Sharon Cuneta Inaming Kahit Isang "Latang Gatas" Para Kay KC Wala Siyang Natanggap

Martes, Marso 19, 2024

/ by Lovely


 Sa isang panayam kay Mega Star Sharon Cuneta, isiniwalat niya ang ilang mga detalye ng nakaraan nila noon ni Gabby Concepcion at ang kanyang naging buhay matapos ang kanilang hiwalayan.


Inamin ni Sharon Cuneta na noong kabataan niya ay kumikita na siya ng millions dahil sa kanyang acting at singing careers.


Dagdag pa ni Sharon Cuneta na kumita siya ng billions dahil sa offer ng isang station subalit ito rin ang dahilan na nagkaroon siya ng utang.


Iginiit naman ni Sharon Cuneta na ang mga utang niyang ito ay hindi niya nakuha dahil sa mga bisyo kagaya ng pagsusugal dahil hindi naman umano siya nagbibisyo.


Ipinahayag rin ni Sharon Cuneta na ang kanyang pera ay iniinvest niya sa mga estate, dahil dito nababayaran na umano niya ang kanyang mga utang nitong mga nagdaang taon.


Ayon pa kay Sharon Cuneta na talagang napalaki siya ng maayos ng kanyang mga magulang kung saan tinutuan siya ng mga ito na humawak ng maayos sa kanyang mga finances.


Nagbalik-tanaw rin si Sharon Cuneta sa mga panahon na naging single mom siya matapos ang naging hiwalayan nila noon ni Gabby Concepcion.


Ayon sa pagbabahagi ni Sharon Cuneta, mag-isa niyang tinaguyod ang kanyang anak na si KC Concepcion, siya lamang rin umano ang bumibili sa lahat ng mga pangangailangan noon ni KC Concepcion.


Maski pambili uman noong ng gatas para kay KC ay wala umano siyang natatanggap kaya naman pinagbubutihan niya ang kanyang pagtatrabaho.


Ikinagulat naman ito ng mga fans ni Sharon Cuneta dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat kung sino ang totoong ama ni KC Concepcion. Marami ang hindi makapaniwalang naging pabayang ama rin pala umano noon si Gabby kung saan kahit pambili ng gatas ay hindi ito nagbibigay.


Gayunpaman, marami ang nagsasabing naayos na nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kung ano man ang nagng gusot nila noon at maging si KC Concepcion ay may maayos nang relasyon sa kanyang ama ngayon.


Sa ngayon ay tinitingnan na lamang ni Sharon Cuneta ang positibong naidulot sa kanila ng kanyang nakaraan kung saan natutuo umano si KC Concepcion na maging responsibilidad sa kanyang paghawak ng finances.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo