Andrea Brillantes Umayaw Na Sa Bola

Lunes, Hunyo 12, 2023

/ by Lovely


 Viral at mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang usapan nina Vice Ganda at Andrea Brillantes sa naging guesting ng huli sa It's Showtime.


Nitong independence day, naging guest si Andrea Brillantes sa show nina Vice Ganda upang ipromote ang kanyang series na pinamagatang Drag You and Me.


Sa segment na "Rampanalo" ng noontime show, tinanong ni Vice Ganda si Andrea ng ilang katanungan tungkol sa bola. 


“Blythe, kung ikaw magpapasa ng bola, kanino mo ipapasa ang bola?” pagtatanong ni Vice Ganda kay Andrea Brillantes.


“Bola? What’s that?” pamaang-maangan pa ni Andrea.


 “Ayoko na po,” dagdag pa niyang sagot.


Samantala, muling kinulit ni Vice Ganda nang mapansin niyang nag-eenjoy ang aktres sa pagpapasahan ng bola ng kanilang mga contestants sa isang segment ng show.


“Nag-enjoy siya kanina nung pinapasa-pasa 'yung mga bola. Gusto mo bang sumali sa pasahan ng bola?” pangungulit ng Unkabogable Phenomenal Star. 


Agad naman itong sinagot ni Andrea at pinagdidiinan, “Ayoko na.”


Matatandaan na kamakailan lamang ay naging malaking usapin sa social media ang isyung hiwalay na ang celebrity couple na sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero.


Kasunod ito nang mapansin ng kanilang mga tagahanga na hindi na sila nagpopost ng mga larawan at videos na magkasama.


Naglabas na rin ng pahayag si Ricci Rivero kung saan tahasan niyang inamin na hiwalay na nga sila ng aktres.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo