Xyriel Manabat, Isiniwalat Ang Pag-under Go Sa Therapy!

Huwebes, Mayo 4, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ng Kapamilya actress na si Xyriel Manabat ang pagpapakunsulta niya sa therapist dahil sa natatanggap niyang komento mula sa mga netizens na natatanggap niya sa iba't-ibang social media platforms.


Inamin itong lahat ni Xyriel Manabat sa isang panayam na makikita sa Hot Summer, LaHot Sexy video ng Star Magic, na nai-post sa kanilang YouTube channel noong April 28.


Binalikan ni Xyriel Manabat ang ilang karanasan kabilang na ang pag-eedit ng kanyang photos sa nakakabastos nang paraan. Hindi rin nakatulong ang ilang mga netizens na paniwalang-paniwala sa mga edited photos niya.


“May mga nakikita akong ginagamit yung picture ko tapos ie-edit nila na parang nakahawak sila sa private part ko, ganoon. Minsan yung mga comment dun, parang vina-validate nila na, ‘Eh kasi ganyan naman ang suot, eh.’ Jina-justify nila na, ‘Kamanyak-manyak naman kasi talaga eh,” pagbabahagi ni Xyriel.


Dahil dito, humingi umano ng tulong sa mga professional si Xyriel dahil sa labis na stress na idinulot ng mga pambabastos sa kanya online.


“Binabastos po kasi nila ako and ino-objectify. Sine-sexual assault nila ako in a way. Hindi po yun dapat pinapalagpas, pero na-overcome ko po siya."


"Gumawa po kami ng legal action and nag-therapy po ako sa mga ganun kong nababasa and nakikita kasi kailangan kong i-prioritize ang mental health ko. Hindi po talaga helpful ang mga ganoon.”


Nagbabala ang rin ang 19-year-old Kapamilya star sa mga manonood na huwag kailanman ipahiya o magkomento ng anumang tungkol sa katawan ng isang tao dahil hindi ito nakakatulong sa pagpapalakas ng confidence ng mga ito.


“Minsan, ‘yung iba pong kino-comment-an natin nang ganito, hindi kasing-tibay ng loob ko. Hindi kasing-lakas ng loob ko para lagpasan ‘to. Kahit ako, kapag nakakabasa ako ng mga not-so-nice comments, baka pwedeng huwag niyo po akong mandohan pagdating sa katawan ko.”


“Kung ano pong nakikita niyo, scroll niyo na lang. Huwag na po kayong mag-comment kahit maaari. Huwag niyo pong i-wish na bastusin, tingnan dahil sa body type. Hindi kasi dun nababase kung babastusin or what. Hindi body type ng tao ang maga-adjust, kundi ‘yung utak niyo,” pagpupunto pa ni Xyriel Manabat.


Hiling din ni Xyriel na sana itigil na ang pambabash sa social media kahit pa ano ang mga kasarian nito.


“Bakit hindi lang nila i-correct na kahit kailan hindi magiging tama ang pag-o-objectify ng tao, babae man o lalake? Minor man o hindi? Marami akong binangga tungkol doon kasi ayoko ng nagpapatalo ako kapag ako ‘yung nasa tama.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo