Ina ni Kobe Paras Isiniwalat Na Ang Anak Ang Nakipaghiwalay Kay Kyline Alcantara

Huwebes, Mayo 1, 2025

/ by Lovely


 

Matapos ang ilang linggong pananahimik at mga patagong mensahe sa social media, tuluyan nang nagsalita si Jackie Forster kaugnay ng isyu ng hiwalayan ng anak niyang si Kobe Paras at aktres na si Kyline Alcantara. Sa isang video na in-upload niya sa kanyang Instagram noong Abril 27, nilinaw ni Jackie ang ilang bagay at ipinagtanggol ang kanyang anak sa mga isyung ibinabato rito.


Ayon kay Jackie, walang katotohanan ang mga lumalabas na isyu na nanloko umano si Kobe sa kanyang naging relasyon. Mariing itinanggi ng dating aktres ang anumang pananakit o pagtataksil na nagmula sa panig ng kanyang anak. Giit niya, hindi raw kailanman naging “cheater” si Kobe, at ang mga paratang na ito ay pawang haka-haka lamang.


Inilahad din ni Jackie na may bahagi sa likod ng isyu ang kampo ni Kyline. Ayon sa kanya, bago pa man pumutok ang balita ng hiwalayan, hiniling umano ng kampo ng aktres sa ama ni Kobe na si Benjie Paras na sabihing maayos pa ang relasyon ng dalawa sa publiko. Sa kabila ng totoo na hindi na raw talaga sila okay noon pa, ayaw daw itong aminin agad-agad ng kampo ni Kyline dahil umano sa mga kontratang hawak nito.


Batay pa sa kwento ni Jackie, nagsimula ang tunay na lamig ng relasyon matapos ang biyahe nina Kobe at Kyline sa Amerika noong Enero. May mga pangyayaring nangyari doon na tinawag niyang mga “red flag,” o mga senyales na hindi na maganda ang takbo ng relasyon. Sa mga sumunod na buwan, ilang pagkakataon daw na muling nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan si Kobe sa mga magulang ni Kyline, na lalo lamang nagpabigat sa sitwasyon.


Aminado si Jackie na sinubukan pa rin ni Kobe na ayusin ang relasyon nila ni Kyline. Pero sa huli, may mga nasabi raw at nagawa si Kyline na hindi na kayang palampasin ni Kobe. “He gave it his all,” ani Jackie. “He’s generous. He’s kind. He sticks to one but when he made to feel a certain way, he’s done.”


Hindi rin naiwasan ni Jackie na itanong kung bakit tila pinapalabas ngayon ng kampo ni Kyline na si Kobe ang may kasalanan. Ayon pa sa kanya, si Kyline pa nga raw ang nag-alok kay Kobe na tumira pansamantala sa bahay nito habang naghihintay siya ng sariling condo. 


“You let him borrow your car and stay at your place while he was waiting on the condo that he wanted to buy, only for you and your family to belittle him. He was there because you asked, and he stayed because he wanted to try. Trying to make it all work,” ani Jackie. 


Ginawa raw ito ni Kobe dahil gusto niyang subukan pa ring ayusin ang relasyon.


Mas mabigat pa sa mga rebelasyon ni Jackie ang tungkol sa umano'y pananakit ni Kyline kay Kobe. Ayon sa kanya, naging marahas umano ang aktres sa isang pagkakataon at palaging kinukuwestyon o tsini-check ang cellphone ng anak niya.


“He was already distant. You’re grabbing his phone and you physically assaulted him and in a manner that was provoking. Why? Why would you do that? Why would you put Kobe in that position? Why do you need to be violent?” emosyonal na pahayag ni Jackie.


Sa pagtatapos ng kanyang video, sinabi ni Jackie na hindi niya maintindihan kung bakit hinahayaan ng kabilang kampo na si Kobe ang palabasing masama. 


“You’re allowing Kobe to be painted as the villain. All because he didn’t want to be with you anymore,” tanong niya.


Bagama’t mas pinili ni Kobe ang manahimik sa isyung ito, tila hindi na napigilan ni Jackie ang kanyang sarili na ipagtanggol ang anak. Para sa kanya, sapat na ang pananahimik, at oras na para ilahad ang panig ni Kobe, lalo na’t nadadamay ang kanyang reputasyon sa mata ng publiko.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo