Cristy Fermin Kinoll-Out Ang Pagtrato ni Vice Ganda sa Mga Kasama Sa It's Showtime Lalo Na Kay Ogie Alcasid

Martes, Hunyo 11, 2024

/ by Lovely


 Pinuna ng batikang showbiz columnist at talent manager na si Cristy Fermin ang main host ng It's Showtime na si Vice Ganda dahil sa pagtrato nito sa magaling na singer-song writer na si Ogie Alcasid.


Ipinunto ni Cristy Fermin ang mga sinasabi ng mga netizens na tila ginagawa na lamang ni Vice Ganda na katatawanan ang respetadong singer-song writer na si Ogie Alcasid sa noontime show nilang It's Showtime.


May mga netizen pa umano na inihahalintulad na lamang si Ogie Alcasid sa mga sidekick ni Vice Ganda na sina MC at Lassy.


Naglabas ng mensahe si Cristy Fermin para kay Vice Ganda na sana naman ay bigyan rin nito ng respeto si Ogie Alcasid bilang isang respetadong singer.


Kaagad namang ipinagtanggol ng ilang mga madlang pipol si Vice Ganda kung saan iginiit nila na malaki ang respeto ni Vice Ganda kay Ogie Alcasod bilang isang respetadong singer. Ang nangyayari naman umano sa It's Showtime ay parte ng show at biruan lamang nilang dalawa bilang isang magkaibigan.


Matatandaan na naglabas ng isang pahayag si Ogie Alcasid kung saan ipinagtanggol niya si Vice Ganda sa gitna ng mga kinasasangkutan nitong isyu sa pagcall-out kay Axel, isang searche ng Expecially For sa tangka nitong  paghalik sa searcher na si Christine.


Marami ang nainis sa ginawa ni Vice Ganda dahil napahiya umano ang lalaki sa harap ng television. May mga nagsasabi pang mas malala naman ang pinaggagawa ng host sa show.


Dahil naman sa pagtatanggol ni Ogie Alcasid kay Vice Ganda, nababaling na ngayon sa kanya ang ilang pambabatikos ng mga netizens at sinabing nagiging kunsintidor na ito gayung siya mismo ay ginagawan na rin ng mga kabulastugan ni Vice Ganda.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo