Paboritong Anak Ni Jaclyn Jose Hindi Na Makakauwi, Hindi Na Makakapunta Sa Burol!

Biyernes, Marso 8, 2024

/ by Lovely


 Malungkot na isiniwalat ng dating aktres na si Andi Eigenmann na hindi makakauwi sa Pilipinas ang kanyang bunsong kapatid na si Gwen Guck, sa ina na si Jaclyn Jose.


Malungkot na ipinahayag ni Andi Eigenmann na hindi makakauwi ang kanyang kapatid na si Gwen upang magbigay ng huling respeto sa kanilang ina dahil hindi umano ito pinayagan ng skwelahan.


Inaasahan ng marami na makakauwi na ngayong araw ang bunsong anak ni Jaclyn Jose, Mary Jane Guck sa totoong buhay, dahil ito na ang huling araw ng burol ng yumaong aktres.


Subalit, ikinadismaya ng ilan sa mga nagmamahal kay Jaclyn dahil inanunsyon na ni Andi na hindi makakarating ang kanyang kapatid dahil hindi ito pinayagan.


Hindi man sa mayroong paboritong anak si Jaclyn Jose dahil pareho naman umano ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga anak, subalit marami parin ang nakakapansin na tila mas mahal nito ang bunsong anak na si Gwen.


Ipinahayag rin umano ni Jaclyn Jose noon sa isang panayam na labis ang kanyang pagmamahal sa kanyang bunsong anak na si Gwen.


Sa kabilang banda, nagpapasalamat naman si Andi Eigenmann sa lahat ng mga hindi nakalimot sa kanyang ina na si Jaclyn Jose at inihayag niyang ikinasiya ng kanyang puso ang nakikita niyang pagmamahal ng mga ito sa kanyang ina.


Aminado rin naman siyang hindi siya nasorpresa sa dami ng mga nagmamahal sa kanyang ina dahil napakabuti nitong tao.


Patuloy pa ring nagdadalamhati ngayon ang industriya ng showbiz dahil sa biglaang pagpanaw ng isang batikan at kilalang aktres sa industriya ng showbiz.


Marami rin ang nagsasabi na isang kawalang ang pagkawala ni Jaclyn Jose dahil ang galing nito ay hindi basta-basta mapapalitan dahil God given ang talent nito sa pag-arte.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo