng parehong sitwasyon.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!