Leren Mae Bautista Nilinaw Na Ang Totoong Relasyon Nila Ni Ricci Rivero

Lunes, Hunyo 12, 2023

/ by Lovely


 Nilinaw na ng beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista ang isyung may romantic relationship sila ng basketball player na si Ricci Rivero.


Naging mainit na usapin sa social media ang biglaang paglalabas ng official statement ni Ricci Rivero sa social media kung saan tahasan niyang inamin ang hiwalayan nila inprivate ng kanyang jowa na si Andrea Brillantes.


Kasunod nito naglabasan ang mga haka-haka na ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa ay ang pagkakaroon ng relasyon nina Ricci at Leren Mae.


Kumakalat rin ang mga larawan na kuha sa mismong kaarawan ni Ricci Rivero kung saan si Leren Mae Bautista ang kanyang kasa-kasama. May isang video clip pang ibinahagi si Leren Mae kung saan binabati niya si Ricci. Subalit, agad din niya itong binura kalaunan.


Marami rin sa mga netizens ang nakapansin na palaging nila-like ni Ricci ang mga post nito.


Kaya naman si Leren Mae Bautista ang sinisisi at itinuturong third party sa hiwalayan nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes.


Gayunpaman, naglabas na ng opisyal na pahayag ang kampo ni Leren Mae at nilinaw nilang walang namamagitan sa dalawa. 


Nilinaw din nila na ang dahilan kung bakit binura ni Leren Mae ang ibinahagi niyang video clip noong kaarawan ni Ricci ay upang makaiwas sa mga malisyosong mata ng mga bashers at netizens.


Hiling din nila na maging  mapanuri ang lahat sa mga naglabasang balita hinggil sa relasyon nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes.


"Official statement of Office of Councilor Leren Mae Bautista regarding her alleged romantic involvement with basketball player Ricci Rivero. The Office Of Councilor Leren Mae Bautista wants to make it clear that these claims are entirely false and have no basis in reality.


"We call on everyone to do the importance of fact-checking information shared across various internet platforms."


Narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens.


"naku pagsasawaan ka lang naman din ni ricci rivero siguro patago ung relasyon nila"


"Ayaw na siguro Ng maraming drama sa Buhay ni guy😁, gusto kasi ni girl laging may eksena na gagawin ung guy, para pag usapan Sila"


"AS LONG AS YOU'RE HAPPY, WHO CARES?

- by: Naturingang public servant akala mo mauubusan ng lalake now denies."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo