Kim Chiu Mi Nura Ni Darren Espanto Dahil Kay Juliana

Lunes, Oktubre 23, 2023

/ by Lovely


 Ibinunyag ng singer-actor na si Darren Espanto ang kanyang reaction sa karakter ni Kim Chiu sa teleseryeng Linlang na si Juliana.


Ayon kay Darren Espanto, ilang beses niyang minura si Kim Chiu dahil sa mapaglinlang nitong karakter sa teleseryeng Linlang.


Maging si Darren Espanto na isa sa mga malalapit na kaibigan ni Kim ay hindi mapigil ang pagkabanas sa panibagong karakter nito na malayo sa mga ginagampanang role ng aktres dati.


Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Kim Chiu sa isang social media post ang private message sa kanya ni Darren, kung saan ipinahayag ng huli ang kanyang gigil sa karakter ni Kim Chiu sa nasabing teleserye.


Panimulang chat ni Darren kay Kim Chiu, "Sorry ha pero ilang beses kitang minura sa panonood ko ng Linlang."


Tinawanan lamang ito ni Kim Chiu at sinabing, "I love it bestie", na ang tinutukoy ay ang pagsuporta ni Darren sa kanyang teleserye.


Pabiro namang sumagot si Darren at sinabing huwag umanong mag 'I love it' si Kim gayung gigil na gigil siya rito.


Marami naman sa mga netizens ang napareact at sinabing ito rin ang nararamdaman nila sa tuwing pinapanood nila ang nasabing teleserye ni Kim Chiu.


Marami rin kasi ang naninibago sa ginampanang genre ngayon ni Kim na malayo sa mga dati niyang ginagampanan noon.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo