Maris Racal Napahagulhol Sa Isang Presscon!

Huwebes, Hunyo 26, 2025

/ by Lovely


 Lubos ang naging emosyon ni Maris Racal habang unti-unting lumulubog sa kanyang isipan na malapit nang matapos ang teleseryeng Incognito. Hindi na napigilan ni Maris ang kanyang luha nang maramdaman niyang nalalapit na talaga ang pagtatapos ng proyektong matagal din nilang pinagsamahan.


Ilang linggo na lamang at tuluyan na ngang magpapaalam ang seryeng naging bahagi ng buhay at karera niya. Sa isang emosyonal na sandali, hindi na kinaya ni Maris ang pigilan ang kanyang nararamdaman, lalo na nang magsimulang magpasalamat ang mga nasa likod ng produksyon—ang mga taong hindi nakikita sa harap ng kamera.


“Sorry medyo na-stun ako, noong nagpasalamat na si Chang Des (De Guzman) sa mga tao behind the camera. Sobrang…noong tiningnan ko ang mga camera men ngayon, sobrang thank you sa bonding, sa friendship na nabuo, as in. ani Maris, habang nagpupunas ng luha."


Dagdag pa niya, “Kami yung mga astig tingnan…tough tingnan, but in reality it’s the crew, the stuntmen, lahat ng tao sa creative aspect, sa business unit head namin, sa director namin, sa stunt choreographer namin, sa promo team namin, as in sa kanila yung respect ko talaga."


Sa medyo pabirong tono ay nabanggit din ni Maris, “Sa cast, okey lang, eh. Hahahaha! Pero sa mga tao sa likod ng camera…"


Nang tanungin kung ano ang naging epekto ng Incognito sa kanya, buong puso niyang sinabi, “Now that we’re saying goodbye, I just want to say, making this series, making ‘Incognito’ have save me. You have no idea how much you saved me, kung paano ako nag-grow as an actor."



Lubos ang kanyang pasasalamat sa pagbibigay sa kanya ng karakter na si Gabriela Rivera, na ayon sa kanya ay isang malaking biyaya. “Salamat sa pagbigay sa akin ng role na Gabriela Rivera!” maluha-luhang pahayag ni Maris.


Hindi maikakaila na malalim ang pinaghugutan ni Maris sa kanyang emosyon. Sa likod ng camera, may mga personal na laban siyang hinarap, lalo na sa mga kontrobersiyang dumaan sa kanya at sa kanyang relasyon kay Anthony. Ngunit sa pamamagitan ng Incognito, muli siyang nabigyan ng pagkakataon na mapatunayan ang kanyang kakayahan at maipakita ang kanyang tunay na galing bilang aktres.


Sa huli, ang Incognito ay hindi lamang isang proyekto para kay Maris Racal—ito ay naging bahagi ng kanyang paghilom, pagbangon, at paghubog bilang isang mas matatag na indibidwal at artista.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo