Vice Ganda Binuking Ang Tampuhan Ni Kim Chiu at Xian Liam Sa It's Showtime

Biyernes, Nobyembre 3, 2023

/ by Lovely


 Laman ng mga usap-usapan ngayon sa social media at ilang mga entertainment news sites ang kamakailang episode ng It's Showtime kung saan napag-usapan nina Vice Ganda, Tiyang Amy at Kim Chiu ang kani-kanilang lovelife.


Sa segment na Tawag ng Tanghalan, tinanong ni Vice Ganda si Kim Chiu kung sino ang nagpapasaya sa kanya ngayon. Kinilig naman si Kim Chiu at namula kaya naman muli siyang tinanong ni Vice Ganda.


Sinagot naman ito ni Kim Chiu kung saan sinabi niyang ang kanyang pamilya at mga relatives.


Napapatanong naman ang ilang mga KimXi fans kung bakit hindi kasama sa binanggit ni Kim Chiu ang kanyang boyfriend na si Xian Lim.


Gayunpaman, may ilang mga netizens ang naniniwalang kasalukuyang low key ang relasyon ng dalawa ngayon dahil sa kani-kanilang mga proyekto.


Subalit, hindi nagpatinag si Vice Ganda at muling tinanong si Kim Chiu.


"Kulang ka kung walang ___?" tanong ni Vice Ganda kay Kim.


Sinagot naman ito ni Kim ng 'usap'. Sa muling pagtatanong ni Vice Ganda kay Kim Chiu kung sino ang suto niyang kausapin, ipinahayag ng aktres na marami siyang gustong kausapin kabilang na si Xi na naging malamlam ang mata.


Dahil dito, marami ang naghinalang totoong may pinagdadaanan ngayon ang celebrity couple. Hindi rin nakaligtas sa mga netizens ang pag-iba ni Vice Ganda sa kanilang topic.


Matatandaan na noon pa man ay iniisyu nang maghindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Xian Lim at Kim Chiu nang hindi nakasama ng aktres sa ABS-CBN's Ball si Xian Lim.


Bagama't nilinaw naman ni Kim Chiu na nagpaalam sa kanya ang nobyo marami pa rin ang hindi kumbinsido dahil hindi na namamataang magkasama ang dalawa.


Maging sa kani-kanilang mga social media post ay hindi na nila tinatag ang isa't-isa.


Sa kabilang banda, marami naman ang naniniwalang walang problema ang dalawa at tanging trabaho ang dahilan kung bakit hindi na sila namamataan pang magkasama.


Sa ngayon ay umiere ang seryeng Linlang, na pinagbibidahan ni Kim Chiu samantalang may proyekto naman si Xian Lim sa GMA7 kung saan kasama niya si Jennylyn Mercado.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo