Kris Aquino Nagulat Sa Nangyari Sa Kanya Ng Pumunta Ito Sa Isang Lugar Sa Amerika!

Huwebes, Mayo 16, 2024

/ by Lovely


 Isang positibong balita ang isiniwalat ni Dindo Balares patungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Queen of All Media na si Kris Aquino na nakausap niya sa pamamagitan ng video call habang nasa Amerika si Kris Aquino at patuloy na nagpapagaling.


Nabanggit rin ni Dindo Balares sa kanyang post na nagustuhan ni Kris Aquino ang kanyang pananatili sa Newport na pinagmulan ng mga usap-usapan patungkol sa paglipat ni Kris Aquino ng bagong tirahan mula sa Orange County papuntang Newport.


Ayon sa ibinahagi ni Dindo Balares, naging responsive na sa chemotherapy ang mga autoimmune conditions ni Kris Aquino, subalit nagiging mas concerning naman ang kalagayan ng puso nito ngayon.


Sa ngayon ay naghahanap umano ng panibagong cardiologist si Kris Aquino para ma-monitor ng maayos ang kanyang heart.


"There’s a problem with my heart, Kuya Dindo - genetics. Very high cholesterol and triglycerides that at this point can’t be treated because I am underweight (91 lbs)," pagbabahagi umano sa kanya ni Kris Aquino.


Labis-labis naman na nagpapasalamat si Kris Aquino sa lahat ng mga taong patuloy na ipinagdarasal ang kanyang kalusugan. Hiniling niya na sana ay hindi magsawa ang mga ito na ipanalangin ang kanyang lubusang paggaling mula sa kanyang mga karamdaman at mga komplikasyon na dala nito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo