Kris Aquino Inamin Kay Boy Abunda Na 6 Months Nalang! Tito Boy Nanlumo Sa Kalungkutan

Miyerkules, Pebrero 14, 2024

/ by Lovely


 Ikinalungkot ng maraming mga tagahanga at nagmamahal kay Kris Aquino ang panibagong update nito patungkol sa kanyang kalusugan. Marami ang hindi makapaniwala na ganito pala kahirap ang pinagdadaanan ngayon ni Kris.


Nitong February 14, 2024 kasabay ng pagdiriwang sa Araw ng mga Puso, ipinagdidiriwang din ng dating actress-host na si Kris Aquino ang kanyang ika-53 na kaarawan.


Subalit tila hindi masaya ang araw na ito para sa mga taong malapit at nagmamahal kay Kris Aquino dahil sa mga isiniwalat niya sa pag-uusap nila ni Boy Abunda na nais rin niyang malaman ng lahat.


Ayon kay Kris Aquino, pinili niyang ibahagi sa lahat ang kanyang mensahe sa pamamagitan ni Boy Abunda dahil nais niyang maintindihan ng lahat ang kanyang mga dinaramdam ngayon patungkol sa kanyang kalusugan.


Inilahad rin ni Kris Aquino na pakiramdam niya ay obligasyon niyang ipaalam sa libo-libong nagmamahal sa kanya at nagdarasal para sa kanyang kalagayan ang totoong nangyayari sa kanyang katawan ngayon matapos ang mahaba niyang pagkikipaglaban sa kanyang mga sakit.


Ayon sa pagkukwento ni Kris Aquino, hindi na maganda ang kanyang kalagayan sa ngayon dahil hindi umano bumubuti ang kanyang mga kalagayan sa katunayan ay lalo pa umano itong lumalala sa ngayon.


Sa katunayan ay nadagdagan pa umano ngayon ang kanyang autoimmune diseases. Inamin rin ni Kris Aquino na naapektuhan na ang kanyang puso at maaring anumang oras ay mastrok siya o di kaya ay ma-cardiac arrest.


Magiging mapanganib na rin umano para sa kanya ang darating na anim na buwan dahil may susubukan ang mga doktor na panibagong gamot sa kanya na bihira lamang na ibinibigay sa mga pasyente.


Sa pagkakataon umanong ito ay maaring hindi na siya magising at tuluyan ng mamaalam sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya. Sa ngayon ay patuloy paring humihiling ng panalangin si Kris Aquino sa lahat ng mga nagmamahal sa kanya.


Ipinahayag rin niya na kailanman ay hindi siya susuko sa mga karamdaman niya alang-alang sa kanyang mga mahal sa buhay at mga anak.


Inihayag pa niyang hindi pa siya handang mawala sa mundo dahil may mga pangako pa siya sa kanyang mga anak at kailangang-kailangan pa siya ng mga ito.


Ayon sa pagbabahagi ni Kris Aquino na sa darating na lunes ay may susubukang gamot sa kanya na kung sakaling hindi makayanan ng kanyang katawan ay maari siyang mawala sa mundo.


Kung sakali namang makayanan niya ang baby dose na ibibigay sa kanya sa darating na lunes ay kailangan pa niya ng tatlong dose ng mga ito. Bukod pa rito, sa darating na lunes kapag nabigyan na siya ng dose ay mawawalan na siya ng immunity at maari na siyang dapuan ng iba't-ibang mga sakit.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo