Xian Gaza, Napa-HA Sa Pa Savior Post Ni Jason Hernandez sa Kanyang Mystery Girl

Lunes, Mayo 22, 2023

/ by Lovely


 Agad na napareact ang social media influencer at businessman na si Xian Gaza sa ibinahaging post ni Jason Hernandez kasama ng kanyang rumored girlfriend na nakatanaw sa magandang tanawin ng Horse Shoe Bend Canyon.


Ayon sa caption ni Jason ang babaeng ito ang nagligtas sa kanya at nagpabalik ng ngiti sa kanyang mga labi.


“Siya ang nag ligtas sa’kin, ang nagbalik ng aking ngiti.”


Samantala, agad naman itong nirepost ng self proclaimed Pambansang Marites ng Pilipinas na si Xian Gaza, kalakip ang kanyang shocked face expressions.


"HA," pahayag ni Xian bilang caption ng kanyang post.


Nagbigay rin siya ng witty comment at iminetion pa mismo si Jason Hernandez.


Aniya, “BAKA SI JESUS YAN NAGLIGTAS EH.”


Sa kabilang banda, bagama't marami ang nasisiyahan dahil tila naka move on nang pareho sina Moira Dela Torre at Jason Hernandez, hindi pa rin maiwasan na may mga bashers na tila naghahanap lamang ng maiissue sa pagkakaroon ngayon ng panibagong pag-ibig ni Jason.


"Amacanna Jason cloutchaser na masyado haha," komento ng netizen.


Agad naman itong sinagot ni Xian Gaza at sinabing pabayaan na lamang si Jason sa kanyang pagpi-flex sa kanyang mystery woman.


“Pagbigyan mo na. Alam naman natin ang pakiramdam. Ngayon pa lang siya eh. Sa una lang naman yan. Hype na hype pa eh.”


Kilala si Christian Albert Gaza aka Xian Gaza sa pagbabahagi ng ilang mga trending issue sa social media. Kinukunsidera at itinuturing din niya anvg kanyang sarili bilang Pambansang Marites dahil madali lamang siyang nakakasagap ng mga latest chika mula sa kanyang sources.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo