Kathryn Bernardo May Bagong Pag-Ibig! Dahilan Ng Mabilis Na Pagmo-Move on Ni Kathryn

Martes, Pebrero 27, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng talakayan nina Manay Cristy Fermin sa kamakailang episode ng kanyang showbiz oriented vlog ang patungkol sa aktres na si Kathryn Bernardo na kasalukuyang nagbabakasyon sa Australia.


Ayon kay Cristy Fermin, may posibilidad na magtatagal sa Australia ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo dahil makikita naman umano sa mga dala nitong mga bagahe.


Nakarating umano kay Cristy Fermin ang napakaraming bagahe na dala si Kathryn noong nagpunta ito sa Australia para makapanood ng Eras Tour ng international singer-song writer na si Taylor Swift.


Maging ang mga fans ng aktres na si Kathryn Bernardo ay nangangamba rin na baka matagalan pa umano ang aktres na makabalik sa bansa. Hinala naman ni Cristy Fermin na bukod sa panonood ng concert ni Taylor Swift sa Australia ay may gagawin ring commercial roon si Kathryn.


Marami naman ang nagsasabi na wala namang mali kung sakaling magtagal pa si Kathryn Bernardo sa Australia dahil deserve rin naman nito ang magbakasyon at lumayo muna sa magulong mundo ng showbiz sa bansa.


Makakatulong rin umano para sa pagmomove on ni Kathryn Bernardo mula sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla ang pagpunta sa mga lugar na hindi pamilyar sa kanilang dalawa.


Nauna na rito, nagviral sa social media ang video ni Kathryn Bernardo habang nasa concert ni Taylor Swift. Makikita sa nasabing video ang pagsabay ni Kathryn Bernardo sa mga hit songs ni Taylor Swift.


Matatandaan na noong November 30, 2023 hayagang inamin ni Kathryn Bernardo ang kanilang paghihiwalay ni Daniel Padilla, wala namang binanggit na dahilan si Kathryn sa kung paano nila napagdesisyunan na maghiwalay na lamang at kung ano ang rason nito.


Iginiit naman ni Kathryn Bernardo sa kanyang pahayag na nag-umpisa sa respect ang kanilang relasyon at nagtapos rin umano ito sa respect.


May mga naghinala pa na baka roon makahanap ng panibagong pag-ibig si Kathryn Bernardo upang tuluyan na niyang makalimutan ang kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo