Kim Chiu Emosyunal Sa Christmas Party Dahil Hindi Sinipot Ni Xian Lim

Huwebes, Disyembre 21, 2023

/ by Lovely


 Naging emosyunal ang actress-host na si Kim Chiu sa inorganisa niyang annual Christmas party sa bahay niya sa Quezon City noong linggo.


Dumalo sa nasabing event ang ilang malalapit na kaibigan ni Kim Chiu, kamag-anak at ilang staff ng Star Magic. Naroon din ang mga kasamahan niya sa mga programang kinabibilangan, katulad na lamang sa It's Showtime, Linlang at What's Wrong With Secretary Kim.


Bukod sa mga inihandang pagkain ni Kim Chiu, may mga paraffle din siya sa mga dumalong bisita. 


Wala rin sa nasabing event ang nobyo ni Kim Chiu na si Xian Lim na lalong nagpalakas sa hinala ng mga fans na naghiwalay na nga ang dalawa. Bukod pa rito kapansin-pansin na namumugto ang mga mata ni Kim Chiu na tila ba galing ito sa labis na pag-iyak.


Sa kabila nito, masaya pa ring sinalubong ni Kim Chiu at inentertain ang mga taong dumalo sa kanyang inihandang Christmas Party.


Nagpapasalamat naman si Kim Chiu sa mga taong dumalo at naglaan ng oras para sa kanyang event. Nanalo man umano o natalo ang mas mahalaga pagkatapos ng araw ay masaya pa rin ang lahat at iyon naman umano ang mas mahalaga.


Naging emosyunal pa ang aktres sa pagsasabi niya kung gaano niya minahal ang mga taong naroon dahil naging bahagi ang mga ito sa kanyang 2023.


Sa kabilang banda, hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may pinagdadaanan ngayon ang aktres na si Kim Chiu, dala ng paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim bagama't hindi pa nila ito kinumpirma sa lahat.


Sa ngayon ay kapansin-pansin ang kalungkutan ni Kim Chiu na pilit niyang tinatakpan ng matatamis na ngiti, hindi man nito maamin, alam ng lahat na labis itong nasasaktan dahil lumalabas na parang wala lang kay Xian Lim ang 12 years nilang relasyon na inakala ng lahat na sa kasalan mauuwi.




( Hide )
  1. Grabe c XianLim parang wlang KimChiu dumating sa buhay nya...what's wrong with you XianLim??? At cno c IrishLee sa buhay mo? At nabura c MsKimChiu sa 12yrs nio pinagsamahan parang bulang nawash away sa puso at utak mo???

    TumugonBurahin

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo