Richard Gutierrez Nabuking Ang Totoong Ugali Kapag Nakainom Ng Alak

Huwebes, Disyembre 28, 2023

/ by Lovely

Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa social media ang hiwalayan ng celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez matapos ang ilang taon ng kanilang pagsasama.


Sa isang episode ng YouTube vlog nina Manay Cristy Fermin, isiniwalat niya na nakarating umano sa kanila ang isyu ng pambubugbog umano ni Richard Gutierrez sa kanyang asawa na si Sarah Lahbati na naging sanhi ng kanilang paghihiwalay.


Ayon kay Cristy Fermin, nakarating umano sa kanila mula sa isang source na binubugbog umano nitong si Richard Gutierrez ang kanyang asawa na si Sarah sa tuwing nalalasing ito.


May pagkakataon pa umano na tumakbo si Sarah at humingi ng tulong sa kapitbahay nilang sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.


Gayunpaman, ipinahayag ni Cristy Fermin na hindi naman kapani-paniwala ang chika nito dahil kailanman ay hindi pa siya binastos ni Richard Gutierrez kahit pa ilang beses niyang binatikos ang ina nitong si Annabelle Rama.


Humantong pa umano sila noon sa kasuhan ng libel pero hindi umano siya binastos ng mga anak nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez dahil mababait ang mga ito.


Ayon pa kay Cristy Fermin na si Richard Gutierrez pa ang itinuturing niyang pinakamabait sa lahat ng mga anak nina Annabelle at Eddie kaya naman nakakapanghinayang kung sakali totoo ang isyu rito na nag-iiba ang ugali kapag nalalasing.


Ito umano ang dahilan kung bakit umayaw na si Sarah Lahbati kay Richard dahil natatakot na ang aktres na muling masaktan ng asawa. Hinimok na rin umano ng mga magulang ni Sarah Lahbati ang kanilang anak na tuluyan nang iwan si Richard dahil dito.


Samantala, upang maging malinaw ang isyu, kinapanayam ni Cristy Fermin ang kapitbahay nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na si Derek Ramsay, kung saan sinasabing tumakbo si Sarah dahil sinasaktan siya ni Richard Gutierrez.


Ayon naman sa paglilinaw ni Derek Ramsay walang katotohan na nagpunta sa kanilang bahay si Sarah Lahbati ng duguan dahil sa pananakit ni Richard Gutierrez. Subalit, totoong bumibisita sa kanila si Sarah dahil magkaibigan sila ng kanyang misis na si Ellen Adarna.


 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo