Vice Ganda Hinamon Si Mtrcb Lala Sotto Sa Gandang Gabi Vice!

Lunes, Oktubre 23, 2023

/ by Lovely


Kung si Vice Ganda lamang ang tatanungin nais niyang maging guest sa isa kanyang show na Gandang Gabi Vice ang MTRCB chairperson na si Lala Sotto Antonio.


Isiniwalat ito ni Vice Ganda sa kanyang tweet bilang sagot sa isang netizen na nagtatanong kung sakaling makabalik ang kanyang show na Gandang Gabi Vice, sino ang kanyang magiging unang guest.


Naging pabiro naman ang naging sagot ni Vice Ganda kung saan sinabi niyang si Lala Sotto ang nais niyang maging guest.


Sa kabilang banda, nagpapasalamat naman si Vice Ganda sa kanyang mga fans na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimot sa kanyang show.


"Super nakaka-happy na kahit ilang years nang hindi umiire GGV, bukambibig pa rin ito ng madami. I'm so blessed to have three programs na kinakapitan talaga ng mga tao, It's Showtime, GGV at Everybody Sing. Thank you ABS-CBN."


Matatandaan na mahigit tatlong taon nang tumigil sa pag-ere ang late night talk show ni Vice Ganda na GGV. Noong     March 2020, bago ang lockdown ipinalabas ang huling episode nito.


Samantala, nito lamang nakaraang linggo sinagot ni Vice Ganda ang mga tweets ng kanyang mga fans na namimiss na ang kanyang show na GGV.


Tila pinapahiwatig ni Vice Ganda na may posibilidad talaga na ibalik ng ABS-CBN ang nasabing show dahil na rin sa demand ng mga manonood.


Gayunpaman, ipinahayag din ni Vice Ganda na sa ngayon ay hindi pa talaga maaring ibalik ang GGV dahil hindi na kakayanin pa ng kanyang oras ang tatlong programa.


Isa pa sa naging dahilan ni Vice Ganda ay ang paulit-ulit na guest ng GGV.


Subalit ngayon nauso na ang mga collabs maari na umano niyang bigyan ng konsiderasyon ang pagbabalik ng show.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo