"Sana Kayo Nalang" Ogie Diaz, Gusto Si Paulo Avelino Para Kay Kim Chiu.

Sabado, Pebrero 24, 2024

/ by Sparkle

 


Buhay na buhay ngayon ang kasikatan at tambalan nina Kim Chiu at Paulo Avelino na KimPau. Dahil sa kasikatan ngayon, maging ang mga sikat nilang kasamahan na artista sa showbiz industry ay kinikilig sa chemistry at sweetness ng dalawa sa isa't isa. 


Maging ang mga kilalang showbiz reporter ay gustong-gusto ang kanilang kumbinasyon. Sa isang episode ng showbiz update vlog ni Ogie Diaz, naging paksa dito ang sikat na bagong loveteam na KimPau. Gusto daw ni Ogie Diaz si Paulo Avelino para kay Kim Chiu pag nagkataon. 


Tila boto ito kay Paulo Avelino para kay Kim Chiu dahil karapat-dapat si Kim na mahalin muli matapos masaktan sa relasyon nila ni Xian. Ayon sa kanyang pahayag, hindi na siya magtataka kung magkatuluyan sina Kim at Paulo dahil very close ang dalawa. 


Inamin din ni Ogie na kinikilig din siya sa tambalan ng dalawa. Ikinumpara niya ito sa dating karelasyon ni Kim na si Xian Lim. Hindi daw niya gusto sina Kim at Xian. 


Hindi naman daw imposibleng magkatuluyan ang dalawa ngayong pareho na silang single at komportable at maayos ang pakikitungo sa isa't isa. 


Isa rin sa mga tagahanga ng tambalang KimPau ang showbiz columnist na si Cristy Fermin, na isa rin sa mga tagahatid ng pinakabagong tsismis sa mundo ng showbiz. 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo