TVJ Nagreact Sa Mataas Na Ratings Ng It's Showtime Sa GMA Network

Lunes, Abril 15, 2024

/ by Lovely


 Unbothered at patuloy na dinidedma ng TVJ noontime show na Eat Bulaga ang matataas na ratings na nakuha ng katapat nilang noontime show na It's Showtime ngayong umiiere na ito sa GMA Network.


Sa episode ng programa ng kilalang showbiz columnist na si Cristy Fermin nitong nakaraang byernes April 12, 2024, pinasinungalingan niya ang isyung nagpatawag ng emergency meeting ang Eat Bulaga dahil sa patuloy na pagbaba ng kanilang earnings.


Ayon kay Cristy Fermin, walang katotoran ang mga kumakalat na balita patungkol sa pagpapameeting ng TVJ at Media Quest dahil wala naman umanong dahilan para sa meeting na ito dahil mga maling impormasyon lamang ang mga kumakalat para masira ang pangalan ng TVJ at ng TV5.


Ipinunto pa ni Cristy Fermin, na hindi naman mapapatunayan ng It's Showtime na nanalo na sila sa GMA7 dahil sa pagtaas ng kanilang rating noong opening ng kanilang show.


Sa katunayan, habang pressure na pressure ang It's Showtime na panatilihing mataas ang kanilang ratings ay taped episode lamang ang inilabas ng Eat Bulaga, pahiwatig na hindi sila bothered sa mataas na ratings ng show noong April 6, 2024.


Ngayong umiere na rin ang It's Showtime sa GMA7 inaasahan lalo pang iinit sa mga darating na araw ang tapatan ng dalawang show na pareho na ring may napatunayan.


Gayunpaman, naniniwala pa rin si Cristy Fermin na walang dapat na ipangamba ang TVJ dahil mayroon na silang napatunayan sa larangan dahil sila ang tinaguriang longest running TV show ng Asia.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo