Kontrata Ng It's Showtime Sa GMA Extended Na, Serye Ng ABS-CBN Mapapanuod Sa GMA Telebabad!

Lunes, Abril 15, 2024

/ by Lovely


 Sa gitna ng mga usap-usapan patungkol sa kung hanggang kailan lamang eere ang noontime show na It's Showtime sa GMA7, may mga naglabasan kasing mga ulat na umano'y hanggang anim na buwan lamang ang pinirmahang kontrata ng ABS-CBN at GMA7 para sa show.


Sa kabila nito, maari naman umanong makapagrenew ang It's Showtime sakaling tumaas ang kanilang ratings at malampasan ang Eat Bulaga ng TVJ na umiiere naman ngayon sa TV5 at RPTV.


Samantala, dahil naging maganda na rin naman ngayon ang nakukuhang ratings ng It's Showtime sa GMA7 ay pinag-uusapan na umano ng dalawang kampo ang pagkaka-extend sa kontrata ng It's Showtime sa GMA7.


Bukod sa It's Showtime, pinag-uusapan na rin umano ng ABS-CBN at GMA7 ang paglipat ng iba pang Kapamilya show sa nasabing network. Kabilang na sa pinag-iisipang ipalabas sa GMA7 ay ang reality show na Pinoy Big Brother.


Maging ang ilang teleserye ng ABS-CBN ay maaring ipalabas na rin umano sa GMA7.


Ayon pa sa aming nakalap na impormasyon ay hinihingi na umano ng ABS-CBN ang third slot ng GMA telebabad. Ito ang dating timeslot ng collaboration series ng ABS-CBN at GMA7 na Unbreak My Heart na kasalukuyang timeslot naman ng Asawa ng Asawa ko.


Subalit, pinag-iisipan pa umano ito ng GMA7 dahil napakarami pang nakaline up na mga teleserye mula sa GMA Entertainment TV at GMA News and Public Affairs.


Samantala, sa paglipat ng It's Showtime sa GMA7 kapansin-pansin na maging ang ibang mga afternoon program ng GMA ay nagsitaasan na rin ang ratings.


Tanong naman ngayon ng marami apektado kaya ang ratings ng mga ito sa pagdating ng It's Showtime sa network?


Gayunpaman, hindi pa rin maiiwasan na may kokontrang supporters ng Kapuso network sa hiling ng ABS-CBN na maging ang GMA Telebabad ay pasukin na rin.


Ayon sa kanila, dapat ay mas pagtuunan ng pansin ng GMA Network ang kanilang mga homegrown talents at gumawa na lamang ng mga panibagong teleserye.


Ipinunto pa ng ilan na napakaraming mga nakatambay na mga artista ngayon sa mga collaboration na naganap.


Dahil kung hindi kinupkop ng GMA ang It's Showtime ay mabibigyan sana umano ng pagkakataon at trabaho ng GMA ang mga hosts ng kanilang network.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo