Nagsalita Na! Jennylyn Mercado Magiging Kapamilya Na!

Martes, Marso 19, 2024

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang naglabasang mga balita patungkol sa paglipat ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado sa Star Music kung saan nakatakdang maglabas ng panibagong album.


Dahil dito, marami sa mga netizens ang nang-iintriga sa paglipat na ito ng aktres kung saan umpisa na umano ito sa tuluyang paglipat ni Jennylyn Mercado mula sa GMA7 sa ABS-CBN.


Inamin naman ni Jennylyn Mercado na nakaramdam siya ng kakaibang kilig sa unang meeting pa lamang nila upang i-discuss ang mga gagawing kanta.


Inilahad pa niya ang kanyang excitement sa panibagong step na tatahakin. Talagang pinaghahandaan rin umano nila ang gagawing mga kanta para sa kanyang mga fans.


Talagang nagbabalik na sa showbiz industry ang Kapuso Royalty na si Jennylyn Mercado matapos ang ilang taong pamamahinga upang isilang ang kanilang anak ni Dennis Trillo.


Sa pagbabalik musika ni Jennylyn Mercado, kapansin-pansin umano na ginamit niya ang music label ng ABS-CBN na Star Music na pinag-ugatan ng mga hinalang maaring lumipat na rin sa Star Magic si Jennylyn Mercado.


Matatandaan na nakatrabaho na rin si Jennylyn Mercado ang film arm ng ABS-CBN, ang Star Cinema noong 2016 sa isang pelikulang pinagbibidahan nila noon ni John Lloyd Cruz sa Just the Three Of Us.


Ang nasabing pelikula ang nasa blockbuster drawer ng aktres na si Jennylyn Mercado hanggang ngayon.


Samantala, marami naman ang pumupuri sa aktres na si Jennylyn Mercado ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng kanyang comeback teleserye sa GMA7 na Love. Die. Repeat.


Samantala, umaani naman ng halo-halong reaksyon mula sa mga netizens ang napipintong paglipat ni Jennylyn Mercado sa ABS-CBN.


May mga sumasang-ayon sa kanyang paglipat sa ibang network matapos ang ilang taon niya sa GMA7 kung saan siya sumikat. Subalit may naniniwala ring hindi na kailangan pa nitong lumipat ng ibang network dahil napatunayan na rin naman umano niya ang kanyang sarili sa Kapuso network.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo