Anabelle Rama Damay Sa Hiwalayan Isyu Nina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati

Huwebes, Nobyembre 2, 2023

/ by Lovely


 Kumakalat ngayon sa social media ang mga haka-hakang naghiwalay ang mag-asawang Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.


Nag-ugat ang mga intrigang ito nang mapansin ng mga netizens na hindi na nagpopost ang dalawa na magkasama. Huling namataan na magkasama ang dalawa noong kasal nina Maja Salvador at Rambo Nunez, ilang buwan na ang nakakalipas.


Naging big deal sa ilang mga netizens ang hindi pagpopost nila ng magkasama dahil nasanay ang kanilang mga followers sa mga sweet moments nila.


Marami sa kanilang mga fans ang hayagan nang nagtanong kung may hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila, subalit nanatiling tikom ang bibig ng dalawa.


Samantala sa gitna ng isyung ito nadamay na ang ina ni Richard Guiterrez na si Anabelle Rama, may mga netizens kasi na ibinabato ang sisi sa ina ni Richard dahil sa pakikialam umano nito sa pagsasama ng mag-asawa.  


Marami naman ang nanghihinayang kung sakaling totoo ang paghihiwalay ng mag-asawa, dahil makikita naman sa pagsasama noon ng dalawa na mahal na mahal nila ang isa't-isa.


Matatandaan na si Richard ang first bf ni Sarah, at alam ng marami kung gaano nito kamahal ang aktor. Hindi rin naman nagkulang sa pagpapakita ng pagmamahal si Richards sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanyang asawa at mga anak. 


Sa katunayan, noong nakalock-in taping sa Ang Probinsyano si Richard ay isinama niya ang kanyang buong pamilya.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo