Abegail Rait, Humingi Ng Paumanhin Sa Pamilya Magalona

Biyernes, Nobyembre 3, 2023

/ by Lovely


Naglabas ng opisyal na pahayag si Abegail Rait tungkol sa kontrobersyang sinimulan niya matapos ang kanyang pagsisiwalat na isa siyang babae ng yumaong rapper na si Francis Magalona.


Sa kanyang pagsasalaysay, humingi ng paumanhin si Abegail sa pamilya ni Francis Magalona. Iginiit din niyang hindi niya ipinagmamalaki ang kanyang pagiging other woman sa kanyang paglabas sa ‘Pinoy Pawnstars,’ kung saan ikinuwento niya kung paano sila nagkakilala ni Francis Magalona.


Bukod sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Francis Magalona, isiniwalat din niya na mayroon silang anak na babae na mismong si Francis pa ang nagbigay ng pangalang Gaile Francesca mula sa kanilang mga pangalan.


“Sa lahat po ng nasaktan, sa pamilya po ni Kiko, humihingi po ako ng dispensa sa lahat ng kaguluhang ‘to. Hindi ko po pinagmamalaki ang naging pagkakasala ko pero tao lang po ako. Hindi ako perpekto. ‘Di po ako magpe-pretend ng kung anu-ano,” saad ni Abegail Rait.


Muli ring iginiit ni  Abegail Rait na alam niya ang katayuan niya sa buhay ni Francis Magalona. 


Hiniling rin niya na huwag siyang husgahan ng mga taong wala namang alam sa totoong nangyari sa relasyon nila noon ni Francis Magalona.


“Kung mali man po ang paglantad naming mag-ina, I’m sorry. Hindi n’yo ako kailangang husgahan… Hindi ako maalam sa batas pero ang tanong ko po, ang hindi alam ng nakararami, na nung nagkarelasyon kami ni Kiko, hanggang sa mamatay siya, alam ko kung ano ang estado ko sa buhay niya.


Ayon sa kay Abegail Rait, buntis na siya nang ma-diagnose si Francis Magalona na may Leukemia, subalit mas pinili niyang hayaang tumira ang Master Rapper sa bahay nila ni Pia Magalona bilang paggalang kay Pia.


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang pamilya ni Francis Magalona sa naging pagsisiwalat ni Abegail mula pa man noong lumantad sila ng kanyang sa Pinoy Pawnstar.


Samantala, may mga netizens pa rin na patuloy na binabatikos ngayon si Abegail Rait dahil sa kanyang pandadamay umano sa taong matagal nang namayapa para lamang makapasok sa showbiz ang anak.


"Humingi ka po ng tawad sa pamilya pero dinagdagan mo lang ang tsismis. If you were on Pias shoes and anak mo yung mga anak nila, would you like them to go through this kind of situation?


"Any man can say things about their current relationship to please the “bago”. Dapat inisip mo yung nga taong masasaktan at tahimik ang buhay nila bago ka pa lumabas. You’re affected about the bashers sa anak mo but you caused it po. You’re an adult to know ikaw ang dahilan na nababash kayo ng anak mo."


Sa kabilang banda, may mga naniniwala naman at sumusuporta kay Abegail at naniniwalang ginawa lamang ito ng ina para sa karapatan ng anak na makilala rin bilang anak ng yumaong Master Rapper.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo