Daniel Padilla Tinawag Na Hambog Ng Netizens, Pagiging Box Office King Ni Alden Hindi Tanggap Ni DJ?

Biyernes, Disyembre 29, 2023

/ by Lovely


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang controversial actor na si Daniel Padilla matapos mag-viral muli sa social media ang naging panayam nito noon kung saan tila hindi umano nito matanggap na ang pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ang naging highest grossing film ng Pilipinas.


Tila hindi umano matanggap ni Daniel Padilla na nai-pair ang kanyang kaloveteam na si Kathryn Bernardo sa isang magaling na actor, na naging dahilan upang manguna ang pelikulang ng mga ito na Hello, Love Goodbye.


Hindi umano matanggap ni Daniel Padilla na mauungusan siya ni Alden Richards bilang Box Office King kaya naman iginiit nito na mas marami naman siyang box office kaysa kay Alden Richards.


Samantala, may nakapansin naman sa naging recent interview kay Alden Richards nitong December 29, na hindi man lang nito tinanggap ang titulo bilang box office king dahil nais niyang ang tao na lamang ang bahala kung sino ang ituturing bilang Box Office King.


Ayon sa mga netizen na kabaliktaran ang mga pahayag nina Daniel Padilla at Alden Richards, dahil napaka humble umano ng naging pahayag ni Alden kaysa sa pagiging hambog naman ni Daniel Padilla noon.


Sa kabilang banda, may mga naghinala naman na baka totoo umano ang naging isyu noon na kaya hindi nagkaroon ng part 2 ang pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love Goodbye sa kabila ng tagumpay nito sa takilya ay dahil sa pagpigil ni Daniel Padilla.


May mga haka-haka na hindi na umano pumayag si Daniel Padilla na maipareha ang kanyang noo'y girlfriend at ka-loveteam nito na si Kathryn Bernardo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo