Kim Chiu Naiyak Sa Usapang Move on

Huwebes, Pebrero 15, 2024

/ by Lovely


 Hindi napigilan ng actress-TV Host na si Kim Chiu ang maging emosyunal sa usaping pagmomove-on mula sa isang hiwalayan ng taong dating minamahal.


Ipinahayag na lamang ni Kim Chiu na anuman ang mangyayari sa buhay ng isang tao ay itinakdang mangyari ng panginoon. Inilabas ito ni Kim Chiu sa naging episode ng Expecially For You.


Sa nasabing episode ng It's Showtime, ang babaeng searcher ay si Fe, siya ay iniwan at pinagtaksilan ng asawa para sa ibang babae. Nagkahiwalay sila subalit nagkabalikan matapos ang pitong taon.


Ayon kay Fe, nakipagbalikan siya sa kanyang asawa dahil sa kanilang mga anak at totoong mahal pa rin niya ito. Samantala, naniniwala naman umano si Fe na kaya sila nagkahiwalay noon ng kanyang mister ay upang maging mas matatag na siya sa ikalawang pagkakataon.


Umantig naman ang kwento ng buhay ni Fe sa ilang mga host at lalong-lalo na kay Kim Chiu na kamakailan lamang ay dumaan rin sa isang hiwalayan mula sa mahabang relasyon.


Dito na nagsalita si Vice Ganda sa sakit at hirap ng isang tao habang nasa moving on stage ito dahil sa pag-iwan ng taong minamahal. Nagbigay naman ng komento si Kim Chiu kung saan makikita ang paghihirap sa mukha ng aktres.


Tumutulo nang luha na pahayag ni Kim Chiu na mas nagiging madali ang pagmomove on ng isang tao kung tatanggapin niya na ang lahat ng bagay ay nakatakdang mangyari.


Naniniwala rin umano ang aktres na lahat ng mga nangyayari sa buhay ay nakatakda na bago paman ipinanganak ang isang tao. Kaya naman ang tanging magagawa na lamang ay tanggapin ang tinadhana.


Daahil sa pagiging emosyunal ni Kim Chiu sa usaping moving on, marami ang naghinala na hindi pa nito tuluyang nalilimutan ang nangyaring hiwalayan nila ni Xian Lim.


Tila labis pa ring naapektuhan si Kim Chiu sa nangyari sa kanila ni Xian Lim matapos ang 12 years nilang relasyon.


Matatandaan na ayon sa mga usap-usapan noon na hindi naman third party ang dahilan ng hiwalayan nina Xian Lim at Kim Chiu kundi ang kawalan umano ni Xian Lim ng plano na pakasalan si Kim Chiu.


Bukod pa rito kumakalat rin ang isyung kung saan sinasabing hindi naging maganda ang pagtanggap ng mga kapamilya ni Kim Chiu kay Xian Lim.


Sa kabilang banda, tila nagdadalawang-isip naman ngayon ang mga netizens kung hindi nga ba third party ang dahilan ng kanilang hiwalayan subalit, dahil sa pagkalat ng mga larawan ngayon ni Xian Lim at Iris Lee marami ang naghinala na may namamagitan na sa mga ito bago pa man naghiwalay sina Kim Chiu at Xian Lim.



@abscbn HUGS, KIM! 🥺😢 >:D< #ABSCBN #Kapamilya #ItsShowtime ♬ original sound - ABS-CBN

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo