Magkaibigan Lang! Paulo Avelino, Nilinaw Na Magkaibigan Lang Sila Ni Janine Gutierrez.

Sabado, Pebrero 24, 2024

/ by Sparkle

 


Tila may paglilinaw ang magaling na aktor na si Paulo Avelino hinggil sa totoong estado ng relasyon nila ng magaling na aktres na si Janine Gutierrez. 


Sa pinakabagong Facebook post ng aktor, ibinahagi niya ang isang art card mula sa Facebook page ng Cinema Bravo kung saan makikita sila ni Janine Gutierrez sa larawan na magkasama.


May nakasulat itong "Nakakatamad lumandi. Nagiging kaibigan lahat."


Pinag-uusapan ito ng fans nina Paulo Avelino, Janine Gutierrez at Kim Chiu dahil para sa kanila, nilinaw ng aktor na si Paulo na magkaibigan lang sila ng rumored girlfriend niyang si Janine Gutierrez. 




Ito ang nagpasaya sa mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino o mas kilala sa kanilang tandem na KimPau. Ayon sa KimPau fans, mukhang may something talaga sa dalawa at mukhang gumagawa ng paraan si Paulo para makuha ang puso ni Kim Chiu. 


Dahil sa kasweetang ibinahagi ng dalawa sa kanilang mga tagahanga, hindi maiiwasang isipin na mayroon na silang relasyon. Mukhang hindi para sa promosyon ng kanilang serye ang excitement ng dalawa dahil parang may ibang ibig sabihin ito. 


Samantala, narito ang ilan sa mga komento at reaksyon ng mga netizens kaugnay sa Facebook post ni Paulo. 


"Dami po meaning kaibigan na friend, pwede din po lovers kai-bigan"


"KimPau talaga ang daming fans, sobra, grabe talaga may magic talaga sila... ang galing talaga ng loveteam na to, road to forever na, KimPau ever"


@iloveview_randompost KIMPAU x PAUNINE #kimpau #paunine #kimchiu #pauloavelino #janineguttierez ♬ original sound - iloveview

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo