Mall Show ni Xian Lim Nilangaw, Halos Maiyak?

Martes, Hunyo 11, 2024

/ by Lovely


 Viral at pinag-uusapan ngayon ng ilang mga netizens sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga video na kuha mula sa mall show at premiere night ng pelikula ni Xian Lim na Playtime.


Kaagad na umaani ngayon ng ilang mga komento mula sa mga netizens ang mga video na kuha sa mall show ni Xian Lim at premiere night ng kanyang pelikulang pinagbibidahan na pinamagatang playtime.


Makikita sa mga nasabing videos na tila nilangaw ang mall show ni Xian Lim at tila hindi na rin pinapansin ng maraming mga manonood ang pa-mall show ni Xian Lim.


Ayon naman sa ma netizens na tila kaagad na kinakarma si Xian Lim sa kanyang paninira kay Kim Chiu at pagpapaawa sa mga netizens para makakuha siya ng simpatya mula rito.


Tila pinapalabas ni Xian Lim, na siya ang iniwan ni Kim Chiu at ito pa ang may malakas na loob na humingi ng pabor sa kanya na huwag na munang ipagtapat sa publiko ang pakikipaghiwalay nito sa kanya.


Nauna na ring pinabulaanan ni Xian Lim ang isyung naging third party si Iris Lee ang babae dini-date niya ngayon.


Sa kamakailang media con ng kanyang pelikula nagpahiwatig rin si Xian Lim na siya naman ang pinaglaruan ni Kim Chiu.


Sa kabila ng naging pagsisiwalat ni Xian Lim hindi pa rin niya nakuha ang simpatya ng maraming madlang pipol at patuloy na si Kim Chiu ang siyang sinusuportahan na hindi maitatanggi sa naging mall show ni Xian Lim.


Sa kabilang banda, unti-unti nang binubura ng aktres na si Kim Chiu ang mga vlog na pinagsamahan nila noon ni Xian Lim sa kanyang social media account.


Maging sa Instagram ay makikitang burado na rin maging ang mga post at larawan nilang pinagsamahan. Ang tanging iniwan na lamang ni Kim Chiu ay ang post kung saan kinumpirma niya ang hiwalayan nila ni Xian Lim.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo