Apektado Ang Kalusugan! Daniel Padilla, Walang Maayos Na Tulog!

Martes, Pebrero 13, 2024

/ by Sparkle

 


Dahil sa patuloy na pananahimik ni Daniel Padilla, tila lumalala ang kanyang imahe at tila hindi ito nakakatulong sa kanyang career at maging sa kanyang kalusugan ngayon.


Sa kanyang patuloy na pananahimik, tila lalong lumalala ang mga akusasyon at batikos ng mga netizens. Matatandaan din na ilan sa mga ini-endorse nitong produkto ay kumawala na sa kanya. Ang iba dito ay sa malalaking kumpanya.


Ibig sabihin, apektado din ang trabaho niya. May mga patuloy pa ring naniniwala kay Daniel Padilla at sumusuporta sa kanya at nakikiramay sa mga problemang kinakaharap niya ngayon. 


Ipinagtanggol pa nga ng ilan na tao rin si Daniel at nagkakamali. Masyado na raw siyang madaming natatanggap na batikos at naapektuhan ang kanyang kalusugan.


Hindi raw makatulog ng maayos ang aktor dahil sa mga akusasyon sa kanya. Nitong nakaraang araw lang ay namataan ang aktor na pumunta sa Siargao kasama ang kanyang kapatid para magpahinga at mag-isip.


Gayunpaman, kahit nag-eenjoy siya ay bakas pa rin sa mga mata niya ang lungkot at tila may dinadala siyang problema. Marami rin ang natutuwa na makitang nag-eenjoy si Daniel at nagbibigay ng oras sa sarili.


@reginecanlas20 Hinahanap hanap kita - Daniel Padilla #siargao #danielpadilla ♬ original sound - RegineCanlas

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo