Cristy Fermin PINANGALANAN NA ang Pulitikong Sugar Daddy ni Dominic Roque

Lunes, Pebrero 12, 2024

/ by Lovely


 Pinangalanan na ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin kung sino ang pulitiko na tinutukoy niya bilang sugar daddy ng actor-model na si Dominic Roque na totoong nagmamay-ari ng tinitirhan nitong luxury condo unit.


Matatandaan na hindi pinapangalanan noon ni Cristy Fermin ang tinutukoy niyang maimpluwensyang pulitiko na boss ni Dominic Roque tanging mga clue lamang ang ibinibigay nito upang kahit paano ay magkaroon ng idea ang mga tao sa kung sino ang kanyang tinutukoy.


Nauna na ring naibalita na may mga senador pa na nagpadala sa kanya ng mensahe upang malaman kung sino ang kanyang tinutukoy na pulitiko upang mapaimbistigahan ng mga ito ang isyu.


Ayon kay Cristy Fermin, hindi pa niya maaring isapubliko ang balitang ito dahil kailangan pa niyang kumpirmahain kung totoo nga ba ang isyung ito o gawagawa lamang ng mga taong galit kay Dominic Roque dahil sa failed relationship nila ni Bea Alonzo.


Sa kamakailang episode ng programa ni Cristy Fermin, isiniwalat niya na isang Congressman Joey ang siyang nagpapatira kay Dominic Roque sa isang mamahaling condo unit.


Nauna na ring naiulat na isa sa mga dahilan ng paghihiwalay nina Dominic Roque at Bea Alonzo ay dahil sa usaping pera. Ayon sa mga kumakalat na balita, nagsimula na umanong kwestiyunin ng pamilya ni Bea Alonzo ang pinagmumulan ng pera ni Dominic Roque nang may mga natuklasan silang ilang mga bagay patungkol sa aktor.


Samantala, isiniwalat din ni Cristy Fermin na bukod sa condo na tinitirhan ni Dominic Roque ngayon ang sinasabi rin niyang Congressman Joey ang totoong nagmamay-ari sa negosyong gasolinahan ni Dominic Roque.


Dahil sa pagsisiwalat na ito ni Cristy Fermin, marami ang naghinala na ang tinutukoy niyang Congressman Joey ay walang iba kundi ang congressman sa 2nd Distict ng Albay na si Congressman Joey Salceda.


Matatandaan na sa isang live isiniwalat ng isa pang marites na si Xian Gaza na pinapaimbestigahan umano ng kampo ni Bea Alonzo ang pinagmulan ng yaman ni Dominic Roque.


Dahil sa mga natuklasan ni Bea Alonzo sa totoong pagkatao ni Dominic Roque kaya hiniwalayan niya ito. Ayon pa kay Xian Gaza na karamihan sa mga tinatamasa ngayon ng aktor na karangyaan sa buhay ay hindi naman pinaghirapan ni Dominic Roque kundi ibinigay lamang sa kanya ng kanyang sugar daddy.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo