Madam Inutz, Matagal Nang Tinapos Ang 'Friendship' Kay Herlene Budol

Biyernes, Disyembre 29, 2023

/ by Lovely


 Naging palaisipan ngayon sa mga netizens ang sunod-sunod na patutsada ni Daisy Cabantog na mas kilala sa tawag na Madam Inutz sa isang personalidad na hindi naman niya pinangalanan.


Sa kabila nito, marami naman ang naghinala na ang pinapatutsadahan nito ay walang iba kundi ang comedian actress na si Herlene Budol.


Sa isang Facebook post, naglabas ng isang cryptic post si Madam Inutz, kung saan sinabi niyang nagugutom siya at gusto niyang pakainin. 


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na nadawit sa isang kontrobersiya si Herlene Budol ng kumalat ang private conversation nila ni Rob Gomez, lalo na ang palitan nila ng mensahe patungkol sa 'gutom' at kain.


Samantala, may isang netizen na nagkomento kung saan ipinunto nitong hindi niya nagustuhan ang pagpopost na ito ni Madam Inutz dahil magkaibigan naman umano sila ni Herlene Budol. Hindi umano maganda na siya pa mismo ang magdo-down sa kanyang kaibigan. Lahat naman umano nagkakamali at alam din niya na maging si Madam Inutz ay kumapit na rin sa patalim noon.


Hiling din ng netizens na sana ay huwag umanong kalabitin ni Lord si Madam Inutz at bumalik ito sa dating buhay noon kung saan walang-wala rin ito. May mga nagpahayag pa ng pagkadismaya kay Madam Inutz dahil sa pagbatikos nito sa sariling kaibigan sa social media.


Sa kabila nito, muling nagpost ng cryptic message si Madam Inutz, kung saan ipinahayag niya na kaya dumarami ang mga makasalanan ngayon ay dahil sa may mga kaibigan na kunsintidor na palaging ginagawang palusot ang pagiging tao lang. Iginiit din ni Madam Inutz na hindi siya kabilang sa mga kaibigang ito.


Samantala, sa isang live selling ni Madam Inutz, niresbakan nito ang mga nambabatikos sa kanya dahil sa mga post niya sa kanyang social media account. Iginiit din ni Madam Inutz na matagal nang nagtapos ang kanilang pagkakaibigan ng taong tinutukoy niya sa kanyang mga Facebook post.


Dagdag pa ni Madam Inutz na noon pa man ay ipinahayag na niyang nagtapos na ang kanilang pagkakaibigan at ayaw na niyang makipagplastikan pa rito.


Sinabi rin ni Madam Inutz na alam niyang darating din ang panahon na mabubunyag din ang lahat ng katotohanan. Ayaw lamang umano niyang sa kanya manggaling ang lahat.


Nagbigay din siya ng payo sa mga netizens na mahilig mag-idolo ng mga artista na bago idolohin ang isang tao, tingnan na muna kung perpekto ba ito. Kapag may iniidolo umano ay alamin, siguraduhin muna kung maganda ba ang ugali nito.


Naglabas pa ng realtalk si Madam Inutz, na hindi lahat ng maganda ay maganda rin ang ugali at mabait.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo