Detalye Sa Bagong Show Na Ipapalit Sa Tahanang Pinakamasaya, Pagbitaw Ng GMA Sa TAPE INC

Biyernes, Marso 8, 2024

/ by Lovely


 Detalye sa pagbibitaw ng GMA Network sa TAPE Incorporated at sa kanilang show na Tahanang Pinakasamaya. GMA Network, may napupusuan nang ipalit sa dating timeslot ng Tahanang Pinakamasaya.


Naglabas na ng opisyal na pahayag ang GMA Network nitong hwebes March 7, 2024 kung saan kinumpirma na nila na nagtapos na ang partnership nila ng TAPE Incorporated dahilan upang i-call off na nila ang pag-ere ng Tahanang Pinakamasaya.


Ayon sa naging pahayag ng GMA Network, dahil sa mga unavoidable circumtances, nakapaglabas ng isang mahirap na desisyon ang TAPE Incorporated kung saan ititigil na nila ang pag-eere ng kanilang show na Tahanang Pinakamasaya.


Nais din umanog pasalamatan ng GMA Network ang TAPE Incorporated dahil sa kanilang invaluable contribution sa noontime programming ng GMA sa mga nakaraang dekada na hinding-hindi umano malilimutan ng mga Pilipino sa mga taon pang darating.


Mananatili rin umanong grateful ang GMA Netework sa TAPE Inc. dahil sa kanilang partnership sa loob ng ilang mga dekada.


Nauna na rito, ang paglalabas ng TAPE Incorporated ng opisyal na pahayag patungkol pagkakatigil ng kanilang show. Kinumpirma ng TAPE Inc. sa nasabing opisyal na pahayag na simula March 8, 2024 ay epektibo na ang pag-call off nila sa airing ng Tahanang Pinakamasaya.


Ayon sa pahayag ng TAPE Inc, napakabuti umano ng GMA7 sa kanila dahil sa malaking konsiderasyon at pag-unawa nila sa kompanya. Subalit, dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari, nakapagdesisyon silang itigil na lamang ang kanilang show. Magmula March 8, 2024 ay hindi na ito mapapanood pa sa telebisyon.


Iginiit din ng TAPE Inc. na mutual decision nila at ng GMA7 ang pag-call off sa Tahanang Pinakamasaya sa kabila ng kanilang mga efforts na isalba pa ito.


Hindi naman kinalimutan ng TAPE Inc. na pasalamatan ang kanilang mga manonood na sumuporta umano sa kanilang show hanggang sa huling episode nito, mga advertisers at sa lahat ng mga bumuo sa Tahanang Pinakamasaya maging sa noong nag-umpisa pa lamang umano sila sa longest running TV show ng Pilipinas na Eat Bulaga.


Matatandaan na inilabas ng TAPE Inc. ang huling episode ng Tahanang Pinakamasaya noong March 2, 2024 kung ipinahayag ng live nina Paolo Contis at Isko Moreno ang kanilang pamamaalam.


Makikita naman ang pagiging emosyunal ng mga host sa huling episode na ito ng mga host ng show. Mula March 4 hanggang March 7 tanging mga replay episodes na lamang ang ipinapalabas ng show.


Samantala, ipinahayag naman ni Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk With Boy Abunda ang magiging estado ngayon ng airing time sa GMA7 kasunod ng pagkaka-call off sa Tahanang Pinakamasaya.


Ayon kay Boy Abunda na ang timeslot ng Tahanang Pinakamasaya sa tuwing tanghalian ay pansamantala munang papalitan ng mga sikat na pelikulang Pinoy.


Naging usap-usapan rin ngayon kung ano nga ba ang show na papalit sa Tahanang Pinakamasaya, may mga usap-usapan na ang papalit rito ay ang show ni Willie Revillame na Wowowin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo